Chapter 28 : The Anniversary

4.8K 140 10
                                    

Maaga kong hinatid kanina si Kiko sa bahay nila at mamaya sasamahan niya ako sa magaganap na event ininvite kase siya ni Von.

Pinahatid na din sa unit ko kanina ang isang champagne one-shoulder evening gown na may slit at pinaresan ng red stilettos kasama na rin ang invitation.


"Sa wakas dumating narin ang order ko"

Umupo sa tabi ko si Kiko na may hawak na isang itim paper bag.

Nag under time ako sa trabaho para makapaghanda sa mamaya sa event.

"Ano yan?", tukoy ko sa itim na box na nilabas niya mula sa paper bag nito.

"Tracking device at earpieces"

Natawa ako sa sinabi niya at nag unboxing sa binili niya.

"Aanhin mo yan?"

"Wala lang ang astig kase nito".

"Hahaha ewan ko sayo, magpalit kana nga baka malate pa tayo mamaya", natatawang napailing ako at pumasok na sa kwarto ko.

Sinuot ko na ang gown na binigay sakin ni Tita Aphrodite, at naglight make up na din ako at tinali ang buhok into a messy bun.

Nagpapamake-up din sakin si Kiko at nagpaliptint pa parang bakla.

Naka dark blue tuxedo si Kiko at mas lalong bumagay ito sa magandang pagkakaayos ng buhok niya at ang asset niyang dimples. Ang gwapo ng best friend ko.

"Tara na?",yaya ko sakanya at kinuha ko na ang black purse ko na may lamang phone at pera.

"Wait, try natin tong gamitin itong tracking device na ito", nilabas niya ang dalawang maliliit na tracking device at nilagay ito sa hairclip ko at nilagay din niya ang isa sa kanyang relo at kinokonek sa phone namin.

"Ito ding earpiece try natin",nilagyan niya ako ng earpiece sa tenga at naglagay din siya ng kanya.

Napagdesisyonan ko na maglugay nalang para hindi makita ang earpiece ko. Nilagyan ko ng white hair clip ang buhok ko para may design din kahit papaano. Natawa ako sa kalokohan ni Kiko daig pa namin ang mga secret agent.

"Ang cool natin, mukha tayong sasabak sa isang mission",bungisngis niya at inayos niya ulit at kanyang buhok.

"Tara na nga", yaya ko sakanya at kumapit sa braso niya.

Si Kiko na ang navovolunteer para mag maneho papunta sa venue.

***

Someone's POV

[\: Sundan niyo ang pulang sasakyan, I'm sure papunta siya sa event ng Sternberg.]

[Rico: Masusunod bossing]

[\: Magaling, gawin niyo ng matagumpay ang misyon niyo na makuha ang babaeng iyon]

Malapit kanang mawala sa landas namin, ayoko maging palpak ang plano ko. Konting tiis nalang magtatagumpay na ako.

Napangisi ako, mawawala na din ang sagabal sa wakas.

***

Masama ang kutob ko sa isang itim na sasakyan na laging nakabuntot samin.

" Kiko bilisan mo pagmaneho",utos ko sakanya.

"Bakit?",nakakunot-noo siya habang nasa daan ang tingin niya at nagmamaneho.

"Basta, bilisan mo nalang", utos ko sakanya at pinaharorot niya ito papunta sa SCC Hotel, ang exclusive at five star hotel na pagmamay-ari nila Spade.

Agad na pinark ni Kiko ang sasakyan malapit sa mga nakahilerang mamahaling sasakyan.

One Night Stand With My BrotherWhere stories live. Discover now