CHAPTER 4

23 7 0
                                    

Lumipas ang isang buong linggo at ngayon ay sunday kaya tulad ng napag-usapan ay pupunta kaming mall para manood ng sine.

"what's up guys!"masiglang bati ni vince saamin na kararating lang.

"saya natin ah"natatawang sabi ni cahlil sakanya.napaisip naman ako,siguro nga wala nalang sakanya yung nangyari non at hindi na inintindi dahil ayaw niya rin siguro masira pagkakaibigan namin.

hindi na kami pumila dahil bumili na kami online ng tickets,kaya bumili nalang muna kami ng popcorn at drinks.pagkatapos non ay pumasok na kami sa loob.nasa left side ko si abi at katabi naman niya doon ay si crist at sa right side ko naman ay si vince at katabi naman niya ay si cahlil at sa dulo ay si jane.hindi tuloy ako komportable,ewan ko ba.

horror movie pinapanood namin ngayon,buti nalang at mahilig ako sa nakakatakot.

"wahh!"

"ayy!"

"shems,nakakakilabot"

hiyawan ng mga katabi ko kaya pati tuloy ako nagugulat.ganito naman kasi sila lagi lalo na kapag horror, laging nakareact.

"ang ingay,hindi ko tuloy narinig"sabi nung nasa likod namin.paglingon ko ay may dalawang lalaking nag-uusap,madilim kaya hindi ko gaanong nakita yung mukha nila.

"shh,huwag daw kayong maingay.naiingayan yung nasa likod natin"mahinang sabi ko sa katabi ko

"tsk,oo na"sabi ni abi at pasimpleng tumingin sa likod"uyy te,ang gwapo nung guy sa likod oh"kinikilig pa na sabi niya.hindi ko nalang pinansin dahil baka mahalata pa kami.

nang matapos ang palabas ay kumain muna kami dito sa fastfood sa loob pa rin ng mall.habang kumakain ay nag kukwentuhan naman kami.

nakikinig lang ako sa sinasabi nila pero may napapansin ako na parang may nakatingin sa'kin,huhu mama!char.pasimple akong tumingin sa paligid pero wala namang nakatingin.
siguro guni-guni ko lang yon--nagulat ako dahil may dalawang lalaki sa gilid namin na hindi ganoon kalapit at parang nakita ko yung isa pero hindi ko matandaan kung saan ko nakita.aish!bakit ba kasi hindi ako madaling makatanda ng bagay-bagay lalo na sa mga itsura ng tao.dahil siguro to sa pagkauntog ng ulo ko,naalog tuloy pati utak ko haha.

nabulunan pa ako at uubo-ubo dahil may bumara sa lalamunan ko,baka dahil sa gulat.

"oh marisse ayos ka lang ba?"nagaalalang tanong ni vince at binigyan ako ng tubig.

"o-oo nasamid l-lang"uubo-ubo kong sabi.ano ba to,madededs ata ako ng maaga e. pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna bago nagpunta sa time zone.naglaro kami ng basketball,deal or no deal at iba pa.kaya nagpahinga muna ako saglit sa gilid dahil sa pagod.uminom ako ng tubig at napatigil ng makita ko nanaman yung dalawang lalaki sa fastfood.hindi ko nalang pinansin yon dahil biglang lumapit si vince saakin at uminom din ng tubig.

"antagal na rin simula nung namasyal tayo ng kumpleto no"sambit niya,at tama naman siya dahil matagal na rin simula nung huli naming gala ng kumpleto,hindi kasi nagkakasabay sabay yung schedules namin e.

"oo nga e,buti nalang at free tayong lahat ngayon,at nakapag bonding pa"nakangiti at natatawang sagot ko.
nag nagkwentuhan pa kami saglit ng kung ano-ano bago kami nag aya na umuwi na dahil mag gagabi na.

"pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko si daddy na nanonood habang nagkakape."hi dad" bati ko

"oh hija"ngumiti siya at tinuon ulit ang atensyon sa t.v.tinawag na din kami ni mom dahil kakain na.nakahain na sa lamesa ang mga pagkain umupo na ako,tulad ng dati ay nasa gitna si daddy at katabi niya si mommy at katabi naman niya si ate,nasa kabilang side naman ako ni daddy.

"oh kamusta ang school marisse,malapit na ang finals niyo diba?"tanong ni daddy.eto nanaman po tayo sa malupitang interview,char.

"oo nga po dad,sobrang busy ng schedule namin ngayon at sinasabay pa ang review"sagot ko.

"i see,ikaw naman kath kamusta?"baling niya kay ate.

"ok lang dad,walang nagbago"walang ganang sagot ni ate.napabuntong hiningang tumango si dad sakanya.sanay na rin kasi kami na ganyan yung naging ugali niya simula nung nangyaring aksidente at iniintindi nalang namin.

"e ikaw naman marisse,wala pang boyfriend?"nakangising tanong niya sa'kin.sinasabi ko na nga ba at dito nanaman papunta to e.

"d-dad naman!syempre wala pa ano"agad kong sagot habang napapakamot pa sa ulo."good" nagtawanan lang silang dalawa.

natapos na kaming kumain at lalabas na sana nang biglang pumasok dito yung isa sa mga kasambahay namin na may hawak ng cellphone.

"naku,sir,madam sorry po at naabala ko kayo, pero panoorin niyo itong balita ngayon"kinakabahang sabi nito.

agad naman kaming nagpunta ng sala para mapanood ng mabuti ang balita.
pagkabukas palang ng t.v. ay bumungad na nga saamin ang balita.

sabi doon ay may sakit na kumakalat ngayon na nagmula sa ibang bansa.ang tawag sa sakit na iyon ay 'sea-flu' dahil daw isa itong virus na galing sa mga lamang dagat.iniimbistigahan pa daw ang mga palengke at iba pang may tinda ng mga ito dahil baka nga makain pa ng tao,dahil kapag nakain daw ito ng tao ay maililipat sakanya ang virus,at pwede siyang makahawa.ang sintomas nito ay,pagkati ng lalamunan,pananinikip ng dibdib,hirap makahinga.mas madali daw makapitan o mahawaan ng virus ang mga may history o may mga sakit sa baga at sa puso.kaya pinag-iingat daw ang lahat at huwag munang kumain ng mga sea foods para maging ligtas.

"oh my"hindi makapaniwalang saad ni mommy habang napatakip ang magkabilang kamay sa bibig.

hindi parin nagsisink-in sa utak ko ang mga sinabi sa balita.first time kasi talaga sa history na magkaroon ng ganitong sakit. at mas kinakabahan pa ako dahil mas tinatamaan ng sakit na ito ay ang mga kagaya ko na may sakit sa baga.nakakatakot pa lalo kapag nakapasok ito sa bansa,huwag naman sana.

umakyat na ako sa kwarto ko at nagshower muna bago pagod na pagod na humiga sa kama.nag isip-isip muna ako ng mga bagay-bagay bago ako dalawin ng antok.

~♥~

Love with sacrifice(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon