Nandito ako sa mall,magsho-shopping muna ako.nagpahatid nalang ako sa driver namin at nagpahintay.habang naglalakad ako palabas ay dali dali kong kinuha yung cellphone ko sa bag ko dahil may tumatawag. "hello-"putek naman oh napaka lasma ko naman ngayon may nakabungguan pa, hanep!
"i-im so sorry sir"sabi ko habang pinupulot yung mga gamit ko na nalaglag,pagtayo ko ay nakita ko lang na tumingin siya saglit sa may keychain ko na bracelet at bigla nalang umalis sa harapan ko.napapikit ako sa inis ng wala man lang siyang sinabi.
wth?!
teka,pamilyar nanaman mukha nung lalaking yun ah.pero kahit na!naiinis pa rin ako sakanya,hindi man lang nagsorry o nagsalita,pipi ba siya?hay hatdog na yan oh,ansakit tuloy ng balikat ko.
tinignan ko muna yung phone ko kung sino yung tumawag,si Abi kaya tinawagan ko ulit.
"hello abi"
["hello marisse andito na ko sa bahay niyo,bakit nga pala naputol kanina?"]
sabi niya sa kabilang linya."e paano may nakabunggo ako kanina sa mall na lalaki,nakakainis nga e! pero..nevermind, pauwi na ko, bye" sabi ko at napabuntong-hininga nalang.
medyo madilim na ng makarating kami sa bahay,nagtaka ako kung bakit nakapatay yung ilaw sa sala, brownout kaya?baka may mumu huhu,char.pagbukas ko ng pinto ay agad akong napahawak sa dibdib ko sa gulat ng magsilabasan yung mga sira-ulo kong kaibigan.
"HAPPY BIRTHDAY MARISSE!"sabay sabay nilang bati at kinanta pa ang birthday song habang nilapit sakin ni abi yung cake para hipan ko daw.
nagwish muna ako bago ko hinipan."t-thank you guys,g-ginulat niyo naman ako e!"at pinupunasan ko kunwari yung luha ko with feelings pa ang pag arte ni ate ghurl niyo.
nagsi tawanan lang sila.kumpleto mga kaibigan ko,andon din si mom,si daddy na sa office pa siguro,si ate naman wala dito.lagi naman e ano pang bago.nawala agad yung abot taingang ngiti ko ng maisip ko iyon.
"happy birthday honey!"masiglang bati ni mommy sakin.at niyakap ako.
pagkatapos ng maikling salo-salo ay nagpunta na kami sa swimming pool namin sa likod ng bahay namin. sakto lang ang laki nung swimming pool. naka swim suit na yung dalawa kaya ganoon nadin ang ginawa ko,pero pinatungan ko pa rin ng maong shorts.
"sexy naman oh hahaha"natatawang sabi ni vince.
binatukan ko siya ng mahina, tumawa lang siya.tatlong lalaki at tatlong babae kami,si vince palang yung lalaking lumusong sa pool, si cahlil naman ay nag iihaw at nagbubukas naman ng bote ng alak si crist,para mamaya, joke lang bawal ako sa alak dahil may sakit ako,tamang juice at softdrinks lang o kaya naman minsan nag w-wine ako pero nakakasawa din,sana ol nalang sakanila.habang sila abi at jane naman ay nasa pool na din.
pagkatapos naming kumain ng barbeque at iba pang ihaw ay nag shot shot muna sila at ako nakisali pero juice lang hehe.nag swimming na ulit kami at naglaro ng chicken fight yung naka upo ka sa batok nung kasama mo tapos ikaw makikipaglaban. kasama ko si vince,sina abi at crist at sina jane at cahlil naman.bakbakan na!
medyo kinakabahan pa ko kahit magaling ako dito kasi si vince kasama ko.kahit magkaibigan kami,inamin ko pa din noon na crush ko siya pero di ko inaasahan na ganon din pala siya saakin,pero matagal na yon,first year high school pa kami.e senior high school na kami ngayon. pero hindi naman naging kami, nagkaroon na rin kami ng sariling mga jowa no.pero lagi parin kaming niloloko at shiniship na dalawa.bagay daw kami,utot nila alam naman nilang di ako pumapatol kahit gwapo siya,kapag kaibigan,ayaw kong maging magka-ibigan hahaha
nanalo kami hanggang dalawang round pero sa susunod na round ay na out of balance ako,hinintay ko nalang na bumagsak ako sa pool pero may sumalo sakin,pag dilat ko nasa harap ko na si vince.parang may kung ano sa tiyan ko na ewan,naeebs ata akets.
"ayiiee ayiiee.VINRISSE VINRISSE!"napaiwas ako at napaayos ng tayo ng marinig ang mga pang- aasar nila.nakita kong napangisi si vince dahil don.
"a-ayoko na,iba nalang laruin natin"nauutal na sambit ko.huy kalma siya lang yon.
"hindi tayo pwede~"kanta ni jane. na kunwari ay nasasaktan pa.
"pinagtagpo pero di tinadhana~"kumanta na din yung iba!hay ano ba yan,bakit ba sila ganyan, pag ako bumawi."hindi na posible~
ang mga puso'y huwag nating pahirapan~""huy huwag naman kayo ganyan nakakahurt kaya"maarteng sabi ni vince.tsk parang bakla
"bakla!"pang aasar ko sakanya.
lumapit siya sakin at umatras naman ako pero wala na akong maatrasan dahil dulo na ng pool yon.lumapit pa siya lalo at nakatitig lang sa mga mata ko.
"talaga bakla ako?bakit ako nagkagusto sa'yo kung ganoon?"malanding sabi niya,ew.naramdaman kong nag-init ang pisngi ko!nakakahiya huhu.
"ano ba,tumigil ka nga"tinulak ko kaagad siya at umupo sa may hagdan ng pool.
"ayii road to pOreBeR na ba this?"sabi ni cahlil.nagtawanan sila.ngumiti ako ng sarkastiko at umirap.
"tse!"sabay naming sabi.
hala!
uminom pa sila kaya medyo tinamaan na yung iba kahit hindi naman ganoon katapang yung alak pero andami nilang binili.kaya dito ko muna sila pinatulog dahil dalawa pa naman yung bakanteng rooms namin. hinatid ko sila sa kwarto at inuna ko muna yung girls sunod yung boys,isasara ko na sana yung pinto ng iharang ni vince yung kamay niya,kadali talaga malasing neto,tsk tsk.
"ikaw pa din talaga"hirap niya pang sabihin ito at pipikit-pikit pa,lasing na nga talaga at bigla nalang niyang sinara ang pinto.
teka tama ba pagkakarinig ko?anong ibig-sabihin non,naguguluhan na ako.inisip ko nalang na baka nagloloko lang siya dahil lasing.
"ikaw pa din talaga"-
~♥~
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
أدب المراهقينsinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...