Kinabukasan ay maaga akong gumayak para pumunta kay liam.ngayong umaga siya ooperahan at dapat mamaya pa akong hapon pupunta pagkatapos niyang operahan pero pupunta na ako ngayong umaga,mas ayos na na mag-antay ako ng matagal basta masiguro ko lang na ligtas siya.
nag-aalala kasi ako,hindi ko alam kung bakit,panaginip lang naman 'yon pero parang totoo.alam ko naman na kapag panaginip ay hanggang panaginip lang at malabong mangyari.pero kahit gano'n,
kinukutuban pa rin ako na may hindi magandnag mangyayari.huwag naman sana.pagkatapos din sana ng operasyon niya ay balak ko ng umamin ng totoong nraramdaman ko.ang weird kasi dapat lalaki muna ang aamin gano'n pero ako 'to e.iba ako sa ibang tao,kung sigurado na ako sa nararamdaman ko,sasabihin ko na.
sinabi ko na din kay ate na ngayong umaga kami pupunta.kaya pagbaba ko ay nando'n na siya sa sala,nagaantay.
"tara na?"tanong niya.tumango naman ako at nagpaalam na kami kay mommy bago umalis.
pagkarating namin do'n ay nagpunta kaming operating area.nakita ko yung mommy ni liam na nakaupo sa upuan sa gilid,kaya pumunta kami do'n.
"good morning po"bati ko gano'n din naman ang ginawa ni ate.
"good morning"bati din niya pabalik.
"ah,kamusta po si liam?"tanong ko.
"kauumpisa lang ng operasyon niya hija...bakit napaaga ata ang pagpunta ninyo,pwede din naman kayo mamayang hapon baka mainip kayo"
"ay hindi naman ho..lalabas nalang po kami mamaya para kumain"ani ko.tumango lang siya,nagpunta naman kaming tatlo sa waiting area para maghintay...waiting area nga di ba?lol.
lumipas ang ilang oras at tanghalian na.kaya naman napagpasayahan naming kumain muna sa cafeteria sa baba.
"ano ang sa'yo?ako na oorder"tanong ni ate.
"kung ano nalang yung sa'yo" maikling sagot ko.
"uy,kanina ka pa tahimik d'yan ah..may problem ba?"tanong niya nang makabalik at ibinaba na niya ang mga pagkain sa lamesa.
"e kasi ate,may napaginipan ako kagabi..si liam daw w-wala na"kinakabang sagot ko.
"oh e anong kinakatakot mo,panaginip lang naman 'yon e"
"hindi lang naman 'yon e,kinukutuban ako na may hindi magandang m-mangyayari.."ani ko.
"huwag kang mag-isip ng ganyan.kumain nalang tayo"tumango nalang ako at nag simula nang kumain.
nang matapos ay bumalik na ulit kami pero napatigil din nang may mga nagmamadaling nurse.kaya sumunod kami kung saan 'yon papunta.hindi nga ako nagkamali,sa operating room sila pumasok.
"sir,a-ano pong nangyari"kinakabahang tanong ko sa daddy ni liam.
"nagkaroon ng komplikasyon ang operasyon niya.hindi namin alam dahil sabi ng doctor ay malakas naman ang resistensya niya pero bakit nagkaganito."
nagsunod-sunod namang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
nakita ko rin na humahagulgol ang mommy niya kaya nakaalalay naman yung daddy ni liam sakanya."marisse..."inalalayan ako ni ate na umupo dahil sobrang nanlalambot ang mga tuhod ko."magiging ayos din ang lahat"patuloy niya.
sabi ko na e..hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon,yung panaginip ko. ganitong ganito yung senaryo..sana hindi mangyari yung iniisip ko.
ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.wala akong ibang ginawa kun'di ang tahimik na umiyak,naghihintay sa magiging resulta.
"marisse,umuwi na muna tayo ha.kailangan mo munang magpahinga,bumalik nalang tayo mamaya.panigurado magiging stable din ang lagay niya"sambit ni ate.umiling naman ako.
"hindi ate,dito lang ako.kung gusto mo,ikaw nalang muna ang umuwi."napabuntong hininga naman si ate sa isinagot ko.
"pero tinext ko na si daddy,susunduin na niya tayo."kahit ayaw ko ay wala rin akong nagawa.pagod na rin ako dahil kanina pa kami rito.
nagpaalam na muna si ate sa mommy ni liam bago kami umalis.pagkarating namin sa bahay ay dumeretso na muna ako sa kwarto.tinatanong pa ako nila daddy kung anong nangyari pero hindi ako nagsasalita kaya si ate nalang ang sumasagot.
paghiga ko sa kama ay tinakpan ko ng unan yung mukha ko at do'n ako umiyak ng umiyak.sobrang bigat talaga sa pakiramdam.
dahil sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
_____"marisse?"naalimpungatan ako dahil sa paggising saakin ni ate.pagdilat ko ay tumingin ako sa orasan,hapon na pala.
"pupunta ka pa ba ngayon sa hospital o bukas na?"tanong niya.
"p-pupunta ako"sagot ko at bumangon na para gumayak.lumabas na rin si ate.sabi niya sasamahan pa rin daw niya ako.nakita ko naman sa mga mata ni ate na nag-aalala siya kaya napapaiwas ako at hindi siya matignan ng deretso.feeling ko kasi anytime tutulo nalang yung mga luha ko.
pagkatapos no'n ay umalis na kami.nang makarating kami sa hospital ay pumasok na kami.kahit na nanghihina ako ay nagmadali pa rin akong maglakad.
naglakad na kami palapit sa operating room at nakita namin yung daddy ni liam do'n at wala yung mommy niya.
"magandang hapon po"bati ni ate at gano'n din ang ginawa ko.
"k-kamusta ho si liam?"tanong ko.
malungkot naman siyang napabuntong-hininga."hija,'wag sana kayong mabibigla pero..w-wala na si liam,hindi niya nakayanan ang operasyon."habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon ay nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko.at bigla nalang nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.pilit akong tinatayo ni ate pero hindi niya magawa.
"pwede ho ba namin siyang makita?"tanong ni ate.
"i'm sorry pero,wala na siya dito ngayon at private ang magiging burol niya"
"p-po?pero bakit..kahit do'n lang ho sana ay makita namin siya.kaibigan niya naman po ako oh"
kahit nanghihina ay napalakas pa rin ang boses ko."marisse"mahinang bawal sa'kin ni ate.
"i'm sorry sa libing nalang niya kayo pumunta.i have to go"ani niya at sinabi kung saang sementeryo si liam ililibing,at umalis na.
"a-ate.."tinulungan akong itayo ni ate at niyakap ko siya."parang h-hindi ko yata kakayanin.."umiiyak na sambit ko.
"shh,tama na ha."
"sa s-sandaling panahon na nagkasama kami,n-napalapit na kami sa isa't-isa..ate,m-mahal ko na siya e.bakit kailangan mangyari lahat 'to.."hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil humagulgol na ako sa iyak.
inalalayan ako ni ate na maglakad para umalis na.hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng sasakyan.bakit gano'n,parang may hindi tama sa mga nangyayari?pinaglalayo ba kami ng tadhana?hindi ba talaga kami para sa isa't-isa?siguro nga ay hindi dahil hindi naman ako sigurado kung mahal niya din ako at hindi ko na malalaman 'yon dahil---wala na siya.
andaming pumapasok sa isip ko ngayon.iniisip ko yung unang pagkikita namin.yung mga pang-aasar niya.hanggang sa naging close kami sa isa't-isa.kahit sandaling panahon lang kami nagkasama ay hindi ko maitatanggi na napakabuti niyang tao.kaya ako napamahal sakanya ng husto.
akala ko dati hindi ko siya magugustuhan dahil napakayabang niya,pero kinain ko rin pala yung mga salitang sinabi ko.hindi mo pala talaga alam ang tadhana,paglalaruan ka talaga nito at susubukin kung hanggang saan ang kakayanin at katatagan ng puso mo.
'I will miss you liam'
~♥~
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
Fiksi Remajasinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...