CHAPTER 5

16 7 0
                                    

dalawang araw na ang nakalipas at wala pang binabalita na nakapasok na sa bansa yung sakit.mabuti na rin kung ganoon. Wala din kaming pasok ngayon dahil may program ang mga teachers sa iba't ibang school at sa school namin iyon gaganapin.

nandito lang ako sa kwarto ko at nagrereview dahil malapit na nga ang finals. matapos kong magreview ay naisipan kong um-order online ng makakain,isang pasta at garlic butter shrimp dahil nagc-crave ako non. wala kasi yung cook namin kaya walang magluluto. bumaba ako sa sala para hintayin. ilang saglit lang ay may nag doorbell na at pagbukas ko yung inorder ko iyon. binayaran ko na at dumeretso sa kusina,nasa trabaho ang parents ko ngayon at si ate ay pumasok.kaya yung dalawang kasambahay lang ang kasama ko ngayon.

pagkatapos kong kumain ay nagpunta ulit ako sa sala at manonood sana ako ng netflix pero pagbukas ko palang ng t.v. ay bumungad na ang balita kaya yun muna ang pinanood ko.

nanlaki ang mata ko nang malaman ang balita.nakapasok na daw ang virus dito sa bansa!wtf.bigla kong naalala yung kinain ko na shrimp,seafoods nga pala yon!bakit hindi ko naalala?wala naman sana yon.naku pu,paktay tayo jan. matapos non ay nawalan na ako ng ganang manood kaya umakyat nalang muna ako sa taas at natulog.

nagising ako at nakita kong padilim palang kaya bumaba muna ako,nandito palang ako sa hagdan nang marinig ko si daddy na sumisigaw,nang makababa na ako ay nakita ko si ate na nakaupo at nasa harap niya si daddy na nakatayo at hinihilot ang sentido.

"anong ginagawa mo at bakit bagsak ka nanaman?"pigil ang galit na tanong ni daddy. hindi naman sumagot si ate.

"lagi ka nalang may bagsak,kaya ka hindi maka graduate. ikaw pa naman ang inaasahan kong magpapatagbo ng kumpanya natin,pero bakit hindi mo maipasa yang pagkadali-daling subject na yan!"nagulat ako ng ng sumigaw nanaman si daddy.

"ano ba yang ginagawa mo ha?yang pag punta mo tuwing gabi sa club at magpakalasing?ano sa tingin mo ang mapapala mo doon?! wala diba?wala!" hinihingal at namumula sa galit na sigaw pa rin niya."ano sumagot k-"

"oo na!masama na akong tao,wala na akong kwenta!ano pa?ano pa ha?!"napaiwas siya nang ambaan siya ng sampal ni daddy"sige,sige dad ituloy mo!tutal wala naman akong kwentang anak sa inyo diba?! a-ang gusto k-ko lang naman ay makalimot pero bakit hindi ko m-magawa!bakit a-andito pa rin yung sakit kahit na sobrang tagal na simulan nung nawala siya!"umiiyak na sabi ni ate.

"oh my,hon,kath"gulat na sabi ni mommy na kararating lang.

"b-bakit parang napakadali lang sainyong kalimutan yon?!bakit?"nahihirapang sabi ni ate.

"ikaw!kasalanan mo kung bakit siya nawala,dapat ikaw nalang yung nasagasaan at hindi siya!"sigaw bigla saakin ni ate,patungkol niya sa kakambal niya. naramdaman ko nalang na may luha na palang tumutulo sa mga mata ko.

"kath!huwag mong sisihin ang kapatid mo!"singit ni mommy na lumapit saakin at pinapatahan ako.

"sige mommy,kampihan mo yan,magkampihan na kayong lahat! wala na rin naman akong pake dahil simula nung namatay si kate ay parang pinatay niyo na din ako!alam niyo kung bakit?dahil simula noon,hindi ko na naramdaman na may magulang ako na nag-aalaga saakin,kasi puro diyan sa marisse na iyan nalang ang atensiyon niyo!paano naman ako?anak niyo rin naman ako diba?!"himahagulgol na sabi niya.

"sumosobra ka na!"

" kath.."naluluha na din na sabi ni mommy.

"hindi mommy,nasanay naman na ako na wala kayo,nasanay na akong mag-isa,nasanay na ako sa lahat ng sakit. diyan nalang kayo kay marisse dahil siya ang mabuti sa paningin niyo,na may patutunguhan yung buhay kumpara saakin."

sobrang sakit,sobrang sakit sa pakiramdam na ganito ang nangyayari."hindi lang naman ikaw ang nawalan ate.."mahina at nahihirapang sabi ko.

"oo at ikaw ang may kasalanan dahil hindi ka nag-iingat!"sigaw niya sa'kin.

"kathryn!"sigaw ni daddy.

hindi ako makahinga,ansakit ng dibdib ko!huwag please,huwag ngayon.

"marisse!marisse!"narinig kong sigaw ni mommy,dahil bigla nalang akong nanlambot at natumba. naramdaman kong inaalog ako at may bumuhat saakin bago ako tuluyang nawalan ng malay.
____

"ayon sa results ng tests ay positve po ang pasyente sa virus,maari pong nahawaan siya o may nakain kaya siya nagkaroon nito"

nilibot ko ang paningin ko kung nasaan ako,nasa kwarto ako at panigurado na nasa ospital ako. nakita ko sila mommy sa may pinto at kausap yung doctor.

"thank you doc"sabi ni mommy at pagharap niya saakin ay nagulat siya at napaluha."doc,gising na ang anak namin"pahabol na sabi ni daddy sa doctor.

agad akong pinuntahan ng doctor at nurse.naka gown sila,masks at gloves,kaya agad akong nagkaidea na naka ICU ako.kung ano-ano pa muna ang chineck nila saakin bago sila umalis.

"marisse..."hindi na naituloy ni mommy ang sasabihin dahil nagsunod-sunod na ang mga luha na pumapatak sa mga mata niya.

"ah,marisse i'm sorry,kasalanan namin kung bakit nangyari ito.."bumuntong hininga at nahihirapang sambit naman ni daddy."huwag ka sana mabibigla pero nagpositive ka sa virus anak "patuloy niya at tuluyan ng humagulgol si mommy. hindi sila ganoon kalapit saakin dahil baka siguro mahawa sila sa sakit ko.

nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko,hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.halo-halo,hindi ko na kayang dalhin lahat.siguro kung naalala ko lang na seafoods at hindi ako nagpakampante na wala iyong virus ay hindi mangyayari lahat ng ito.ayaw ko mang isipin pero paano kung pinandidirihan ako ngayon dahil sa sakit ko.hindi ko akalalain na mangyayari ito saakin.sobrang bigat sa dibdib,andaming siguro at paano ang namumuo sa utak ko ngayon at wala akong ibang magawa kun'di ang sisihin ang sarili ko.

~♥~

Love with sacrifice(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon