CHAPTER 6

9 6 0
                                    

Sinabi nila sa'kin na dalawang araw na pala akong walang malay simula noong dinala nila ako dito. paminsan-minsan nalang nila akong dinadalaw dahil bawal din daw dahil pwede silang mahawa sa virus.hindi ko na alam kung anong nangyayari sa labas,wala na akong balita kung dumadami na ba ang nagkakasakit dahil sa virus. ayaw ko din kasing malaman dahil nasasaktan ako. hindi rin sinasabi nila mommy saakin dahil hindi ko sila kinakausap at nag kukunwari akong tulog lagi kapag dumadalaw sila. gusto ko lang muna kasi ang mapag-isa,gusto ko muna ng space para makapag-isip.

Mag iisang buwan na akong nandito at sabi ng doctor ay pwede daw akong magpunta sa may parang garden dito sa loob ng hospital dahil medyo bumubuti na daw ang lagay ko at makakatulong din daw para mapabilis ang paggaling ko. kaya medyo natuwa naman ako dahil sa wakas ay makakalabas na din ako.

kinabukasan ay may nagpuntang dalawang nurse dito at may dalang wheelchair,pinaupo ako doon kasama yung dextrose at pinasuot saakin yung face mask,para daw hindi ako makahawa. sinabi din nila na huwag akong lalapit masyado sa mga tao.tumango nalang ako kahit alam ko naman na sasamahan pa rin nila ako para bantayan.

pagkarating namin sa doon ay kaunti lang ang mga pasyenteng nandon.magkakalayo din,buti nalang at maluwang itong lugar.nagpunta lang ako sa may ilalalim ng puno, katabi ko yung swing at sinabi ko sa nurse na doon siya sa medyo malayo pero makikita pa din ako.tumango lang siya at naglakad na palayo.

humarap ako dito sa may bukiran na hindi na sakop ng hospital.ang ganda ng view dito,napakapayapa. siguro kung pwede lang ibalik sa dati ang lahat,yung wala kang masyadong iniintindi,yung kapag may problema,maaayos kaagad hindi yung ganito na wala akong kasiguraduhan kung gagaling pa ba ako o hindi.yung pa masyal masyal kalang kasama ang mga kaibigan,kamusta na kaya sila,antagal ko na silang hindi nakikita dahil hindi pa sila bumibisita.siguro ay hindi pa pwede.

natigil ako sa pag-iisip nang biglang may lalaki na tumapat saakin. naka wheelchair din siya at face mask. hindi siya ganoon kalapit dahil nasa pagitan namin ang swing. nagulat ako dahil lumingon siya bigla saakin.

"hi"ani niya at hindi ako sigurado kung nakangiti siya dahil may takip ang bibig niya pero sumingkit ang mata niya kaya panigurado ay ngumiti siya.

"ah,h-hello"nag-aalangang sabi ko. bakit ba ako kinakabahan?siguro ay dahil ngayon nalang ulit ako nakipag-usap sa hindi ko kakilala.

"bakit ka nandito?"tanong niya.kumunot naman ang noo kong napatingin sakanya.ano?bakit ba ako kinakausap nito?tsaka bakit ba ganyan yung tanong niya edi malamang may sakit ako,hospital to oh duh!

natawa siya ng makita ang reaksyon ko sa tinanong niya."i mean,bakit ka andito,anong sakit mo?"curious na tanong niya.

"may sea flu ako,kaya huwag kang lalapit sa'kin kung ayaw mong mahawaan"mataray na sagot ko.

"ang sungit mo naman"natatawang sabi niya kaya inirapan ko siya.

"ako,may sakit ako sa puso..."

"walang nagtatanong"putol ko sa sinasabi niya.

"alam ko,sinasabi ko lang baka gusto mo ding malaman,ateng"tumatawang pang-aasar niya saakin. arghh!bakit ba ang lakas mang-asar neto,close ba kami para ganyanin niya ako?!

"ano?huwag mo nga akong tawaging ateng,tsaka bakit ko naman gustong malaman,close ba tayo?tsk"napipikon na sabi ko.pasalamat siya at hindi ko siya malapitan kung hindi babatukan ko yan.

"aray!ang sakit mo namang magsalita ateng"may pahawak pa sa dibdib niya at kunwari nasasaktan talaga.nakakainis na to ah.

"huwag mo sabi akong tawaging ateng e,ang kulit mo!"

"e hindi ko naman kasi alam pangalan mo ateng,ano ba kasing pangalan mo?"

"at bakit ko naman sasabihin aber?

"oo nga pala ateng,hindi nga pala tayo close ano ateng?sige huwag nalang pala ateng" nang-aasar pa rin siya,aish!

"oo na!marisse,marisse pangalan ko,oh masaya ka na,happy,happy?"sabi ko na naka thumbs-up pa.pasalamat siya at nakakairita yung ateng na yon kung hindi,hindi ko talaga ibibigay yung pangalan ko.

"nice to meet you ateng--este marisse"natatawang pang-aasar niya.

"tse"

"liam hades carson,liam nalang for short hahaha"

"share mo lang ganon?kailangan sabihin ng buo ha?"napipikon na talaga ako dito konti nalang.lalo na yung tawa niya grrr!

"syempre,anong malay ko kung hindi na tayo magkita tapos hanapin mo pala ako,para hindi ka na mahirapan binigay ko na pangalan ko"taas-noong sabi niya.

"ang yabang neto,napaka pilingero"ang hangin,kala mo naman kung sino kung magsalita parang antagal na naming magkakilala e ngayon lang naman kami nag-usap.

"aruy,kunwari pa siya oh"patuloy parin siya sa pang-aasar."ikaw ano naman buo mong pangalan?"

"magdusa ka!"tsk,bakit ba ako nag titiis na kausapin tong lalaking to,napaka kulit,napaka yabang,lahat na nang nakakainis na katangian nasa kanya na.siguro nung umulan ng mga ganon sinalo niya lahat.

"aalis na ako"sabi ko at inalis na yung lock ng wheelchair ko at tinawag na yung nurse na nagbabantay sa akin. nagtuloy-tuloy lang kami at hindi ko na nilingon yung lalaking 'yon at hindi na rin naman siya nagsalita.

pagkabalik namin ay tinulungan ako ng nurse na humiga sa kama,umalis siya saglit at pagdating niya ay mayroon na siyang dalang pagkain at gamot. pagkatapos kong kainin at inumin iyon ay humiga na ako at matutulog na sana pero ayaw akong dalawin ng antok.

ayaw mawala sa isip ko yung bwisit na lalaking iyon. sabi niya ay may sakit siya sa puso pero sa sigla niyang iyon,parang wala siyang iniindang sakit.tsaka paano niya nagagawang maging ganoon kasigla at kasaya kung wala siyang kasiguraduhan kung gagaling pa siya o hindi.

kaya ako sa sarili ko alam kong nagbago na yung ugali ko simula nung nagkasakit ako. naging tahimik,masungit,madaling mainis at mairita kahit sa maliit lang na bagay. ayaw ko ng ganitong ako,dahil ibang-iba na ako ngayon kumpara dati,lahat 'yon kabaliktaran sa kung sino ako ngayon. palagay ko dahil sa nangyayari at sa sitwasyon ko ngayon.parang ang hirap na kasing maging masaya. hindi ko na ata alam kung paano maging masaya kasi ang tagal ko ng hindi nararanasan iyon.para akong nakakulong sa madilim na silid na nagmamakaawa ng kahit kaunting liwanag.

kaya nakakabilib din yung lalaking iyon,dahil sa kabila ng sitwasyon niya,nagagawa pa rin niyang tumawa.

'liam hades carson'

~♥~

[A/N]:don't forget to vote and comment your suggestions or thoughts:))

Love with sacrifice(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon