Ilang linggo na rin ang nakalipas mula non.balik lang ulit kami sa klase nitong mga nakaraan at walang masyadong ganap.
"nasa'n na ba si abi?nagugutom na ako oh"naiinip na sambit ni jane. nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break at sabay sabay kaming tatlo kakain.
"may dadaanan lang daw saglit e..mukhang napatagal naman na yata"sagot ko.nagtataka na rin ako dahil medyo matagal na namin siyang hinihintay at kanina pa nandito yung mga pagkain.hindi rin kami makapagsimula dahil wala pa siya.
"alam mo marisse,may napapansin ako dito kay abi nitong nakaraang mga araw eh"nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"ano naman yun?"taka kong tanong.
"diba ka bebreak lang nila nung jowa niya last time?"
"oh bakit 'yon?"tanong ko ulit.at kinuha ko ang baso na may lamang juice at sumimsim doon.
"parang may bago nanaman agad siya"napaubo naman ako at muntik ng maibuga yung juice na iniinom ko.
"ha?!"gulat kong tanong.
"kalma ka nga,parang lang naman e"ani niya at parang walang pake na nabulunan ako.
"paano mo naman nasabi?"
"eh kasi..kapag nagpupunta ako sa bahay nila,busy siya lagi sa phone niya at laging may ka text.kapag sisilipin ko naman hindi niya ipapakita"
"para yun lang,wala naman siyang naikekwento saatin..hindi katulad nung ex niya na halos magtatalon siya sa kilig habang kinekwento saatin diba?"
"lagi kaya siyang nakangiti at halatang nagpipigil ng kilig dahil nandoon ako..at hindi lang iyon,hindi na siya nakikisabay saatin madalas sa lunch break at palabas ng school diba?"napahinto naman ako sa sinabi niya.
oo nga ano.napapansin ko rin iyon.lagi niyang sinasabi na may dadaanan siya,o kaya may pupuntahan kaya hindi makakasabay sa'min.pero hindi ko nalang iyon pinapansin dahil mukhang totoo naman 'yon.
"tingin mo?pero bakit hindi siya nagsasabi sa'tin?"tanong ko.
"baka naman hindi pa siya ready na ipakilala sa'tin 'yon,o baka may--tinatago siya.."bakit naman niya gagawin 'yon?..tama ba na pagusapan namin si abi ng ganito?
"hay nako jane..kaibigan natin si abi mas maganda kung tanungin nalang natin siya hindi ba?
"anong itatanong niyo?"napahinto kami sa pag-uusap nang may magsalita mula sa gilid namin.nandito na pala si abi..kanina pa kaya siya diyan?
"ah,w-wala no..saan ka ba galing bakit antagal mo,nagugutom na kami eh"pagdadahilan ni jane.
"sorry mga sis,nakausap ko pa kasi yung isang friend ko doon at medyo napahaba ang chikahan hehe"ani niya at umupo na sa tabi namin.
nagtinginan naman kami ni jane at hindi na nagsalita.matapos kumain ay bumalik na kami sa room namin.hindi namin kaklase si jane kaya nag iba na siya ng daan at sabay naman kami ni abi.
natapos ang klase ng hapon..tumayo na ako para ayusin yung mga gamit ko.
"marisse hindi muna ako makakasabay palabas ha,paki sabi nalang kay jane..may kailangan pa akong bilhin sa labas eh"sambit ni abi sa tabi ko.
"sige ayos lang"pinilit kong ngumiti para paipakitang ayos lang talaga.
tumango lang siya at nauna ng lumabas.nagmadali rin akong lumabas para mahabol siya.ayaw ko mang gawin ito pero parang may nagtutulak sa akin na sundan siya kung saan talaga siya pupunta.
sorry abi,hindi sa pagiging backstabber pero gusto ko lang talaga malaman kung ano ang totoo.
nagulat ako dahil hindi siya palabas ng gate kundi pumunta siya sa may dulo ng building kung saan walang masyadong mga studyanteng dumadaan.
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
Teen Fictionsinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...