"good morning po tito,tita"bati ni liam kila mommy.magpapaalam kami dahil lalabas kami ngayon.
"oh,hijo i'm glad to see you again"masayang tugon ni daddy.
"my,dy magpapaalam sana kami lalabas lang"nahihiyang ani ko.nahihiya pa rin ako sa sinabi nila kagabi nung kumakain kami.
"of course hija basta si liam ang kasama mo ha"nakangising sabi ni mommy.
"boyfriend mo na ba siya?" natatawang tanong ni daddy.binawal ko naman siya
"hindi pa po,pero mukhang malapit na"pabirong tugon naman ni liam kaya siniko ko siya.
"aalis na po kami"ani ko nalang,humalik muna ako sakanila saka naglakad na paalis.
kotse ni liam ang gamit namin ngayon.mag mamall daw kami ngayon sabi niya,bilhin ko daw gusto kong bilhin at siya ang magbabayad.
nakakahiya naman,kaya tumanggi ako syempre hindi ko naman siya boyfriend.pero hindi siya pumayag kaya sabi ko sa pagkain nalang niya ako ilibre.
habang naglalakad ay pasimple siyang lumalapit at umakbay sa'kin.agad ko namang inalis 'yon.
"excuse me liam,fyi nanliligaw ka palang kaya 'wag kang duma da moves na ganyan ha"huminto ako saka siya inirapan.
"ang cute mo"natatawang ani niya saka pinisil ang pisngi ko.
"aray naman!"singhal ko dahil ang diin ng pagpisil niya.
"alam mo,hindi pa nga tayo inaaway mo na ako.paano 'pag girlfriend na kita?"paawang sambit niya na hinabol ako sa paglalakad.
"ewan ko sa'yo"
nandito na kami ngayon sa store at nagtitingin muna ako ng pabango.naalala ko kasing ubos na yung pabango ko kaya bibili na rin ako dito.
inispray ko ang una sa may palapulsuhan ko at inamoy 'yon.sinunod ko yung iba pero hindi ako makapili,lahat mababango.
nang aamuyin ko na yung isa ay biglang hinugot ni liam 'yon saka niya inamoy.
"heto mabango"aniya.kailangan talaga sa kamay ko niya amuyin?
"kanina ka pa po kasi d'yan madam"sabi niya nang makita ang reaksyon ko.agad naman akong natauhan at dali daling kinuha yung pabango na sinabi niya saka binayaran sa counter.
"ikaw wala kang bibilhin?"tanong ko nang makalabas na kami.
"ikaw lang sapat na"aniya saka kumindat. anong konek?
"ang corny"
"uy,tara muna dito"aya ko sakanya nang makita ko yung Jewelry store.wala naman talaga akong balak bumili,gusto ko lang magtingin tingin.
namangha naman ako sa ganda ng mga necklace.
"ano sa tingin mo maganda-"napahinto ako dahil wala pala akong kausap.nasa'n na yung lalaking 'yon.
"ay puti-ano ba!"singhal ko nang magulat dahil pagtalikod ko ay bumungad siya.
nagulat naman ako dahil bigla nalang siyang lumuhod at kinuha yung box sa bulsa at hindi pa binubuksan.
"h-hoy ano bang g-ginagawa mo?"utal na tanong ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.nakangiti lang naman siya at pinipigilan ang tawa.nang-aasar ba 'to?
"will you...buy this for me?"binatukan ko siya pagkatapos marinig ang sinabi niya.
"bwahahahaha"tumawa naman siya ng malakas na nakahawak pa sa tyan.pinalo palo ko naman siya sa braso.nakakahiya pati tuloy yung iba bumubungisngis na rin.
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
Fiksi Remajasinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...