CHAPTER 15

4 3 0
                                    

Isang buwan na rin ang nakalipas,hindi pa rin kami pwedeng pumasok dahil sa sea flu.hindi ko alam kung ano ba ang nagtutulak sa'kin para dalawin ko si liam ng madalas,sa loob ng isang buwan ay mas naging close kami,mas nakilala ko siya.

siguro ay dahil wala rin naman akong nakaka-usap dito sa bahay kaya pumupunta nalang ako lagi sa hospital para dalawin siya.twice a week akong dumadalaw,minsan maghapon ako do'n.hindi ko alam pero masaya ako 'pag kasama siya.

buti nga hindi ko naabutan yung parents niya,busy daw kasi sila at tuwing gabi lang dumalaw,kaya habang wala sila,ako muna yung nagbabantay sakanya.

nag uusap-usap pa rin naman kami ng mga kaibigan ko pero sa video call lang.para naman makapagbonding pa rin kami kahit papaano.

bukas na ooperahan si liam kaya ngayon ay dadalawin ko siya,sabi ko bukas nalang para minsanan na pero nagpumilit siya na pumunta pa rin ako kaya wala na rin akong nagawa kaya pumayag na 'ko.

nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako para umalis.pagbaba ko ay naabutan ko si ate na nanonood sa sala.

"saan ka pupunta?"tanong niya.

"sa hospital,kay liam"sagot ko naman.

"e?tara sama ako"ani niya at patayo na sana pero pinigilan ko.

"ayy,ate huwag na bukas nalang promise isasama na kita"pigil ko at tinaas pa yung braso ko.

"sige na nga..ingat ka"naghihinayang na sambit niya at umayos na ulit ng upo.

"ok,bye"ani ko at lumabas na.
bumaba na ako nang makarating kami sa hospital.

kumatok ako at narinig ko yung boses niya na pinapapasok ako kaya binuksan ko na 'yon.pagbukas ko ay tumingin ako sa paligid,walang iba tao,buti naman.ngumiti ako sakanya at lumapit.

"hi"nakangiting bati ko at umupo sa upuan sa gilid niya.

"wala ka atang dalang pagkain ngayon ah?"nakangiting tanong niya.sinamaan ko naman siya ng tingin,ah so pagkain lang lagi ang habol niya tuwing pumupunta ako dito?

"hindi na ako nagdala,andami mo pa ngang pagkain d'yan e"turo ko sa may maliit na ref sa gilid.tinawanan niya lang ako nang makita na naasar yung mukha ko.basang basa niya talaga isip ko e no.tch

ay teka,sa loob ng isang buwan hindi ko man lang pala natanong yung tungkol sa bracelet niya.nahihiya kasi ako baka sabihin niya,inistalk ko siya.pero kapag nagkakaroon naman ako ng lakas ng loob nakakalimutan ko naman.hay ano bang utak mayroon ka marisse.

"ah liam,may itatanong sana ako"huminga muna ako ng malalim.ngayon ko na lang itatanong,bahala na basta ang mahalaga malaman ko lang kung saan iyon galing.

"ano yun?"tanong niya.

"k-kasi,nung nakaraang buwan inistalk kita sa instagram mo"nahihiyang ani ko.medyo nagulat siya pero hindi siya nagsalita.
"may nakita ako sa post mo,yung b-bracelet? curious lang,saan nanggaling 'yon?"patuloy ko.napatulala siya at matagal pa bago siya nagsalita.

"ah 'yon?r-regalo sa'kin 'yon nila mommy nung bata ako,ang ganda kasi e kaya nung malaki na ako,pinost ko nalang"sagot niya.

napahinga naman ako ng maluwag,hay salamat.sabi na e,dapat hindi muna ako nag-isip ng kung ano-ano.napahinto ako nang makita ko yung reaksyon ng mukha niya.

"bakit?"nag-aalangang tanong ko.ang weird kasi.parang biglang naging malungkot yung mga mata niya,parang may sinasabi yung mga iyon sa'kin.

"wala naman"nakangiti siyang umiling."naisip ko lang...inistalk mo pala ako ha,sabihin mo lang kung--"

Love with sacrifice(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon