Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos ng gamit dahil ngayong umaga na kami uuwi.nandito din sila mommy para samahan at tulungan kami.
nandito din yung doctor at kinakausap niya sila daddy at isang nurse naman na may dalang wheelchair,sabi umupo pa rin daw ako kahit na kaya ko naman ng maglakad.
nang matapos ay naglakad na kami palabas,nung bumukas ang elevator
ay nagulat ako dahil nando'n si liam na nakawheelchair din at may kasamang dalawang hindi gano'n katanda,na sa palagay ko ay mga parents niya.nang makapasok na kami ay napatingin ako kay mommy na parang gulat na gulat at hindi maipinta ang mukha at si daddy naman ay kalmado lang pero parang kinakabahan din,anong nangyayari?"mr. Entria"napakunot ang noo kong napatingin sa daddy ni liam. magkakilala sila?
"oh,mr.Carson"bati pabalik ni daddy.siguro magkakilala sila sa business.
"kamusta,mr.Entria?"tanong nito. bakit parang may mali?ang weird.
"i'm good as always,mr.carson" mahinahon pero may pagka sarkastikong sagot niya.
matapos no'n ay wala nang nagsalita kaya ang awkward ng paligid,lalo na kami lang ang nandito sa elevator.pagkalabas namin ng elevator ay nakahinga na ako ng maluwag,parang ang tagal naming nasa loob kahit hindi naman.lumabas na din sila liam,saan kaya sila pupunta?nang tumingin ulit ako sa gawi nila ay nagtama ang tingin namin at nginitian niya ako,ngumiti din ako pabalik at tumalikod na.
sumakay na kami sa sasakyan,at umalis na,tumingin-tingin ako sa paligid at napansin na kakaunti lang ang mga tao,hindi katulad dati.may mga pulis din,mukhang mga checkpoints.
"anong mayroon,bakit may mga pulis?"tangkang tanong ko.
"limitado lang kasi ang mga lumalabas ngayon dahil sa virus,kaya nagbabantay sila at nanghuhuli."sagot ni ate.ah kaya pala.
hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari sa elevator kanina,ano kayang mayroon bakit gano'n?
"ah d-dad,magkakilala kayo nung nasa elevator kanina?"kinakabahang tanong ko.
"oo hija,business partner ko dati.."napabuntong hiningang sagot niya.
"na naging kaaway"dugtong ni ate at napatingin naman ako sakanya nang nagtataka.
"kath" bawal ni daddy kay ate.
"sorry dad"napapeace sign naman siya
"bakit?"
"tama na ang maraming tanong marisse,matagal na 'yon,ayos na kami"seryosong sambit ni daddy kaya hindi nalang ako umimik kahit na naguguluhan pa rin ako.bakit sila naging magkaaway?bakit parents pa ni liam?
pagkarating namin sa bahay ay dumeretso naman ako sa kwarto ko kasama si ate.humiga muna ako sa malambot kong kama.namiss ko 'to,lahat.
nagpaalam muna si ate na lalabas siya.naisipan ko naman na i video call ang mga kaibigan ko. nagdm muna ako sakanila sa instagram kung busy sila o hindi.
[to abi:]
hey abi,nakauwi na ako,kamusta busy ka?tara vc kasama yung iba.[from abi:]
ay talaga?sige arat.gano'n din ang ginawa ko sa iba,at pumayag silang lahat.
"hi marisse!ano kamusta?"
"marisse,buti naman at magaling ka na,sorry hindi kami nakadalaw,bawal e"
"what's up"
bati nila sa'kin nang sagutin nila ang tawag ko.nakakamiss naman sila.
"oo,ayos na ako..kamusta?namiss ko kayo!"masiglang sagot ko
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
Teen Fictionsinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...