CHAPTER 21

7 4 0
                                    

'flashback(13 years ago)

-marisse's POV-

"marisse,bumalik ka dito!"sigaw ni daddy pero hindi ko siya pinakinggan at lumabas ng bahay habang umiiyak.

wala akong ibang mapuntahan kaya nagpunta nalang ako sa playground. umupo ako sa may gilid sa sahig at dumukdok.

gusto ko lang naman sumama sa fieldtrip namin bakit ayaw akong payagan?may iba daw kaming pupuntahan.

ilang minuto din akong umiiyak nang may magsalitang bata kaya tumingin ako sakanya at pinunasan ang pisngi ko.

"uy,bata anong ginagawa mo diyan?..teka umiiyak ka ba?"tanong ng lalaking nasa harap ko ngayon.

"h-hindi,sino ka ba?huwag m-mo muna akong kausapin"masungit na sagot ko at tumayo para sana umalis na.

"anong nangyari,bakit ka umiiyak?"pigil niya sa'kin.

"ang k-kulit mo!"sigaw ko.

"mas makulit ka,tinatanong ka e"sige na nga sabihin ko na,para makauwi na ako.

"pinagalitan ako ni d-daddy.."

"bakit?"

"ayaw k-kong sabihin bata"ang dami namang tanong neto.

"ok,huwag ka ng umiyak..magslide nalang tayo do'n oh"aya niya.wala naman akong nagawa kaya pumayag na din ako.

"sige"

"tara paunahan tayo tumakbo hanggang do'n"sambit niya matapos naming magslide.

"ang bagal mo tumakbo hahaha"

"hindi ako mabagal mabilis ka lang talaga"hinihingal na ani ko matapos naming tumakbo mula sa malayo.

"mabagal tumakbo,mabagal tumakbo"pang-aasar niya

"nyenyenye"

"bata,kanina pa tayo naglalaro..anong pangalan mo?"tanong niya.nakaupo kami ngayon dito sa swing.

"marisse,e ikaw anong pangalan mo?"

"li--"hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil dumating na si mommy.

"marisse!anak,bakit ka nandito?halika na umuwi na tayo ha"tumango naman ako.

"bye marisse!"masiglang paalam nung bata.sayang hindi ko natanong pangalan niya.siguro kapag nagpunta nalang ulit ako dito.

lumipas ang ilang linggo at lagi na kaming naglalaro ng nakilala ko noon.sinabi niya din pala ang pangalan niya at siya ay si liam,liam hades carson.

nandito ulit kami sa playground at laro lang kami ng laro.

"habulin mo ako!"sabi ko sakanya at tumakbo na.siya kasi ang taya at naghahabulan kami.

"taya hahahaha"

"a-aray!huhuhuhu"nadapa ako dahil natisod at umiyak nang makita na may dugo doon.

"hala!may dugo"sambit niya at nilapitan ako

"ikaw kasi e hindi ka nag-iingat ayan tuloy nadapa ka"

Love with sacrifice(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon