CHAPTER 20

4 3 0
                                    

nang magising ako kinabukasan ay ang sakit ng ulo ko.bumangon ako at tumingin sa paligid.nanlaki naman ang mga mata ko ng marealize na hindi ko kwarto ito!

dali dali akong tumayo at kinuha ang bag ko sa may table at nilabas yung phone ko.tanghali na,late na ako sa 2 class ko!pilit ko namang inalala kung anong nangyari kagabi,uminom kami ni jane sa bar tapos may bumastos sa'kin tapos---yung lalaking tumulong!hindi kaya siya ang nagdala saakin dito?

napalunok naman ako at dahan dahang yumuko para tignan ang suot ko.gano'n pa rin ang suot ko,pero paano kung--paano kung may nangyari sa'kin?sa'min?

hay,huwag ka ngang mag-isip ng ganyan marisse,tinulungan ka na nga nung tao eh.pumasok naman ako sa cr,pagtingin ko sa salamin ay ang pangit ng mukha ko.gulo-gulo ang buhok ko at pati yung make-up ko ay wala na sa ayos.

naghilamos ako at inalis ang makeup.nang may makita naman akong sipilyo ay kinuha ko iyon,mukhang hindi pa naman nagagamit dahil nakaplastic.

napatingin naman ako sa isang paper bag sa may gilid at tinignan ko iyon.nang ilabas ko ang laman ay t-shirt at jeans iyon at may kasama na ding underwear.napakunot naman ang noo ko,binili ba 'to ng lalaki para sa'kin?kasi ang alam ko wala namang ganito sa mga hotels eh.

hindi na ako nagreklamo at naligo nalang.habang naliligo ay hindi ko naman maiwasang mag-isip sa nangyari kagabi.

bakit hindi kaya ako nakita ni jane?bakit hinayaan niya lang akong dalhin ng lalaking hindi ko kilala sa isang hotel?siguro naman nakita niya yung eksena kagabi dahil malapit lang kami sa pwesto niya.

at bakit naman hindi man lang magpakita sa'kin yung lalaki?tsaka yung kotse ko!magagalit sa'kin si daddy kapag nalaman niya na iniwan ko sa bar 'yon..bakit ba andaming kong bakit?bakit ba andami kong problema ngayon--ayan nanaman yung bakit ,huhu.

nang matapos akong maligo ay nagpatuyo muna ako ng buhok.tumunog naman yung cellphone ko kaya kinuha ko iyon.
nagtext si jane kaya binasa ko.

fr.jane:
[marisse sorry,hindi kita naiuwi sainyo pero sinabi ko na sa parents mo at inuwi na rin ng driver niyo yung kotse mo.hindi naman sila nagalit dahil sinabi kong nasa hotel ka at ako ang nagdala sa iyo doon pero ang totoo talaga yung lalaking tumulong sa'yo kagabi.sorry kung nagsinungaling ako pero don't worry mabait yung lalaki promise:)]

mahabang message niya.medyo nakahinga naman ako ng maluwag.buti naman nagtext siya,nabawasan tuloy ang mga iniisip ko.

to jane:
[thank you.pero paano yan late na ako sa class ko.aabsent nalang muna siguro ako ngayon.]

matagal pa muna bago siya nagreply.siguro nagkaklase.

fr.jane
['wag mo na ring alalahanin dahil na excuse ka na ni abi..sorry ah sakanya ko na sinabi.kayo lang kasi ang magkaklase eh]

natigil naman ako nang mabasa ko ang message niya.wala pa akong planong kausapin sila.siguro magpepretend nalang muna ako na walang alam hanggang sa maging handa na ako.gano'n ako kahina na kahit ako yung nasa tama hindi ko parin magawa.

sinabi ko nalang kay jane na ayos lang at tinago na ulit yung phone ko sa loob ng bag.matapos non ay lumabas na ako.

nagulat naman ako dahil may lalaking nakatayo na sa may dining table at naghahanda ng pagkain.nakatalikod siya sakin kaya kailangan ko pang lumapit at tawagin siya.

"uhm,s-sir?"kinakabang tanong ko at dahan-dahan naman siyang lumingon paharap sa'kin.

bigla kong nabitawan ang bag na hawak ko at literal na napanganga nang makita ko kung sino ang lalaking nasa harap ko ngayon!

paanong--nangyari 'yon?nananaginip ba ako?

nakatulala lang ako at hindi inaalis ang mga titig sakanya at nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko.

hindi ako makapaniwala,ang daming tanong na nabubuo sa utak ko at hindi ko iyon maisa-isa.andami kong gustong itanong sakanya pero pinangungunahan ako ng emosyon ko.

"b-buhay k-ka?"nanginginig na tanong ko at tuluyan nang tumulo ang luha mula sa mga mata ko.hindi naman siya nakasagot agad at nagiwas ng tingin.nagtutubig na rin ang mga mata niya at halatang pinipigilan lang ang pag-iyak.

"p-paano?b-bakit?..."hindi ko na natuloy ang sasabihin at tinakpan nalang ang mukha ko gamit ang kamay.

bakit ngayon pa?nandito pa yung sakit na idinulot ng boyfriend ko tapos may bago nanaman?

"i-i'm so sorry.."nahihirapang sambit niya at tumingin saglit sa'kin pero umiwas ulit.

"h-hindi ko maintindihan l-liam...p-paano?"halos pabulong na na tanong ko.

bumuntong hininga muna siya bago magsalita."n-nung araw na inoperahan ako,oo totoong nagkaroon ng komplikasyon pero naagapan din at s-successful ang naging operasyon.."

"p-pero yung daddy ko,nagsinungaling siya sa inyo.sinabi niya na patay na ako"patuloy niya.

"b-bakit niya ginawa iyon?"singit ko.

"dahil alam na niyang a-anak ka ng kaaway niya sa negosyo.."hindi ba matagal na iyong tapos?naguguluhan pa rin ako.andami ko pang gustong itanong at linawin.

"patawarin mo ako marisse,hindi ko nagawang ipaglaban ka..natakot ako,natakot ako na baka may mangyari ulit sa'yong masama nang dahil sa'kin"napatingin ako bigla nang sabihin niya iyon.bakit,ano bang ginawa niya sakin dati?nasaktan niya na ba ako?

"anong--"

"mahal kita marisse,ikaw lang mula umpisa hanggang dulo."putol niya sa sinasabi ko.

hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya at naguunahan nanaman sa pagtulo ang mga luha ko.

"b-bakit ngayon pa?ayos na ako eh.."inalala ko naman yung mga panahon na nagluluksa ako sa pagkamatay niya na hindi naman pala totoo.palabas lang pala ang lahat

"a-apat na taon liam..apat na taon niyo akong pinag mukhang tanga!bigla ka nalang mangiiwan kung kailang mahal na kita."at humagulgol na ako sa iyak.

"hindi mo alam ang mga paghihirap na dinanas ko makalimutan ka lang,na matanggap ko lang na w-wala ng liam na magpapatawa at magpapasaya sa'kin.w-wala kang alam.."sobrang bigat ng dibdib ko ngayon.sobrang sakit, ang sakit na.

"patawarin mo ako marisse,naiintindihan kita kung galit ka pero sana maintindihan mo rin yung rason ko kung bakit ko nagawa ito sa'yo"

nanlabo naman bigla ang tingin ko kay liam at parang umiikot ang paningin ko.hinawakan ko ang ulo ko at pumikit-pikit para mawala pero walang nangyari.

"m-marisse,ayos ka lang?anong nangyayari sa'yo?!"sunod-sunod na tanong niya pero hindi ko na iyon magawang sagutin dahil sa kalagayan ko ngayon.

hindi ko din alam kung anong nangyayari sa'kin sobra naman siguro ito kung tatawagin kong hangover?

para akong umiikot at sa pag-ikot ko na 'yon ay dinadala ako sa nakaraan,sa alaalang matagal na panahon kong nakalimutan.

"marisse!"

~♥~


Love with sacrifice(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon