CHAPTER 27

6 4 0
                                    

nang matapos ang ikalawang hearing ay nagsitayuan na kami.niyakap ko naman sila mommy sa tuwa.mangiyak ngiyak naman siya ng kumalas ako sa pagkakayakap.

sobrang saya namin dahil sa wakas, nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni ate.

"dad!"napatingin naman kami kay liam nang sumigaw siya.tinignan ko kung saan siya nakatingin at nagulat ng makita ang daddy niya na nakabulagta na sa sahig at hawak niya ang dibdib.

tumawag sila ng ambulansya at maya maya lang ay dumating na kaya sinugod siya sa hospital.sumunod naman si liam do'n,baka balitaan nalang niya kami kung anong nangyari.
_____

sinabi ni liam sa'min na inatake daw sa puso yung daddy niya pero stable naman na ang kalagayan.kaya naka hospital arrest siya habang nagpapagaling.

kahit masaya na ako at nahuli na yung daddy niya ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot sa kalagayan niya ngayon.

hindi pa rin kami ok ni liam.hindi ko siya masyadong kinakausap.at hindi pa rin kami nag-uusap ng maayos.

"kamusta naman kayo ni vince anak?"nakangiting tanong ni mommy,sakto naman na umiinom ako kaya nasamid at muntik ko ng maibuga ang tubig.

nandito kami ngayon sa restaurant para mag dinner.hindi pa nga pala nila alam na break na kami..si ate palang.

"w-wala na po kami,my"ngumiti naman ako ng mapait.nagtaka naman ang mga mukha nilang dalawa.at balak pang magtanong ulit pero inunahan ko na,alam ko naman na kasunod niyan eh.

"nahuli ko siyang may babae,at si a-abi 'yon"paliwanag ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

"ano?paanong nangyari 'yon?"tanong niya ulit.si daddy naman tahimik lang pero nagaantay rin ng sagot.

"hindi ko rin po alam,pero hayaan niyo na..ok naman na ako"ngumiti ako para ipakita sakanilang ayos na nga ang lahat.napabuntong hininga naman sila at kumain nalang.

"anyways,naaawa pa rin ako kay mr.carson,kahit na masaya ako at nahuli na siya,hindi ko pa rin maiwasang maawa."malungkot na sambit ni mommy.

"ayos na rin naman ang kalagayan niya hon.'wag mo na masyadong intindihin,at least ayos na ang lahat hindi ba?"ani dad.

"si liam pala,bilib din ako sa batang iyon eh,tumulong siyang mahuli ang tatay niya kahit alam niyang pwede itong makulong."napatigil naman ako nang buksan ni daddy ang topic na iyon.sumang-ayon naman silang tatlo.

"hindi pa ba kayo nagkakamabutihan hija?gusto ko siya para sa'yo"patuloy niya.ngumisi naman si ate ng nakakaloko..sinasabi ko na nga ba at dito mapupunta ang usapan eh.

"dad,easy lang tayo darating din sila d'yan"natatawang biro ni ate at tumawa naman sila maliban sa'kin.

"talaga anak?imbitahan mo naman siya minsan sa bahay para makasama nating kumain"minsan may pagka uto-uto rin si mommy,ang daling mapaniwala.

"mom,dad kaibigan ko lang si liam 'dati' at malabo ng mangyari 'yang mga sinasabi niyo"tugon ko.tinignan ko naman ng masama si ate pero tinawanan niya lang ako.lakas talaga mang-asar.

"sige,kung ano man ang mga plano mo sa buhay,susuportahan ka namin lalo na sa pag-ibig...pero boto talaga ako kay liam"biro ni daddy,tumawa nanaman silang tatlo.

"dad naman!"

"I'm just kidding hija"at tumatawa pa rin.lagi nalang nila akong pinagtutulungan.tsk

matapos naming kumain ay pumunta na kami sa sasakyan.dinala ko ang kotse ko kaya hindi na ako nakisabay sakanila.nang makaalis sila ay nagulat ako dahil biglang sumulpot si liam sa harap ko.

"pwede ba tayong mag-usap?"tanong niya at deretso lang ang tingin sa'kin.

"t-tungkol saan?"tanong ko pabalik.ako na rin ang umiwas nang hindi matagalan ang titig niya.

bumuntong hininga ako nang hindi siya sumagot.alam ko naman na kung ano ang pag-uusapan namin.

"fine,get in"ani ko at nauna ng sumakay ng sasakyan,sumunod naman siya.

teka,parang baliktad yata ang nangyari ah?sa mga nababasa kong  libro,lalaki ang magpapasakay sa babae sa sasakyan nila diba?

weird.

dahil hindi ko naman alam kung saan ba dapat kami pumunta ay nagdrive
nalang ako at nakarating kami sa
may tulay,pinark ko sa gilid ang kotse at bumaba na.

tinukod ko ang magkabilang braso sa may harang non at tinignan ang ilog sa baba.gano'n din naman ang ginawa niya.

"i just want to say sorry,sorry for everything marisse"wow,ngayon ko lang ata siya narinig mag english ah.
lolz.

"alam kong galit ka pa rin sa'kin ngayon dahil sa mga nangyari.." patuloy niya nang hindi ako magsalita.

"ano bang pwede kong gawin para mapatawad mo na ako?"hindi ko alam kung anong sasabihin ko.hindi naman ako handa na makipag-usap ng ganito sakanya.

"uhm,hindi ko din alam"medyo nagulat siya sa sinabi ko."hindi naman ako galit sa'yo.naiinis lang ako sa sarili ko kung bakit ako nagpakatanga sa'yo no'n"ani ko

"sorry.."

"'wag ka ng mag sorry,wala ka namang kasalanan..alam ko namang naipit ka lang sa sitwasyon no'n kaya mo nagawa 'yon"ngumiti naman siya.

"ang mahalaga,wala ng gugulo sa buhay natin ngayon..pero hindi ko pa rin maiwasang isipin kung bakit kailangan pang pagdaanan 'yon"bumuntong hininga ako.

totoo naman kasi,kailangan pang may magsakripisyo ng buhay para lang pagbayaran ang mga kasalanan ng iba.kailangan pang makulong kung pwede namang sa una eh inayos na lang ang alitan.

"siguro para matuto tayo.."tugon niya"matuto tayo na hindi pwedeng puro saya lang ang pagmamahal, kung kailangang magsakripisyo para sa taong mahal mo,gawin mo.kasi at the end of the day,lahat ng paghihirap at sakripisyong pinagdaanan niyo,mapapalitan 'yan ng saya at lalong magpapatibay ng samahan niyo"nakangiting sambit niya na nakatitig lang sa mga mata ko.

ang lalim naman,pero may point siya.hindi ko na uulitin ipaliwanang, nabasa niyo na yung sakanya eh.

"marisse,may gusto sana akong itanong.."

"ano yun?"ani ko.

"do you still l-love me?"napatigil naman akong sa tanong niya.

ako rin,tinatanong ko 'yan sa sarili ko.mahal ko pa rin ba siya?hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko.

nung nagbreak kami ni vince,parang may konting tuwa akong naramdaman.hindi ko alam kung dahil ba matatapos na rin ang pangloloko niya sa'kin o dahil malaya na akong gawin ang gusto ko,at makasama si liam?

masaya ako dahil bumalik siya.kahit na nagalit ako sakanya dahil nagsinungaling siya pero mas nangigibabaw pa rin ang tuwa sa'kin.masaya ako sa tuwing kasama at nakikita ko siya.

lolokohin ko nanaman ba ang sarili ko kung sasabihin kong kaibigan lang ang turing ko sakanya?

"ok lang,naiintindihan ko..pero ako,mahal kita,ikaw at ikaw lang wala ng iba"

"m-mahal pa rin kita,ikaw pa rin pala"parang kuminang naman ang mga mata niya at lumawak lalo ang ngiti."pero n-natatakot ako liam.."nawala naman ang malawak niyang ngiti at napalitan ng pagtataka.

"paano kung..paglayuin ulit tayo,paano kung iwan mo ulit ako?h-hindi ko na kakayanin ulit 'pag nangyari 'yon.."ani ko at umiwas ng tingin.

"hindi ko na hahayaang mangyari 'yon,marisse.ilang beses man tayong hadlangan at paglayuin ng tadhana,ipaglalaban pa rin kita at ikaw pa rin ang pipiliin ko."saka siya kumindat.

"talaga?pang hahawakan ko 'yang sinabi mo ah"

"naman!"

"pwede kitang ligawan?..ay hindi liligawan na talaga kita,sa ayaw mo man o sa gusto,liligawan kita"natatawang sambit niya,saka niya ako niyakap.

pwedeng kiligin mga bhie?

~♥~

Love with sacrifice(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon