Kinabukasan ay linggo,maghapon lang akong nasa kwarto at nagmumukmok.dinadalhan ako nila ate rito ng pagkain pero konti lang kinakain ko.
ayaw ko namang aksayahin 'yon kaya kahit walang gana ay pinipilit ko pa rin.tumatawag si jane sa'kin kanina pero hindi ko sinasagot,gusto ko munang mapag-isa sana maintindihan niya 'yon.
nandito ako sa may verenda ng kwarto ko nang marinig kong bumukas ang pinto..siguro dinalhan lang ako ng pagkain.
nagulat ako nang sumulpot si ate at umupo sa tabi ko.nakangiti siya pero hindi ko magawang masuklian 'yon.
"dinalhan kitang pagkain,baka nagugutom ka na..huwag mong papabayaan ang sarili mo ha"nag-aalalang sambit niya.
tumango lang ako."kung ano man 'yang problema mo, nandito lang ako pwede mong pagsabihan"patuloy niya.napaiwas naman ako ng tingin dahil nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko.
sinabi ko gusto ko munang mapag-isa pero mukhang sasabog na ako kapag kinimkim ko lang 'to.tama siya,
kailangan ko rin ng mapagsasabihan.
alam ko rin naman na sinabi na ni jane sakan'ya ang nangyari."b-bakit gano'n ate.."tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko.kaya ayaw ko nito eh,ang bilis kong umiyak.."ano bang mali sa'kin?gano'n ba ako kahirap m-mahalin?"patuloy ko.
"shh,hindi ka mahirap mahalin marisse,hindi lang siguro sila marunong magmahal ng tama."umiling siya.gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi ni ate,pero ang hirap.
"yung pinagkatiwalaan ko ng ilang taon,l-lolokohin lang pala ako...yung bestfriend ko pa talaga.."pagod na akong umiyak,pero patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko.
"dumagdag pa si l-liam..ate hindi ko na alam ang g-gagawin ko.."tumayo naman siya para yakapin ako.nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siyang nag-aalala at naaawa sa kalagayan ko.
"kaya mo yan ha,nandito lang ako,kami"pagpapalakas niya ng loob.tama siya,sa dami na ng mga pinagdaanan ko,hindi sila kailanman nawala sa tabi ko.
_____Martes na ngayon at ngayon lang ako pumasok.umabsent ako kahapon kaya ginagawa ko na ang mga hindi ko nagawang activities na nagawa nila.
hindi ko naman nakita si abi pero may mga naririnig ako na huminto na daw siya pero hindi nila alam kung bakit.
paanong hindi hihinto eh nabuntis.buti nalang kaibigan ko sila kung 'di ako na mismo nagsabi sa mga chismosang 'to kung ano talaga ang nangyari.
karma is real naman,kaya bahala na ang karma sakanila.
"uy marisse,diba kaibigan mo si abi,bakit siya nag stop,may nangyari ba?"tanong ng chismosa naming kaklase.
"bakit ako ang tinatanong mo,kaibigan ako hindi niya ako nanay, tsk."mataray na sagot ko at inirapan siya saka naglakad paalis.
"sungit"narinig ko pang bulong niya.
pumunta na akong cafeteria dahil lunch break,kasama ko si jane.
"sigurado ka bang ok ka na marisse?"nag-aalalang tanong niya.
"oo naman no"pinilit kong ngumiti para maniwala siya at pinagpatuloy na ang pagkain.
"uhm,ayos lang ba kung sabihin ko sa'yo 'to?"tumango naman ako dahil alam ko naman na kung tungkol kanino ang sasabihin niya.
"si a-abi,huminto muna siya dahil nga sa.."hindi niya tinuloy at sinasabing alam ko na 'yon.
"oo,may mga naririnig nga akong pinagchichismisan nila.tinanong pa nga ako eh"tugon ko.
"anong sabi mo?"
"sabi ko wala.akong.pake."ani ko na mariin ang pagkakabigkas.natawa naman siya at nagtuloy na sa pagkain.
"grabe,hindi ko inakalang gagawin nila 'yon"maya maya ay nagsalita nanaman siya. gusto ko nga makalimot pero eto naman pinag-uusapan namin,hays.
"pero ang lupit mo rin girl!may pasampal effect ka pa do'n oh"tinitigan ko lang siya at hindi nagsalita.joke ba 'yon?
"ay hehe,sorry ang lungkot mo kasi gusto lang kitang patawanin"ngumuso siya saka kumain ulit.
"jane,gusto kong kumain tayo ng magkasama para magkwentuhan ng ibang bagay pero wala akong sinabing sila ang itopic natin,paano ako makaka move on niyan?"mapait akong ngumiti.
"sorry na nga eh"
"ok lang,sana maintindihan mo ako"
ngumiti ako at gano'n din ang ginawa niya.nang matapos na kaming kumain ay bumalik na kami sa kanya kanya naming room.Nang matapos na lahat ng subjects sa hapon ay inayos ko na ang mga gamit ko para umuwi na.
"marisse"palabas na sana ako ng gate nang may tumawag sa'kin.pagharap ko ay isang babaeng may takip ang mukha at tanging mata lang ang nakikita pero nakashades siya.
nanlaki ang mga mata ko nang alisin niya ang shades at nang makilala ay si abi pala.
"anong ginagawa mo rito?"walang emosyong tanong ko.hindi ipinakita ang pagkagulat.
"alam ko paulit-ulit na pero gusto ko pa rin h-humingi ng tawad sa'yo,sa mga kasalanang ginawa ko.."naiiyak na aniya.
"pupunta na akong ibang bansa para do'n m-magbuntis at isilang ang batang dinadala ko"patuloy niya pero hindi pa rin ako nagsalita.
pupunta siyang ibang bansa?dalawa kaya sila ni vince?
"si vince naman dito muna para mag-aral pero susunod din siya"natawa naman ako,yung ama ng anak niya nag-aaral at nagpapakasarap samantalang siya,mahihirapan at hihinto dahil buntis.
"bakit mo ba sinasabi sa'kin 'yan?"
nang sa wakas ay may lumabas na ring mga salita mula sa bibig ko."s-sorry,gusto ko lang magpaalam"nakayukong tugon niya.
"kung aalis ka,umalis ka nalang dahil wala naman akong pakielam!"ang totoo nalulungkot ako dahil aalis siya.hindi ko maintindihan ang sarili ko.masyado siguro talaga akong nasaktan kaya naging ganito kataas ang pride ko.
"naiintindihan ko kung bakit ka nagagalit,gusto ko lang m-malaman mo na sobra akong nagsisisi na sana inisip ko rin ang pagkakaibigan natin.sobra akong naging selfish marisse,eto na rin siguro ang k-karma ko.pero tatanggapin ko 'yon ng buong buo.sana balang araw m-mapatawad mo rin ako.."umiiyak na sambit niya at niyakap ako.
hindi ko man lang nagawang gumalaw hanggang sa siya na ang humiwalay.naramdaman ko namang tumulo na pala ang luha ko kaya pinunasan ko ito.
"umalis ka na"ani ko saka siya dahan dahang tumango at naglakad na paalis.
huminga ako ng malalim at naglakad na papunta sa kotse ko. napasandal ako sa manibela saka ako umiyak ng umiyak.
ang hirap pa rin pala,ang hirap pa ring tanggapin.ang sakit sakit pa rin.kahit gusto ko siyang habulin at sabihing huwag na siyang umalis ay hindi ko magawa.pagdating sa mga kaibigan ko ay marupok ako pero nilamon na ng sakit at galit ang puso ko kaya gano'n ang nangyari.
sobrang taas na ng pride ko,pero masisisi ko ba ang sarili ko kung nasaktan lang naman ako?
masasabi kong nagbago na ako,binago ako ng sakit na dulot ng ginawa nila sa'kin.
~♥~
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
Teen Fictionsinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...