Naalimpungatan ako nang may marinig ako na umiiyak sa tabi ko. Pagdilat ko ay nakita ko si ate na hawak ang kamay ko at nakayuko. gumalaw ako kaya napa-ayos siya bigla ng upo at pinunasan ang mga luha niya."ate,a-anong ginagawa mo dito,huwag kang hahawak saakin baka mahawa ka"ani ko at napaiwas ng tingin.kinakabahan pa din ako kahit na may suot siyang ppe at alam kong hindi siya mahahawa pero kahit na,mabuti pa rin kung mag-iingat.
"marisse,sorry..sorry sa lahat--"hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nagsunod-sunod na sa pagtulo ang mga luha niya at kahit na anong punas ang gawin niya ay walang nangyayari."s-siguro..siguro kung hindi ako nagpakatanga at nagpakalunod sa kalungkutan ay hindi mangyayari sa iyo yan ngayon..sorry,napaka i-immature ko,napaka bobo ko,napakatanga ko,napaka tanga ko na puro nalang s-sarili ko ang iniisip ko,napaka tanga ko na hinayaan ko lang yung sarili ko na maiwan sa nakaraan,n-napakatanga ko dahil hindi ako naging mabuting ate sa'yo,hindi ako nagpaka ate sa'yo,na hindi ko man lang naisip na may kapatid pa rin ako na kailangan ang isang katulad ko,na hindi lang pala ako ang nawalan ng kapatid. sorry..sorry kasalanan ko lahat ng 'to."
napaiwas ako ng tingin at naramdaman nalang na may luha na palang tumutulo mula sa mata ko.
"alam mo ate?b-buong buhay ko,lagi kong nararamdaman na may kulang sa'kin,alam mo yun,yung may makikita ka nalang minsan sa paligid mo na mag ate o magkapatid na ang sweet at ang saya nila.lagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano kaya sa pakiramdam ang may kapatid?masaya kaya?kasi kahit andiyan ka,kahit nasa iisang bahay lang tayo nakatira,hindi ko nararamdaman na may kapatid ako.kasi para lang akong hangin sa'yo na dinadaan-daanan mo lang.sinusungitan,kapag kakausapin napaka cold.kaya kahit andiyan sila mommy para icomfort ako,gusto ko pa rin maranasan na kahit minsan,maramdaman ko naman ang comfort ng isang kapatid,na maramdaman ang yakap ng kapatid ko,kahit isa lang.kasi kahit hindi ko matandaan,sobrang sakit pa rin isipin na nawalan ka na nga ng isang kapatid,paulit-ulit pa ding pinapamukha sa'yo na ikaw ang dahilan kung bakit siya nawala.para akong pinagkaitan na magkaroon ng kapatid..kasi kahit andiyan ka,parang hindi tayo magkakilala."umiiyak na sabi ko.
wala namang umimik sa'min at patuloy lang sa pag-iyak."pero kahit anong gawin ko,hindi ko pa din magawang magalit sa'yo.kasi ate kita,mahal kita. kahit ano pang kasungitan ang gawin mo tinatanggap ko lang kasi naiintindihan kita at hindi ako magsasawang intindihin ka kahit masakit na.hindi rin kita masisisi kung bakit ka nagkaganyan,dahil alam kong nasaktan ka at patuloy ka pa ding nasasaktan.minsan nga naiisip ko na sana ako nalang talaga yung nasagasaan,baka sakaling hindi ka nasasaktan ng ganito at masaya kayo ngayon.masaya kayong nakakapag bonding,gumagala,at sabay haharapin ang mga problema. pero eto siguro talaga ang nakatadhanang mangyari,sorry,sorry ate dahil doon pero sana malaman mo din na hindi ko ginusto yung nangyari, hindi ko ginusto na ipagkait siya sa'yo at hindi makasama ng matagal."patuloy ko.
"shh,tama na marisse ha?huwag mo ng sisihin ang sarili mo. naiinitindihan ko na,naiintindihan na kita ha,huwag mo na din isipin na ikaw dapat ang nawala dahil thankful kami at nandiyan ka,na hindi dalawa ang nawala sa pamilya natin. kasalanan ko,k-kasalanan ko kung bakit mo nararamdaman yan.kasalanan ko kung bakit mo sinisisi ang sarili mo kahit hindi naman dapat. naging bulag ako sa katotohanan.salamat kasi buong buhay mo,wala kang ibang ginawa kung hindi intindihin ako..i'm so sorry marisse,sana hayaan mo akong bakabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo bilang kapatid mo."
"oo naman ate,bakit naman hindi..sino ba naman ako diba?"nakangiting sagot ko.
"salamat,salamat"nakangiti ding sambit niya at pinisil ang kamay ko.
__
"maiiwan muna kita at bibili lang ako ng pagkain mo ha tapos mamaya sasamahan kita sa diyan sa baba sa may garden"sabi niya na abot tainga na ang ngiti.tumango lang ako.ang sarap lang sa pakiramdam,antagal kong hinintay tong pagkakataon na ito.akala ko kasi hindi na talaga kami magkakaayos ni ate.
pagbalik ni ate ay may dala na siyang paper bag at sinimulan ng buksan iyon isa-isa.
"ate,kamusta na pala sa outside world?"pabiro kong sabi.
"ayon nung una magugulat ka nalang bigla sa dami at pagkalat ng virus. ang daming pinatigil na trabaho,andaming nagugutom,may mga nagpoprotesta sa gobyerno dahil hindi nila masulosyunan ang pagdami ng nagkakasakit,kawawa yung mga mangingisda dahil hindi sila pwedeng manghuli. buti nalang at nasa private hospital ka,walang masyadong kaso dito pero sa ibang lugar talaga lalo na sa public hospitals ayon,nagkakaubusan na ng gamot. sabi dun sa na order mong shrimp ay may virus daw iyon,kahuhuli lang pala yon no'n kaya ayon,do'n mo nakuha yung sakit."mahabang sagot niya.
grabe,hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari.siguro may dahilan kung bakit nagkakaganito ngayon.kailangan lang ng pagkaka-isa,pagtutulungan at pagdadasal na sana matapos na itong krisis ngayon.
"may nagawa ng gamot para sa virus pero sa ibang bansa palang,siguro bibilhin na din ng bansa natin."patuloy niya
"pa'no yung mahihirap na nagkasakit,baka hindi nila kayang bayaran yung gamot?"tanong ko
"yun nga e..tungkol nga pala dun sa pag-aaral natin e,pinatigil muna hanggang sa matapos 'tong krisis..nagpaplano pa sila kung paano ang gagawing paraan para makapasok ang mga istudyante.pwedeng online o huwag nalang munang pumasok hehe."
hay bahala na ang importante gumaling muna ako dito,dahil gusto ko na talagang makalabas.
pagkatapos kong kumain ay nagpunta na kami sa labas,hindi na kami sinamahan ng nurse dahil sinabi ni ate na siya na daw ang magbabantay saakin.pumwesto ulit kami sa may swing at umupo naman si ate doon. at ako nasa wheelchair pa din.
"ate,sigurado ka bang hindi ka mahahawa?"tanong ko.
"hindi naman siguro dahil safe naman itong suot ko"bakit may siguro?
"kahit na,basta huwag mo nalang muna akong hawakan lalo na sa mukha,at huwag ka masyadong lalapit saakin..huwag ma na din ulitin yung kanina"
"oo na sis"ngumiti siya.
"sana gumaling ka na,gusto na kitang makasama at makabawi sa'yo"pambabasag niya sa katahimikan.
"huwag kang mag-alala ate,gagaling ako.ako lang to oh"natatawang sambit ko.
"ikaw talaga,puro ka biro hahaha"
nagtawanan kami.nagulat ako dahil nakita ko nanaman yung lalaki,yung liam na 'yon at nando'n nanaman siya sa dati!lumingon siya dito at nagpanggap akong hindi siya nakita at tumingin lang kay ate na nagsasalita.
"uy,sis kanina pa kita tinatanong kung saan mo unang gustong puntahan kapag labas mo dito,lutang ka ghurl?"medyo napalakas yung boses niya kaya narinig ko yung lalaking yon na bumungisngis at halatang pinipigilan ang tawa.ayan nanaman siya,pasalamat siya nandito ate ko kung hindi,nakuu
"ah,e.. kahit saan,ikaw na bahala do'n."natatarantang sagot ko.nakakadistract naman kasi yung lalaki na iyon.
"saan ka ba kasi nakatingin?"nagulat ako dahil bigla siyang lumingon do'n sa lalaki. "oh hi"sabi niya bigla kaya napalingon siya dito. naman oh!
"hello po,hi marisse"natatawang ani niya
"magkakilala kayo?"nagpalipat-lipat ang tingin sa'min ni ate."kaya pala hindi ka na nakikinig sa mga sinasabi ko,nakatingin ka nalang dito,ikaw ha" nanunuksong tumingin sa'kin si ate.
"ahm..baka po kasi nadistract siya sa kagwapuhan ko"mayabang na sabat niya.
"ang kapal mo!"sigaw ko sakanya.
"easy,masyado kang halata e hahaha"
"tse!"
"hmmm..alam mo,gusto kita para sa kapatid ko,anong pangalan mo?"sabi ni ate.
"wala kang kapatid?"pabirong patuloy niya
"ate naman!"
"liam po,yun lang wala e..tsaka ako lang talaga gwapo sa angkan namin"
"sayang naman,char hahaha..nice to meet you liam"
naku pu,paktay na..
~♥~
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
Teen Fictionsinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...