Ngayon na ang birthday ni vince at mamaya pang gabi kami dapat pupunta sa condo niya para mag celebrate pero sinadya kong mga hapon.
nagsuot lang ako ng black off-shoulder top tsaka high-waisted ripped jeans.tinernuhan ko ng white adidas shoes.naglagay din ako ng light make-up at hinayaang nakalugay ang buhok.
bumili muna ang ng cake at umalis na.nang makarating ako sa condo ay kinuha ko ang susi sa bag.dahil nga girlfriend niya ako,may duplicate ako ng susi ng condo unit niya.
humugot ako ng malalim na hininga bago dahan-dahan ko iyong binuksan para hindi makagawa ng anumang ingay.naglakad ako at napahinto sa tapat ng kwarto nang makarinig ng nag-uusap.
nakaawang ng kaunti ang pinto kaya rinig ko pero hindi ko sila nakikita.
lumapit pa ako para mas malinaw na marinig 'yon."natatakot na ako vince,mukhang nakakahalata na si marisse"hindi nga ako nagkamali,boses iyon ni abi at kausap niya si vince.
"shh,don't worry makikipag break na ako sakanya mamaya..ikaw ang mahal ko tandaan mo 'yan"napatawa naman ako ng sarkastiko.gusto ko silang paguntugin na dalawa sa kalandian nila.tch
nang wala na akong narinig na nagsalita ay dumeretso sa kusina at binuksan ang cake saka sinindihan ang kandila.alam ko namang lalabas na sila.
nagulat sila nang makita ako sa may kusina kaya lumapit sila.
"oh,happy birthday my dear 'boyfriend'!"pinilit kong magtunog na masaya pero lumabas lang ang pagkasarkastiko ng boses ko.
"m-marisse,anong g-ginagawa mo rito?"kinakabahang tanong ni vince.
"siguro birthday mo kaya ako nandito?"tanong ko pabalik.natameme naman si abi at gulat na gulat pa rin hanggang ngayon.
"i mean,b-bakit ganito ka aga?"
"naistorbo ko ba ang 'sweet moment' niyo?"
"ano bang sinasabi mo?"kung kanina ay kinakabahan ngayon naman ay parang galit na siya.
"alam ko na ang lahat vince,wala na kayong dapat itago."nanunubig nanaman ang mga mata ko.
"anong-"
"sige itanggi mo pa,rinig na rinig ko na kayo,kitang kita ko na kayo.sa susunod naman na magtatago na rin lang kayo,galing galingan niyo naman!"akala ko handa na ako para rito,akala ko hindi na ako iiyak pero akala ko lang pala.
"i-i'm sorry,natakot ako,natakot ako na kapag bumalik na ulit siya eh siya ang piliin mo"paliwanag niya.
"kaya mo ako niloko?kaya ka naghanap ng iba habang tayo pa,gano'n ba 'yon ha vince?"pinunasan ko ang mga mata at pisngi ko.
umiling naman siya"nagkita kami sa states no'n,sinabi niya na alagaan daw kita at 'wag kong sasabihin na buhay siya.kasi siya na daw ang bahalang magpaliwanag pagbalik niya."napatigil naman ako sa sinabi niya.oo nagpunta siya sa states no'n para sa christmas vacation.pero,kaya ba niya ako tinatanong kung paano kung bumalik siya?kasi alam niyang buhay si liam?
pinagmukha niyo akong tanga.
"h-hindi ko maintindihan kung bakit mo ginagawa sa'kin to...minahal mo ba talaga ako?totoo ba talaga yung mga sinabi mo,yung pag comfort mo sa'kin o dahil sinabi lang niya kaya mo ginawa?"nanghihina na ako,kahit gustong-gusto ko siyang sigawan ay hindi ko magawa.
"totoo lahat 'yon marisse,maniwala ka naman"nagmamakaawa na ang tingin niya ngayon.
"pero bakit mo ako niloko?!"sigaw ko,kahit na anong punas ko sa mga luha ay walang nangyayari dahil tuloy tuloy lang ito sa pagtulo.
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
Teen Fictionsinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...