bumukas ang pintuan kaya napatingin ako do'n,pumasok sila mommy,daddy at ate.
"marisse,hija kamusta ang pakiramdam mo?"nag-aalalang tanong ni mommy.
"okay na ko my"nakangiting sagot ko."ano pong nangyari?"dugtong ko.
"tumawag siya sa'min,sabi dinala ka daw niya dito sa hospital kanina"si ate ang sumagot. nagulat pa rin ako kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy nila.
"b-buhay pala siya.."malamig kong sambit.hindi naman sila nakasagot.
"mom,dad naalala ko na lahat.."patuloy ko.nagtaka naman sila sa sinabi ko."wala pa bang sinabi ang doctor sainyo?"
"meron na.."
"bumalik na yung alaala ko.yung pagkamatay ni ate kate,hindi yun aksidente kundi sinadya."
"what do you mean?aksidente 'yon-"
"kasi may nagpanggap na siya ang nakabunggo?"putol ko sa sinasabi ni daddy.
natahimik naman sila.at hinayaan akong ikwento iyon kaya sinabi ko lahat.
"si liam,siya yung batang kaibigan ko noon my,siya yung batang laging nagpupunta sa bahay natin para makipaglaro sa'kin.."
sinabi ko rin na pinag-iingat kami ni liam no'n sa daddy niya at hindi aso ang dahilan kung bakit ako napunta sa gitna ng kalsada para kunin ang manika ko.
"ginamit niya si liam para tawagin ako no'n at lumapit sakanya,pero ang plano talaga nila e sagasaan ako..dahil mag-kaaway kayo no'n diba?"tanong ko kay daddy at tumango naman siya.
hindi sila makapaniwala dahil nahuli naman daw ang may gawa non pero hindi pala,maaring binayaran ng mga carson ang taong iyon para hindi na kami maghinala pa.
"all this time,hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni kate..hindi ko mapapalagpas ito,kahit umabot pa kami sa korte!"nagulat kami sa biglang pagtaas ng boses ni daddy.hindi ko rin siya masisisi,sa loob ng 13 years,pinatay pala siya.
hindi umiimik si ate kanina pa kaya nung mapatingin ako sa kanya ay tahimik pala siyang umiiyak.siguro ay masyado lang siyang nasaktan dahil sa kakambal niya.
"sigurado ka ba diyan hon?baka hindi na nila tanggapin ang kaso dahil matagal na iyon"kalmado pero seryosong tanong ni mommy.
"lahat gagawin ko para mahuli kung sino talaga ang may kasalanan hindi ko palalagpasin ito..napaka tuso talaga ng carson na iyon"bakas sa mukha nila ang pagkastress dahil sa mga nalaman.siguro ay hindi nila inaasahan ito dahil sarado na nga ang kaso.
"uhm,nandiyan po ba si l-liam?pwede ko ba siyang kausapin?"maya maya ay tanong ko.
"hija,alam mo naman na anak siya ng-"
"pero dad,biktima lang din siya ng kalupitan ng tatay niya...kahit saglit lang,gusto ko lang siyang makausap"nagmamakaawang tinig ko.napabuntong hininga naman siya at lumabas muna silang tatlo.
maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok si liam.humugot ako ng malalim na hininga bago tumingin sakanya.naglakad siya palapit at nanatiling nakatayo sa may gilid ko.
"b-bakit hindi mo sinabi?"paninimula ko.napaiwas naman siya ng tingin.
"sorry"
"alam mo na ba simula palang?"tanong ko ulit.andaming tanong na namumuo sa utak ko pero hindi ko iyon maisa isa.
"nung nalaman ko ang pangalan mo,dun ko nalaman na ikaw pala iyon.."sagot niya.hindi naman ako sumagot kaya pinagpatuloy niya ang sinasabi.
"sobrang saya ko no'n dahil nagkita ulit tayo,kaso sinabi mo na nagka temporary amnesia ka,kaya hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa'yo..pero alam ko rin na darating ang panahon na maaalala mo ang lahat kaya sinubukan kong maging handa.alam ko na magagalit ka sa'kin.."
"dun sa p-pagkamatay ni ate..bakit kailangan umabot sa gano'n."nagbabadya na ang mga luha ko kaya pinigilan ko iyon.
kahit alam ko naman na hindi niya kasalanan 'yon pero hindi ko pa rin maiwasan,daddy niya pa rin ang may gawa non kaya sobra akong nasasaktan.
"s-sinabi ko sa'yo no'n na malupit ng daddy ko kaya mag ingat ka,kayo..kahit ayaw ko siyang sundin ay wala akong nagawa dahil tinatakot niya ako na ipapatapon sa malayong lugar..pero hindi ko akalain na aabot sa gano'n.at yung niloko niya kayong patay na ako.sinabi niya kapag nagpakita pa ako sa'yo papatayin ka niya."tumulo na ng tuluyna ang kanina ko pa pinipigilang luha.
"napaka demonyo ng tatay ko marisse,ayaw ko man sabihin pero nagsisisi ako na siya ang naging tatay ko...handa akong tumulong para sa kaso niya.papatunayan ko na siya ang may gawa no'n"sambit niya at lumapit ng kaunti sa'kin para hawakan ang kamay ko.
tinignan ko 'yon at hindi nagsalita.pinunasan ko naman ang mga luha ko.
"y-yung sa may sementeryo,ikaw ba 'yon?"tanong ko.medyo nagulat naman siya pero agad ding natauhan.
"yung sa may fastfood?yung sa bar?"
sunod-sunod kong tanong nang hindi siya magsalita."o-oo marisse ako lahat 'yon..nagpunta akong ibang bansa para doon mag-aral,kahit mahirap ay pinilit ko pa din,para makauwi lang dito at makita ka ulit"napatigil naman ako dahil do'n.
"handa na kitang ipaglaban marisse,buong buhay ko,kontrolado ako ng daddy ko.pero para sa'yo,hindi ko na hahayaang pati 'yon ay hadlangan niya"parang may kung ano namang kumiliti sa tiyan ko at uminit ang pisngi,panigurado pulang-pula na ako ngayon.
bakit ba kasi ganyan siya magsalita?hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko.
"may boyfriend ako liam"ani ko dahilan para mapatigil siya.speaking of boyfriend,may kasalanan pa pala sila sa'kin.
"i'm sorry"sabi niya at mukhang nadismaya.
"pero mawawala na"bawi ko at parang kumislap naman ang mga mata niyang tumingin sa'kin.
"anong ibig mong sabihin?"takang tanong niya pero mababakas na masaya siya at nagkaroon ng pag-asa.
"may babae siya.."doon naman siya sumeryoso at mukhang galit.ayaw ko mang sabihin pero wala na din akong nagawa.
"loko pala yang lalaking yan eh"mababakas sa boses niya na galit siya pero pinakalma ko nalang.
"kumalma ka nga liam,problema ko 'to ako ng bahalang umayos"sambit ko.
"sorry,nag-alala lang ako"
"ikaw nga na apat na taong nawala kinaya ko eh,'yon pa kaya"bulong ko.kumunot naman ang noo niya kaya napangisi ako.
"anong sabi mo?"
"wala"
~♥~
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
ספרות נוערsinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...