8 •When All Falls Down•

1.2K 55 2
                                    

(STILL FRIDAY)

*krrrrrrriiiiiiiiing!*

"Okay class! that's it for today." Then umalis na ang Arts & crafts professor. Niligpit na ni Caitlyn ang kanyang gamit at nag-inat.

Its still Friday at Lunch time na. Wala syang kakilala sa Arts & Crafts kaya mag-isa nalang syang pupunta sa cafeteria.

Pagdating nya dun, may mga ibang estudyanteng tumingin, ngumiti at umirap sakanya, pros and cons of being Marcus' girlfriend.

"Caitlyn!" Kita nya si Zein na nakangiting kumakaway sakanya, kasama nya si Zen na blangkong nakatingin sa kanya, at may tatlo pang estudyanteng nakatingin sa direksyon nya, lahat sila ay nasa-iisang table.

Ngumiti si Caitlyn at marahang umiling, halata naman na mga kaibigan yun nang magkambal at ayaw nya namang ipagsiksikan ang kayang sarili.

Ngumuso si Zein pero umupo na din. Pumila si Caitlyn sa linya, hindi katulad nung baguhan pa sya, pinagtutulakan at sumisingit ang mga nasa likod nya, pero ngayong girlfriend na sya ng president ng paaralan na si Marcus, biglang tumigil ang mga tulak at mapang-abusong estudyante.

Nang maka-order na sya, nilibot nya ang kanyang paningin para maki-upo sana kina Marcus, pero hindi nya ito nakita,

Di bale na nga. Alam ko naman kung saan sila hahanapin. Caitlyn shrugged and balanced her tray on her hands.

Umalis na si Caitlyn sa cafeteria bitbit ang kanyang tray. Pupunta sya sa rooftop kung saan namamalagi sina Marcus kapag hindi nya ito nakikita sa cafeteria.

Nang makarating sya sa rooftop, Dahan dahan nyang binuksan ang pintuan para hindi malaglag ang mga laman nang kanyang tray.

Mukhang hindi sya napansin nila Nick dahil patuloy pa rin ito sa pagtawanan at pagtulakan, mostly sila Nick at Roman lang naman. Hindi nya rinig kung ano man ang pinag-uusapan nang mga ito, pero sigurado sya na nakakatawa ito. Napangiti naman si Caitlyn sa kanyang nakita.

Dahan dahan syang naglakad papunta sa likudan ni Marcus, lahat sila ay nakatalikod sa kanya, at ngayon nya lang napansin, Kulang sila nang isa, wala si Axel.

"Hahaha! Oo nga! Antanga!" Halakhak ni Nick sabay hampas sa balikat ni Roman na katulad ni Nick, tumatawa rin. Si Marcus at Travis naman ay nakangiti lang.

"Seryoso hindi ko ine-expect na gagana ang plano natin!" Di makapaniwalang sabi ni Roman at natigilan naman si Caitlyn.

Plano? Anong plano? May ginawa ba silang hindi ko alam? Naku talaga itong mga lalaking 'to! Napailing nalang ang dalaga habang nakangiti.

Nagpatuloy sa paglalakad si Caitlyn, mahina at marahan ang mga yapak nito, kaya kahit malapit na sya sa mga ito, hindi pa rin sya napapansin.

"Oo nga! Ang bilis bilis nga mahulog ni Caitlyn kay Marcus e! Akala ko aabot nang isang buwan!" Sagot naman ni Nick at natawa naman si Roman.

Natigil lang sila sa kanilang ginagawa nang may tumunog sa kanilang likudan tapos nasundan nang singhap. Mabilis silang napalingon at agad na napatayo.

Sa kanilang harapan, may isang babaeng nakatayo lamang at malayang hinahangin ang mahaba at itim nitong buhok, ang isa nyang kamay ay nakatampal sa kanyang bibig na para bang gustong bawiin ang singhap na galing sa kanyang mga labi, mga bughaw na mata na puno nang luha at nagsimulang magsipatakan ang mga ito, kitang kita ang gulat, hinanakit, pagtataksil at galit sa kanyang mga bughaw na mata. May lunch tray sa kanyang paanan at nagkalat ang mga pagkain mula dito. Umatras si Caitlyn.

"C-caitlyn?" Utal ni Nick, kagaya nila Travis, Roman at Marcus, nanlalaki ang mata nito.

"Cate. I can explain." Marcus took a step forward but stopped when Caitlyn held her hands out, as if scared to let Marcus near her.

"D-don't..." Caitlyn shakes her head, tears were still falling freely from her eyes down to her rosy cheeks.

"Cate... Just listen to me please." Marcus pleaded, when Caitlyn didn't say or do anything he continued. "Totoo na plinano namin na pa-ibigin kita, pero I swear! While I was doing it I fell in love with you! I know you feel the same way too!" Marcus continued.

That made sonethibv snap inside Caitlyn, biglang umayos nang tindig ang luhaang dalaga, matapang nyang sinalubong ang nagsusumamong mga mata ni Marcus. Ang dati nyang masaya at maliwanag na mga mata ay napalitan nang malamig at hindi mabasang expression. Mga luha'y walang tigil sa pagpatak kahit na naging blangko ang ekspresyon nito.

"Hah. Me? In love? Sorry to burst your bubbles. But I have NEVER fallen in the first place." Her usual soft and gentle voice were now harsh and cold, her once teal colored eyes that were full of life became empty and void of emotions, like she suddenly wore a mask to hide her true feelings.

Tumalikod sya at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan, medyo natigilan sya nang makitang nakaupo si Axel sa may gilid nang pintuan at bagot na nakatingin sakanya, kung nandyan na sya kanina pa, hindi sya napansin ni Caitlyn. Nagpatuloy na si Caitlyn sa paglakad.

*blaag!*

Padabog nyang isinara ang pintuan. Pagkaalis na pagkaalis ni Caitlyn, nagkatinginan sina Nick at Roman.

Kahit na alam ni Marcus na nagsisinungaling si Caitlyn... Sobrang sakit parin nang marinig nyang bitawan ni Caitlyn ang mga katagang yun.
Ngayon alam na nila na hindi nagpapanggap si Caitlyn, na isa talaga itong anghel galing sa langit na nakulong dito kasama ang mga katulad nilang demonyo, ngayon nag-aalala sila na baka ginawa nila itong katulad nila pagkatapos nang natuklasan nito.

•×•×•

I know, i know... Cliché. But it's for the sake of the story so bear with me please!

Hope you've enjoyed!

Vomment. And be a fan... Charot!

Miss Good Girl in Gangster Academy [Fixed version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon