A/n: HAHAHA SO MAY NAGCOMMENT NA USER, (KILALA MO KUNG SINO KA) TAPOS SABI NYA SANA KAPATID OR RIVAL NI CAITLYN SI LUNA. I'M NOT JUDGING, BUT YOU'RE THEORIES ABOUT THE STORY ARE WELCOME! IT'S ALWAYS FUN TO KNOW WHAT YOU GUYS THINK.
SO PLEASE, COMMENT YOUR THOUGHTS AND THEORIES ABOUT THE STORY! THEY'RE APPRECIATED AND ALWAYS WELCOME💖💖
*******
(THURSDAY - SCIENCE ROOM)
'Calling for the students who snuck out last night, proceed at the Student Council Office...' Napatingin ang mga estudyante sa speaker ng tumunog ito, nasa-klasroom, cafeteria, hallways o lobby man sila. '...You all know who you are.' Pagpapatuloy nito.
"What? May tumakas pala kagabi?"
"Looks like it."
"Sino kaya ang mga yun?"
"Ngayon lang ulit nagkaroon ng law breakers since naging president si Marcus."
"That's right."
Usapan ng mga estudyanteng nakarinig.
Sa science classroom, tumayo ang apat na estudyante mula sa pagkakaupo,
"Oh my god..."
"Seriously...? I mean understandable pa sina Zein, but her??"
Walang imikan ang mga estudyante na nasa Science room nang tumayo sina Zein, Zen at Freia, pero nagsimulang magbulungan ang lahat ng pati si Caitlyn ay tumayo.
Di nila inaasahan na ang newbie ng OHA ay isa sa mga law breaker, at di nila inaasahan na kaya nyang maging law breaker, sa pagkakaalam nila sya ang pinakamabait na estudyanteng kilala nila dito sa paaralan ng mga gangster, which is very unusual.
Walang imikan silang naglakad sa hallway, kagaya ng palagi nilang posisyon. Si Freia na bagot na nginunguya ang bubble gum sa kanyang bibig ay nasa harapan ni Caitlyn, sa kaliwa ni Caitlyn ay si Zen na nasa bulsa ang mga kamay at walang pakialam sa buong mundo at si Zein ay nakatuon ang atensyon sa kanyang manicured na kuko at nasa kanan naman ni Caitlyn Si Caitlyn naman ay nasa gitna nilang lahat, na para bang pino-protektahan sya.
Since walang imikan sa hallway, maliban sa mga boses ng professor na Dinig sa hallway, biglang nawala ang buhay sa mga bughaw na mata ni Caitlyn ng magsimula syang mag-isip.
What would happen to me? To us? Isip nya, Makakaabot ba 'to kina mama? I know I promised I'll be a good girl but look where am I...
Ng makarating sila sa isang dulo ng hallway, nakasalubong nila sina Tyler, Clayton, Kodie, Christian, Clarisse, Krista and Zoe na walang sabing sumunod sakanila. Pumwesto si Tyler sa likuran ni Caitlyn na napakalamig ng mata dahil sa pag-iisip nito. Pumwesto naman sina Christian at Clarisse sa likuran ni Tyler.
Parang ganito ang kanilang posisyon:
Freia
Zen Caitlyn Zein
Tyler
Clayton Kodie Christian
Clarisse Zoe KristaLittle did they know, curious glances were being thrown from inside the classroom as the group pass by.
Ahh... So sila yung mga law breaker?
Isip ng mga estudyante ng makitang dumaan sila. Kagaya ng iba, di rin sila makapaniwala na kasama si Caitlyn sa mga law breakers na nabanggit sa speaker kanina lang. Halata ang mga bagot at malamig nitong expression, ngunit isa lamang ang na-iiba, ang mga walang buhay na kulay bughaw na mata. Makakasindak ang mga mata nito kung ikaw ang dadapuan ng atensyon nito.
BINABASA MO ANG
Miss Good Girl in Gangster Academy [Fixed version]
Teen FictionFor unknown reasons, Caitlyn Leighra Summervalle was transferred into another school, for the 9th TIME! Caitlyn has no idea why she was always being transferred to different schools, she was good, kind and pure hearted, what could possibly go wrong...