3 •Don't Belong Here•

1.9K 75 0
                                    

Room 209

Yan ang kanyang room number at andito sya ngayon sa elevator nang girls' dormitory. Mga ilang palapag din kasi ang dormitory kaya kailangan talaga nang elevator. Ngayon lang nakakita si Caitlyn ng sobrang lawak na academy, Omega High Academy is humongous! She could totally be lost in here.

Sa kamay nya, hawak hawak nya ang kanyang schedule, dorm key and uniform. Ang sabi ng headmistress nang Omega Academy, si Deborah Winston, magpa-tour nalang daw sya sa kanyang magiging room mate... At mag-ingat daw sya. Caitlyn has no idea why she has to be careful of her roommate.

*ting*

The elevator dinged and the metal doors opened, lmabas na sya nang elevator at hinanap ang kanyang room number.

Binuksan nya ang kulay red violet na pintuan na may nakalagay na '209' sa taas nito. Bumungad sakanya ang isang kwarto, may balcony, dalawang malaking bintana sa bawat gilid nang pader, may isang pintuan na nagdadala papunta sa banyo, dalawang closet sa magkabilang side nang mga kama at dalawang normal sized bed, yung isa ay kulay dark red, kabaligtaran nang light pink na pader, may mga gamit, posters at mga kung ano-ano pa sa nightstand sa tabi nito. Yung isang kama naman ay kulay dull gray, walang laman ang nightstand.

Naglakad sya papunta sa kulay gray na kama at Nilapag ang kanyang bag at maleta.

"Hindi na rin masama..." Komento nya sa kanyang sarili nang maramdaman ang malambot na kama at unan. She'll just have to decorate her own space to make it look neat.

*blaaag*

Napatalon sya sa kanyang kinauupuan nang biglang bumukas ang pintuan at padabog na sumara. May galit na babaeng mabilis na naglakad papunta sa kulay dark red na kama at inis na binuksan ang closet sabay halughog.

Nakatalikod yung galit na babae kay Caitlyn kaya napagmasdan nya ito, nakalugay lamang ang mahaba at kulay kahel nitong buhok, naka white off-shoulders ito, black ripped jeans and five inches black stilettos. Halata ang awtoridad sa bawat galaw nito, halata rin na mukhang mataray at palaban ito sa way nang pananamit palang.

"Uhm... Hello?" Caitlyn cleared her throat awkwardly. Napatigil sa paghalughog yung babae at dahan dahan na lumingon sa direksyon nya, as if ngayon lang napagtanto na hindi sya nag-iisa sa kwarto.

Napakurap si Caitlyn nang tuluyan nang nakaharap ang babae. Matalim at mataray ang mga itim nitong mata, mahahabang pilik mata, matangos na ilong at manipis na labi atsaka may choker itong itim na may pendant na triangle at may sunglasses ito, sobrang ganda nang babaeng nasa harapan nya. Tumaas ang kilay nung babae.

(Caitlyn's roommate in the multimeds! Credits to the owner💖💖)

"Who the hell are you?" Mataray nitong tanong, ramdam ni Caitlyn ang kamandag sa bawat letra. Napaiwas sya nang tingin, masyadong nakaka-concious ang tingin nito, na para bang hinuhusgahan nung babae ang kanyang pagkatao, medyo nailang si Caitlyn ng marinig ang di kaaya-aya nitong bokabularyo.

"H-hi..! I'm Caitlyn!" Caitlyn squeaked, too nervous to get herself together under the heavy and intense charcoal black gaze.

The girl looked at her for a few minutes and rolled her eyes then back at rummaging her closet.

"A newbie." Mapait nitong sambit.

"Uhm... Anong pangalan mo?" Tanong nya dito, ngunit wala syang nakuhang sagot, patuloy pa rin sa paghalughog yung babae na para bang nag-iisa lamang sya sa kwarto.

"The headmistress said that you should tour me around..." Patuloy nya pa. Pero kagaya nang kanina, walang sagot.

Okay. Clearly she doesn't like me... Caitlyn immediately took the hint.

Napabuntong hininga nalang sya at nagsimulang mag-ayos nang kanyang gamit.

Ba't ang hiwaga nang mga estudyante dito? Una yung si Marcus, tapos itong babaeng ito naman. Parang may somethi--

"Aray!" Daing nya nang may tumama sa likod nang ulo nya.

A stiletto? Caitlyn rubbed the back of her head to ease the pain and saw the culprit.

Sa paanan nya, may isang kulay itim na stiletto, mga five inches, para bang yung suot nung babae kanina!

Inangat nya ang kanyang tingin at nakita ang babae, galit pa rin at mas mukhang lalo itong nagalit.

"Are you fucking deaf or what?!" Singhal nung babae sa kanya. Sobrang talim nung mga mata nito pakiramdam nya kaya nitong putulin ang hangin.

"H-ha?" Hindi nya alam kung magugulat sya sa pagsigaw nung babae sakanya o dahil sa malutong nitong pagmura nito.

"Turns out you're deaf." At tumalikod na ito.

"H-hey! I was just thinking something! A-and I'm not deaf!" Caitlyn's face went beet red from embarrassment.

"Oh yeah?" Ang tanging sagot na kanyang nakuha.

"A-ano bang sinabi mo?" Medyo wary pa rin sya sa pabago-bagong attitude nang kanyang roommate.

"Oh that..." The girl turned to her, looking thoughtful. "I said, 'Go to fucking hell.' newbie." Caitlyn flinched at her choice of words. Harsh and savage were the only words that she can describe the girl with.

"I-i'm sorry..." Napatingin si Caitlyn sa kanyang mga paa na para bang ito ang pinaka-interesting na bagay sa buong mundo.

It's my fault... Dapat kasi nakinig ako nang maigi. Caitlyn sighed to herself.

"You don't belong here." Napaangat sya nang tingin papunta sa babaeng roommate nya. The girl's face was no longer angry and mad, but it was hard and cold, just like Marcus's face back then, her black eyes that seems to resemble the starless night skies were empty and void of any emotion.

"Huh?" Muling tumalim ang mga mata nung babae oras na lumabas yan sa bibig ni Caitlyn. "Sorry." Agad na paumanhin ni Caitlyn.

"You don't belong here, newbie." Pag-uulit nung babae sa kanyang sinabi kanina lang.

"W-why??" Caitlyn stuttered.

"... Too kind and innocent." Ang Sagot na kanyang nakuha.

Napakunot ang noo ni Caitlyn. Hindi nya alam kung against ba ang mga estudyante dito sa mga mababait, Dahil mukhang yun ang una nilang napansin sakanya. Kind. Innocent. That's what they saw in Caitlyn, just a new naive girl.

"So w-what if I'm kind and innocent?" Caitlyn found a little confidence.

Liningon sya nung babae, kagaya nang dati, walang emosyon ang mga itim nitong mata.

"You won't last... You won't survive." And with that. Umalis na yung babae.

Leaving Caitlyn with her and her own jumbled thoughts.

•×•×•×

Questions?? Feel free to ask in the comment section!

Hope you've enjoyed!

Vomment. And be a fan... Charot!

Miss Good Girl in Gangster Academy [Fixed version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon