15 •Stranger•

1.1K 54 0
                                    

(STILL MONDAY - ADVANCE ALGEBRA ROOM)

Pagkatapos nang Lunch ay dumiresto na si Caitlyn sa next subject nya, Advance Algebra.

Habang naglalakad ay nakangiti si Caitlyn, nasisiyahan sya dahil may mga bago nanaman syang kaibigan, kahit na medyo masungit si Zoe sakanya, kalaunan ay nawala na ang pagkamasungit nito nang batukan sya ni Freia, at ng magka-get to know each other silang dalawa.

Pumasok sya sa pintuan at biglang nawala ang kanyang ngiti nang magtama ang paningin nya sa lalaking may bughaw na buhok. Mukhang nabuhayan si Nick nang makita si Caitlyn.

Oh right.... Nicholas is here. At nagpatuloy sya papunta sa kanyang upuan.

"Caitlyn!" Tawag nito ngunit kahit ni isang tingin ay hindi sya tinapunan ng dalaga. Nakaramdam nanaman si Nick nang matinding pagsisisi.

Nagsimula na ang klase ngunit walang pakialam si Nick, pati ang lahat, maliban kay Caitlyn na nakikinig at nagte-take note. Tumayo si Nick sa kanyang upuan at pumunta sa upuan na katabi ni Caitlyn.

"Hey Caitlyn..." Tawag nya dito ngunit wala itong reaksyon.

"Caitlyn. I'm sorry..." Sabi nya pa ngunit nanatili sa harapan ang atensyon ni Caitlyn.

"Caitlyn.. Me and the gang were very sorry. We know that what we've done is wrong... So we're sorry Caitlyn." Ang pahayag nya pa ngunit kagaya nang kanina, no reaction pa rin. Para bang wala itong naririnig.

Ngunit hindi agad susuko si Nick, alam nyang galit lang sakanila si Caitlyn kaya hindi sila nito pinapansin.

Nagpatuloy ang panggugulo ni Nick kay Caitlyn na parehas na resulta lamang ang ibinibigay kay Nick.

Nang kasing lakas na nang boses ni Nick ang boses nang professor, dahan dahang lumingon si Caitlyn kay Nick. Dahilan upang matigilan ito at mapangiti.

"Caitlyn... I knew you can't resist--" naputol sya nang biglang magsalita si Caitlyn.

"Hey Stranger. Could you please tone your voice down a little bit? As you can see I am trying to listen here and you're being a nuisance. Thank you." Ang magalang ngunit malamig nitong sabi.

Biglang nanlaki ang mata ni Nick dahil sa tono nang pananalita ni Caitlyn at sa mga salitang binitiwan nito.

Bumalik ang atensyon ni Caitlyn sa harapan at mukhang pati ang mga estudyante ay natahimik dahil hindi nila inaasahan ang biglang pagbabago ng ugali ng baguhan, at hindi din nila inaasahan na kayang sagutin ni Caitlyn si Nick, si Nick na miyembro ng pinakamalakas na grupo sa OHA.

Napatitig si Nick sa mukha ni Caitlyn... Ang dating buhay at masiglang bughaw na mata ni Caitlyn ay nawalan nang buhay at sigla, mas naging malamlam rin ang kulay blue-green nitong mata, at halata ang galit at sakit sa mga mata nito kahit na blangko lamang ang mukha nito.

Then biglang na-realize ni Nick.

D-did she just call me S-stranger..?! He thought and he was left dumbfounded.

•×•×•

I know. Short update, but whatever, at least meron.

Hope you've enjoyed!

Vomment. And be a fan... Charot!

Miss Good Girl in Gangster Academy [Fixed version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon