20 •Tears•

1.1K 53 0
                                    

(STILL MONDAY - COMPUTER ROOM)

Even if Caitlyn still has a lot of time, she silently made her way towards her last subject, Computers, only to find out that no one's there yet. Knowing that everyone will be late again, she didn't opened the lights, just walked towards her chair.

Umupo si Caitlyn sa kanyang upuan, dahan dahang nahulog ang mahaba nyang itim na buhok mula sa kanyang balikat at tila ba kurtina.

Unti-unti, nagsipatakan ang mga luha'ng kanina nya pa nilalabanan, galing sa kanyang mga mata, pababa sa kanyang pisngi at papunta sa armchair.

Yung mga nangyari kanina sa rooftop ay biglang bumalik sa kanyang isipan, paulit-ulit, kung paano magmakaawa si Marcus na pakinggan sya, kung paano kumirot ang puso ni Caitlyn tingnan lamang ang nagsusumamong mukha nang kanyang mahal...

Oo, mahal nya pa rin si Marcus. Kahit sa madaling panahon na kanilang pinagsamahan, talagang nahulog na ang loob ni Caitlyn kay Marcus, sobrang lalim nang pagkakahulog. Ngayon ay namo-mroblema na sya kung paano makaakyat pataas at paano kalimutan ang kanyang nararamdaman para kay Marcus.

Mas lalong dumami ang luha'ng lumalabas sa mga mata ni Caitlyn, ngunit wala ni isang  hikbi ang lumabas sa nanginginig nyang labi.

Muling nyang naalala ang kaunting panahon kung saan maayos pa ang lahat, kung saan puro ngiti at tawanan lamang nang Phantoms ang nakakabuo nang kanyang araw, kung saan masaya pa ang lahat.

Tapos dumating ang araw kung saan nalaman nya ang plano nang mga ito, ang plano na sumira sa kanilang samahan, sa relasyon nya kay Marcus.

S-sana pala hindi nalang ako p-pumunta sa rooftop... Edi sana ayos pa rin kami ngayon. W-wala akong pakialam kung sinungaling lang ang lahat, basta mabalik lang ang dati...

Isang hikbi...

At isa pa...

At sumunod pa.

Sunod sunod na ang kanyang paghikbi, pati ang pagpatak nang kanyang mga luha. Inangat nya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang basang pisngi, ngunit agad naman ito napalitan nang panibagong luha.

Hindi nya alam kung saan nya nakuha ang lakas nang loob na sigawan sila Marcus at ilabas ang kalahati ng kanyang hinanakit sa mga ito, pero kahit papaano ay nagpapasalamat sya dahil kahit papaano ay nabawasan ang bigat na dinadala nya sa kanyang balikat at puso.

"Caitlyn?"

Agad na napatunghay si Caitlyn. Kahit na madilim sa silid, kitang kita ang sakit sa mga namumugto nyang bughaw na mga mata, ang namumula nitong pisngi at ilong at ang kinang ng mga patak nang luha na nasa armchair nya.

"Z-zen??" Gulat na tanong ni Caitlyn nang makilala ang lalaking nakatayo sa pintuan nang Computer room, for the first time, hindi ito mukhang bagot...


Mukha itong nag-aalala.

•×•×•

I know. Short update, but whatever, at least meron.

Hope you've enjoyed!

Vomment. And be a fan!

Miss Good Girl in Gangster Academy [Fixed version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon