4.2 Jealous"Sh*t? Nasaan ako?!" sa biglang pagbangon ko ay nauntog ako sa kanto ng ibabaw ng higaan niya.
Hays! Nagaaral ako ng architecture pero hindi ko alam na nagexist pala yung ganyang design!
"Do you want a coffee? And I have prepared a breakfast for you." pinalo-palo ko yung sintido ko at ininda ang napakasaklap ng hangover.
"Hays, tignan mo yung mukha mo sa salamin at sobrang puti. Binuhusan kita ng makapal na pulbos at pinunasan yung katawan mo. Naging mahimbing ang tulog mo." ginulo na naman niya ang buhok ko na mas magulo pa sa buhay ko.
"May practice tayo mamayang umaga. Kinansela ko muna yung paglalaro ko ng badminton. Ngayong buwan pa na 'to nagkasabay-sabay ang lahat."
"Teka, hindi ba, galit ka sa akin?" pinipigilan ko siyang umalis.
"Nabalitaan ko yung nangyari sa'yo.., na muntikan ka nang masagasaan dahil ginabi ka na ng uwi. Please lang, Jianné, dito kana lang tumira na kasama mo ako at si Rainbow."
"Hahanapin ako ni Devyn.., tsaka..." napakamot ako sa ulo at wirdong ngumiti.
"Sorry nga pala sa nangyari nung nakaraan. I thought you were just joking at me, pero totoo pa lang may grade na ako sa minors."
"How about the musical club? Aatend pa ba ako kahit na nakuha ko na yung gusto ko sa'yo?" seryoso siyang tumingin sa akin.
"Kahit magaral ka nalang munang maigi. I don't pursue someone else to go in musical club, ayokong masira ang pangarap nila ng dahil lang sa music career."
"Nung namatay si Mama, isa lang ang pinangarap niya sa akin, yun ay ang alagaan at ipagpatuloy ko ang pagawit at magpatugtog ng keyboard."
"Yun ang isa sa mga bagay na pinangako ko kay Mama na ayaw ni Papa na gawin ko."
Habang kinukwento niya sa akin ang talambuhay niya ay bigla akong naawa kay Chloe. Malaki talaga ang naitulong sa kanya ng pagkanta at pagsali sa banda. Pero kahit ganunpaman ay hindi niya pinabayaan ang pagaaral na gusto namang ipagpatuloy ng kanyang Papa.
"Ang lungkot naman ng buhay mo." pinunasan ko yung kapiranggot na luhang lumandas sa mukha ko.
"Sa una lang naman yon masakit. Tinatagan ko ang loob ko hangga't sa nasasanay na akong masaktan sa lahat ng bagay." ngumiti siya at hinaplos ang aking ulo.
"Sige na maggayak kana. At kung may vacant ka, you just go to studio room, naguumpisa na silang magpractice."
"At bago ka umuwi mamaya, would you come to cheer up for me later on? Sabi ko nga sa'yo hindi ba, ikaw ang lakas ko, Jianné."
"Whatever you call me, I don't care basta masaya tayong magkasama." ngumiti siya sabay hagis ng T-shirt niya na puno ng signature.
----
"Tsanga pala, hinakot ni Chloe kaninang madaling araw yung mga gamit mo sa dorm. Pagod na pagod siya sa kakalipat ng mga gamit mo."
"Ganyan na ba talaga siya kainteresado sa'yo?" hinila ko ang balat ni Devyn at mabilis naman niya iyong hinawakan.
"Ginagawa ko ito para layuan na ako ni Rodn! Habang patagal ng patagal ay mas lalo siyang nangungulit sa akin! Si Chloe lang ang tanging nakakapagpigil kay Rodn kaso hindi matibag yung isa."
"What if kung naiinlove na nga talaga si Chloe sa'yo? Paano kung bigla siyang umamin na gusto ka niya? Yung ginagawa n'yo ay hindi peke at nagiging totoo na?" binatukan ko siya at lahat naman ng kaibigan ko ay humalakhak.
"Cheers!"
"Himala! Nanlibre ka ng kusa? Huy, anong meron ha?" sinundot-sundot ni Undro yung tagiliran ko.
"Of course, celebration! Kasi ano- may bago na akong tinitirhang dorm tsaka nakapasa na rin sa exam kanina."
"Ano?! Nakitira ka kay Chloe?!" sabay-sabay nilang sigaw.
"Hindi ano! Pinilit lang ako ni Chloe na doon na sa kanila tumira kahit ayoko. Guys, please help me to escape on her dorm."
"Kapag ang tao ay tinali na sa puso ng iba ay hindi ba pwedeng pakawalan pa."
"Yan yung mga signs na nagugustuhan ka na ng isang tao!"
"Hey Jianné! Pinagluto kita ng lunch!" ngisay niyang inabot sa akin yung lunch box na may laman na sari-saring gulay.
"Hindi siya kumakain ng gulay." tinabig niya yung lunch box sa harapan ko at pinalitan ng ibang pagkain.
Napanganga ako sa ginawa ni Chloe kay Rodn. Hindi parin naalis ang pagnganga ko dahil sa pinakita niya. Ginagawa ba talaga ni Chloe ito dahil nagugustuhan niya na ako o dahil may iba pang dahilan?
"Paano mo nalaman ang tungkol kay Jianné?" ngatal niyang usisa.
"She joined in musical club and then I saw a few information about her." Huminga siya ng malalim at galit na tinignan si Rodn.
"Pwede ba wag na kayong magaway-away dahil lang sa akin?! Nakakapagod na!" nagwala ako sa galit tsaka umalis na agad. I couldn't bear with this damn place.
Umiyak ako ng umiyak sa hallway habang naglalakad. Madaming tao ang nakakapansin sa akin pero wala akong pakialam.
"Jianné! Haist.., andito ka lang pala!" yumuko ako tsaka nagiba ng direksyon para hindi niya ako masundan.
"Bakit kailangan mong gawin yon? Bakit gusto mo ba ako?" natahimik kaming dalawa. Wala siyang imik nang itanong ko sa kanya yon.
"Tinutulungan lang kita para layuan ka na ni Rodn. Hindi sa gusto kita kaya ko ginagawa ang mga ito. Naawa lang ako sa kalagayan mo kaya ako nagmamalasakit sa'yo..,"
"Pumayag na ako na maging pekeng girlfriend kita."
"Kaya mo ba ako pinatira sa inyo ay dahil lang sa naawa ka sa akin? E may kahati naman ako sa dorm na tinitrhan ko dati at yon ay si Devyn, bestfriend ko."
"Jianné, Jianné?" narinig ko yung sigaw ni Rodn sa pagtawag ng pangalan ko.
"Shhh..., don't be noisy." paalala ni Chloe na siyang kinatahimik ng bibig ko.
"Oh, can I ask? Have you seen Jianné? May iaalok sana akong pagkain tsaka manonood kami sa AVR about motivational quotes."
"Umm.., hindi ko siya nakita. Baka nasa Larrily Shop, nakatambay."
"Ohh... thank you!" nagpasalamat siya kay Chloe at dumiretso na papuntang AVR.
"Alis na dyan. Nakaalis na si Rodn." agad akong umalis sa napakasikip na lumang bookshelf.
"Salamat ha."
"Ummm...,"
"Kapag ba tinigilan na ako ni Rodn, ibig sabihin ba no'n ay lalayuan mo na ako at hahayaan nalang?" diretsong tanong ko sa kanya.
"I don't know.., siguro.., pwedeng mangyari iyang sinasabi mo kasi marami pa akong pagkakaabalahan." tiniklop niya ang labi niya at lumunok ng madiin.
"Nga pala... may inumang naganap sa dorm ni Devyn at doon natulog ang mga kaibigan ko. Baka doon na ako ulit tumira."
"Hindi pwede. Sasamahan kita sa pagaalaga sa kanila. Sabay na rin tayong matutulog sa kanila kahit masikip."
"Ha? Hindi pwedeng makisabay ka sa kanila lalo na lasing na lasing sila Devyn."
"I will take the risk, Jianné but somehow you can still see my efforts. Ang pagiging ma-effort kong tao ay hindi nakakapagpababa ng katauhan mo so let me do this until you fall inlove with me."

YOU ARE READING
Together With You
HumorCharlotta Embeyr Rooseveltun is the one and only daughter who owned by the most famous and expensive private University in their country. She disliked asking even a bit amount of luxuries to her Dad because himself has lack of support and wants her...