6.3 Knowing the truth
"Magwarm-up ka. Magpractice ka sa una tapos isunod mo na yung mahihirap na tune." hindi parin ako mapalagay sa kakaisip.
Paano kung malaman ni Chloe, nung mga fans niya? Na kaya ko lang naman ginagawa ang mga bagay na yon ay para hindi ako matanggal sa honor at lalong-lalo na school.
Hindi ko kayang magbetray ng isang tao, alang-ala lang sa grades, pangangailangan... ayokong sirain ang sarili ko nang dahil sa kadamutang ito.
"Haist... kailan ka ba maguumpisa? Kanina ka pa nakatunganga dyan!" Binato niya ako ng unan niya at doon lang ako natauhan.
"I can't practice right now." suminghal siya at tumabi sa akin.
"Paano ka makakapagfocus sa audition bukas kung wala ka sa sarili mo? May umaway na naman ba sa'yo?" hindi ko alam ang gagawin ko. Mamamatay na yata ako sa kakaisip ng dahilan para paniwalaan ako ni Chloe kung sakaling malaman man niya ang totoo.
"Pakinggan mo ito." dinikitan niya ako ng earphone sa tainga at napapasayaw siya sa kanta.
"Pampawala ng stress. Masyado mo ng inistress ang sarili mo sa pagaaral. Baka maunahan mo na si Top sa pagiging notcher. Hinay-hinay lang sa pagiging matalino, lahat ng tao ay gusto ang genius skills n'yo."
"Sinong Top, ibig mong sabihin may nagtatangka pang manguna sa akin sa pagiging top notcher ko?" tumango siya at seryosong tumingin sa akin.
"Narinig ko yung usapan ng mga kaibigan mo.., natanggal ka daw sa banda.., totoo ba yon?" niliitan niya ang pagtitig sa akin at inangat ang itaas na labi.
"Paano mo nalaman na umalis ako sa banda?"
"Someone told me.., nung una ay hindi ako naniniwala kasi alam kong kumakanta ka pa sa stage. Pero dahil sa kumalat ang balita at gusto ka na nilang bumalik..,"
"Gusto ko pagtapos nating magusap ay bumalik ka kung saan ka nanggaling. Wag mo sanang kalilimutan na may mga fans na nagaabang sa pagtuntong mo ulit sa stage and show to them your real talent."
Tinapik-tapik ko yung balikat niya at tumayo.
"Maaga akong papasok dahil sa final exhibit. I know that you trained me so well kaya pagbubutihin ko sa next round. Thank you, teacher Chloe for teaching me." ngumiti ako at kinuha na ang shoulder bag sa may tabi niya.
Hanggang ngayon ay hindi parin mabura sa isip ko ang nangyari kahapon ng hapon. Sino ba sila at bakit nila kinukuha yung impormasyon na galing sa amin?
"Manggagamit!"
Kumunot ang noo ko at curious na tinignan ang paligid. Maraming estyudante ang nagbubulungan, nagtatawanan at sa akin nakamasid. Ano ba talagang nangyayari?!
"The issues are getting bigger. The worse, the better on them so be careful."
Nanlaki ang mga mata ko. Isang paalala na may malalim na kahulugan?
Ngumiti nalang akong magisa. Seryoso sila sa mga planong gusto nilang gawin sa akin? Hindi pa man ako nakakarecover sa matinding pilay sa pagtapak sa akin tapos may banta na naman sila.
Baka maunahan mo na si Top sa pagiging notcher. Hinay-hinay lang sa pagiging matalino, lahat ng tao ay gusto ang genius skills n'yo.
"Madaming estyudante ang naiinggit sa talino mo at sa tingin nila ay swerte ka dahil nakakausap mo ang isa sa importanteng tao sa buhay nila." narinig ko ang boses ng babae sa likuran ko.
"Sino ka at bakit mo ako kinakausap?" galit kong tanong sa kanya na yumuyukom ang panga dahil sa galit.
"Ako si Top, pangalawa sa pinakamatalino sa batch mo." ngumisi ako ng sarkastiko.
"Anong pake ko? Bakit sila maiinggit sa akin e lahat ng mayroon sila ay walang-wala ako. Pwede bang lubayan mo na ako, wala akong mapapala sa kagaya mo..."
"Akala mo lang yon."
"At ano sa tingin mo ang makakatulong sa akin? Hindi kiporke nakausap mo na ako ay sasanib ang talino ko sa'yo. The world is so unfair. At kahit sino ay maraming imperfections sa katawan.., pwede ba layuan mo na ako."
"Pinagiingat ka ng kapatid mo. Sana naman alerto ka sa paligid mo. Siya nga pala, bago ako umalis, ako ang magiging tutor mo sa acads. Kaya iready mo ang sarili mo sa mga ituturo ko sa'yo okay?"
Ngumisi ulit ako ng sarkastiko. At bakit ko susundin ang kumag na yon? Since then, I could teach myself without offer a hand.
"Huli na ang lahat, Jianné. Nalaman na ni Chloe ang lahat at maaring sa mas madaling panahon ay iwanan ka niya at ipagtabuyan."
"Pagiisipan ko munang maigi iyan bago ako pumatol sa gusto mong mangyari. I don't need my brother's help so please get out of my sight!" Tinuro ko yung direksyon kung saan siya dadaan upang umalis.
"Hey, Jianné!" masiglang tinawag ako ni Rodn ngunit hindi ko siya pinansin.
———
"Jianné? Kanina ka pa hinahanap ni Leader Cha para sa final round, hindi ka pa ba dyan tatayo para magperform?"
"Wala akong panahon sa ganyang bagay." sa inis ko ay napalakas ang pagbato ko ng bato sa fishfond kung saan ako nakatambay.
"Pero pinaghirapan mo iyon—"
"Ano naman sa akin kung pinaghirapan ko yon? Ilang beses ako nagpakatanga sa industriyang iyan. Ni minsan wala man lang akong naibigay para sa sarili ko. Puro nalang ibang tao ang sinusunod ko!"
"Pero sige... tutal huli na naman iyan e." tumayo ako at iniwang magisa si Rhyme doon.
"Oh, Jianné? Bakit ngayon ka lang?" nagtatakang tanong ni Leader Cha sa akin.
Gumamit ako ng ukelele at kumanta. Kinanta ko yung kantang hindi naman related sa audition. Dinama ko ang musikang kinakanta ko at pagtapos naman noon ay nagsipalakpakan sila.
"Aalis na ako.., may gagawin pa ako sa school." umalis ako at hindi na inantay pa ang pagbanggit sa mananalo.
"Bakit nandito yung mga gamit ko sa labas ng pinto?" nakangiti kong tanong kay Chloe.
"Umalis kana, Jianné.., tama na..., I know the truth... please stop." seryoso niyang demand sa akin.
"Ah, sa may I.G.., yung dm sa iyo ng mga fans mo. Matagal ko nang gusto magquit sa deal natin kaso mukhang naging masaya ka talaga sa akin kaya pinili ko na lang itago."
"Ano bang sabi ko? Hindi ba, sabi ko sa'yo kahit magpakatotoo ka lang at maging masaya ay kontento na ako roon, Jianné? Sinira mo yung buong tiwala ko sa'yo."
"Kaya ko ginawa yon ay para magkaroon ako ng mataas na grades! Sino bang tao ang hindi gugustuhing magkaroon ng matataas na marka sa card nila? Alam kong hindi patas ang school na yon kasi kung sino pa matiyaga, masikap, at masipag, sila pa ang hindi mabigyan ng mataas na grades!"
"Kitang-kita ng mga mata ko kung paano nila dayain ang exams! That school and it is policy is sucked!"
"Paano ako magbabayad sa mga utang ko sa'yo?"
"Kahit hindi mo na bayaran.., Jianné. Masaya akong sineryoso mo ang audition and I think Leader Cha was glad based on you performance."
"Kung ayaw mong umalis, ako ang aalis." binigyan niya ako ng minuto para umalis kasama ng mga gamit ko.
"Hindi ka pa rin aalis? Ako ang aalis, Jianné. Madali lang naman akong kausap."
"Sorry, Chloe...." sumalampak ako sa sahig at naging emosyonal sa nangyayari.

YOU ARE READING
Together With You
HumorCharlotta Embeyr Rooseveltun is the one and only daughter who owned by the most famous and expensive private University in their country. She disliked asking even a bit amount of luxuries to her Dad because himself has lack of support and wants her...