TWY .2

24 0 0
                                    

Special Chapter I

Nang matapos ang laro namin ay nagpasya akong mamahinga sa maraming bleachers doon, medyo malayo sa pinaglalaruan namin.

Hanggang ngayon ay hindi parin naalis ang inis ko sa babaeng yon! Bakit ba kailangan niya akong haranahin sa gitna ng paglalaro ko?

"What a suck game!" kinuha ko sa kamay ng kaibigan ko ang bottle water.

"Paano iyan? Nanalo tayo sa final game. Edi lalayuan mo na yung bata mo?" hagikhik ni Hansel sa tabi ko at inirapan ko siya.

"Hindi ko alam... tsaka nakakahiya yung ginawa niya kanina. Biruin mo iyon, haranahan ka ba naman sa harap ng madaming tao. Ako lang dapat ang gagawa sa kanya noon. Ako lang dapat, nagmukha tuloy siyang katatawanan doon. Tsk!"

"Bakit ka naman mahihiya kung mahal ka naman ni Jianné, why not? Wala namang masamang magmahal sa kaparehong kasarian. Legal na legal sa bansa natin yon." nangingiti niyang sambit habang nilalaklak ang bote ng mineral water.

"Congrats! Magtutuos naman tayo sa stage bukas. Get lost your voice, girlfriend ni Jianné!" sinamaan ko ng tingin si Prina kasama ng mga kateam niya sa likod.

"Pabayaan mo na sila. Kulang lang sa pansin mga yon. Matagal nang may inggit sa katawan yon sila Prina, natatakot malamangan ng iba kasi feeling nila kaitaas-taasan sila."

"Ugh, alis muna ako... magpapalit lang ako ng pangitaas na damit."

"Sasabay na ako sa'yo." pinigilan ko si Hansel at sumabay na rin sa kanya sa paglalakad patungong cr.

"Umm... Jianné. Hold for seconds. Can we talk in private place?" natulala siya nang tawagin ko siya.

"Ano pa bang paguusapan natin Chloe? Hindi ba titigilan na kita gaya ng sabi mo, na ayaw mo akong gumagawa ng mga lecheng efforts na 'to!"

"Haist... how many times do I tell you that no one could ever do that except me? Ganito nalang, just support me tommorow, okay? I want to see you on my concert. Kahit saglit lang, Jianné... napanghihinaan kasi ako ng loob kapag wala ka. Kailangan ko ng support mo, okay?" hahawakan ko sana yung ulo niya nang inalis niya agad yon.

"Oo, nandon ako para kay Prina... pinilit ako ni Devyn na sumama sa big concert na 'yan." nawala ang ngiti sa labi ko. Why did I easily get hurted? Mali... mali... dapat masaya lang ako at ayokong dumagdag sa kalungkutan niya ngayon.

"Oo... sige... kahit ibang tao ang susuportahan mo bukas, It just okay for me. I just want to hear your scream. Lahat namimiss ko sa'yo, Jianné. Sana makita pa kita bukas para maialay ko yung kanta na ginawa ko."

"O bakit nangongonsensya ka na ba sa ginawa mong pamamahiya sa akin?" tumawa ako ng sarkastiko at umiling-iling.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Chloe! Hindi tama ang ginawa mo kahapon sa akin pati ngayon yung pamamahiya mo... Sumusobra kana!"

"Who is joking here? I am not joking to you, Jianné palibhasa ginawa mong biro ang seryosong katulad ko. Bakit nanghihinayang ka ba dahil nawala ang feelings ko para sa'yo?" nilabas ko nang bahagya ang dila ko at seryosong tinitigan siya.

"Huwag mo akong tignan ng ganyan!"

"Which looks do you want me to stare? Serious look, cute look, pare-parehas lang naman iyan na tingin at kahit hindi mo aminin sa akin yan, alam kong gustong-gusto mo ako."

"Ugh... pasok na ako sa klase ko."

"Wait lang... tinanong mo ba ako kung tapos na akong makipagusap sa'yo?!" hinila ko yung braso niya pabalik sa akin.

"Usap lang ba? Ayoko ng usap lang, gusto ko may iba pang gagawin bukod sa paguusap lang."

"Ang manyak mo! Dyan ka na nga!" nang nakahakbang siya ay hinila ko ang kamay niya at nilapit ng maigi ang mukha ko sa mukha niya.

Together With YouWhere stories live. Discover now