TWY V

15 0 0
                                    

5. Supportive Friend

"Salamat sa paghatid sa akin." pasasalamat ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"You are welcome, Jianné! Tara na? Magrecord na tayo ng video?" ginulo niya na naman yung buhok ko.

"Hindi ba pwedeng bukas nalang?" ngumiti siya ng nakakaloko.

"Okay then I will sleep over here."


"Haist... dorm ito ni Devyn... doon ka na kaya sa inyo matulog." pinipigilan ko siyang pumasok sa loob ng dorm.


"Bakit ba? Tsaka matagal na akong kilala ni Devyn kaya ayos na nandito ako. Trust me, matutulog lang ako rito tapos bukas natin itutuloy yung practice."

——

"Gising na! Even without brushing a teeth it is fine we need to record a cover song right now!"

"Hindi ba, pwedeng maya maya nalang?" binuhat niya ako at tsaka kumunot ang noo.

"Ngayon na!" pagpupumilit niya.


"Hi, I am Jianné and this is my bestfriend, Chloe! And today we will recording a song from Day 6."

Mabilis niyang kinuha yung phone ko na nakapatong sa maraming libro.

"Hmm.., parang pangit pero hindi. You should put it in here para makita tayo ng buo tsaka malinaw yung audio 'pag na rerecord tayo."

Suminghal ako at nilagay sa ibang puwesto yung phone ko.

Take 2

"Hi, I am Jianné and this is my music partner, Chloe, a great pianist in our school! And today we will going to cover a Day 6 song."

Napapikit ako sa inis nang inaayos palang ni Chloe ang piano niya sa harap ng camera.

"Ano ba iyan? Itutuloy pa ba natin o magpapractice muna tayo bago magrecord?"

"Wala pa naman akong sinasabi na magrecord ka na ng video ngayon. Just give me a few minutes before we both started. Stupid!" napakamot ako sa ulo at binura lahat ng video naming epic fail.

"Hey, Jianné! I know it is time to say good morning! Lumabas ka sa dorm n'yo at ililibre kita ng mainit na soup sa karinderya malapit sa campus!"

Napakagat ako sa labi dahil sa inis na tumawag si Rodn sa cellphone ko habang nagrerecord kami ng video ni Chloe tungkol sa audition.

On Phone

"Bakit ka ba tawag ng tawag?! Marami akong ginagawa ngayon! Can't you just stay away from me?"

"Sige, mamaya na lang huh? If you need a help, call me! Available ako kahit anong oras."

Hinagis ko sa couch ni Chloe yung phone ko.

"Sa cellphone mo nalang tayo magrecord ng video kasi panay ako tinatawagan ni Rodn."

"Kanina pa ako tapos. Tss.., kanina pa kasi kita inaaya na magrecord tapos hindi mo man lang ineexercise yung boses mo."

"Ugh.., kaya mo naman siguro yung solo performance? Kumanta ka tapos magisa ka lang magrerecord, ako na bahalang maglagay ng background music. I would play a keyboard instead."

"Simulan mo na ngayon." napakamot ako sa ulo at hindi maiwasang mahiya sa kanya.

"Bakit ba ganyan ka makatingin?" kabado kong usisa sa kanya.

"Isipin mong audience ako at pinapanood kita in live. Isipin mong maraming tao ang nanonood sa'yo. Gawin mo akong example as an audience." seryoso niyang sinabi iyon at pinikit ko lang ang aking mata para maibsan yung kabang nararamdaman ko ngayon.

Together With YouWhere stories live. Discover now