3.3 Disappointment
"Jianné, tara manood tayo ng spoken poetry sa gym!" masiglang bumaba sa motor si Rodn at kinaladkad niya ako patungo roon.
"Jianné, maiwan ka namin. May secret date pa kayo ni Rodn, madamay pa kami sa harutan n'yo. Bye!" Kinagat ko yung labi ko at sinenyasan ko sila na wag nila akong iwanan kay Rodn.
"Bye, Jianné! Enjoy with Rodn!" masayang kinukutsya ako ng mga kaibigan ko kay Rodn.
"May araw din kayo!"
Nang nakikinig kami ng tula ni Chloe sa harap ay tumigil siya rito at bumaba.
Agad na hinanap ng aking mata ang kanyang katawan ngunit maging anino ay hindi ko makita dahil sa bilis ng kanyang pagkawala. Mas mabilis pa sa kidlat ang pagalis niya.
"Kanina pa natapos yung speech ko sa harap, bali pumalit lang ako bilang temporary back-up. Bakit magkasama na naman kayo?" hinawi niya yung kamay namin ni Rodn sa isa't-isa.
"May vocal lesson ka mamaya. Tara na!" galit niyang hinatak ang braso ko.
"Pwede bang wag kang mangialam? Nakita mong nanonood pa kami ni Jianné ng spoken poetry e!" sabi ni Rodn sabay bawi niya sa akin kay Chloe.
"Kilalanin mo kung sino yung kinakalaban mo ha!" sabay tapon niya ng soft copy ng kanyang I.D.
"Hindi ko alam na may namamagitan na pala sa inyo ni Rodn? Ano bang usapan natin, Ms, Agustin? Baka nalimutan mong may obligasyon ka na kailangan mong gawin."
"Hindi ba, honor ka? Sana man lang kahit doon ay bumawi ka!" binitawan niya ang braso ko at hinaplos iyon ng mabilis dahil sa sakit ng pagkakahawak niya sa akin kanina.
"Heto ba yung hinahanap mo? O ayan binibigay ko na.., sa susunod na makita ko pa kayo ni Rodn na magkasama at naglalandian sa tabi-tabi ay hindi ako magdadalawang isip na patalsikin ka sa University na 'to!"
Lumawak ang ngiti ko dahil sa sobrang tuwa niya sa selos sa amin ni Rodn. At ano ang ibig sabihin niya sa ganon? Does she get jealous over Rodn?
"Hindi mo man lang ako sinabihan na nagseselos ka pala sa kanya. Bakit? Ano bang mayroon sa atin?"
"Do you want me to clarify the things that you don't know yet?" mataray niya akong tinignan at kinagat-kagat ang ngipin.
"Nalaman ko na bagsak ka pala sa dalawa mong minors kaya ginawan ko ng paraan. Pinilit ko yung mga profs mo sa subject na yon na ipasa ka kahit papaano ay nasa listahan ka pa rin ng pinakamatalino sa University."
"I have forgot to told you that we have an agreement. At yung agreement na yon ay gagawin mo para sa ikabubuti ng grades mo rito. Alam ko naman na matagal mo nang pinapangalagaan yang mga grades na iyan e."
——
"Simulan mo sa vowel alphabets. Do the warm-ups para mabuhayan yung boses mo." Umubo-ubo ako. Marahan kong inurong yung high chair at tumabi sa kanya.
"Ayusin mo." napakamot siya sa ulo nang mapiyok ako dahil sa pagtawa.
"Hirap mo namang turuan. Sige lang, magpractice ka sa vowels para makuha mo yung higher notes."
Pinagpatuloy ko ang aking ginawa kahit na mali-mali iyon. Wala naman talaga kasi akong alam sa pagkanta. Kapag naman kumanta ako ay baka pagtawanan niya lang ako.
"Magpractice ka lang dyan. May kukunin lang ako sa labas."
Bahagya akong sumilip at tinignan yung kaharap kong tubig. Palagukin mo naman ako ng tubig, uhaw na uhaw na ako.
"Bakit ka uminom ng malamig na tubig?!" mabilis niyang binawi sa akin yung mineral water na iniinom ka palang ngayon.
"Bakit hindi naman maapektuhan yung boses ko?"
"Kahit na! Hindi ka talaga nagiisip."
Nanlaki ang mga mata ko nang sandaling inumin niya ang iniinom ko.
"Basta magpractice ka. Ikaw yung kakanta at ako na yung bahala sa instrumental. Back-up mo ako sa audition mo." ngumisi siya sa akin at ginulo yung buhok ko.
"Yung sobre na ibibigay mo sa akin, nasaan na?" lumapit ako sa kanya para kapkapan siya.
"Idiot! Wala sa katawan ko yung sobre! Hindi mo pa makukuha yon, kailangan mo munang makabawi sa grades mo. Gaya ng pinangako sa'yo after this long rehearsal, I will give it to you without hesistant."
Muli na naman kaming nagtitigan. Yung tinginan na tila may malalim na kahulugan. Parang ayaw ko na bumitaw sa bitag niyang tingin.
"Ehem... masyado nang malalim ang tinginan n'yo dyan, Chloe, Ms, Agustin. Tara, let's practice for next activities."
Inayos ko yung mga gamit ko pabalik at tinignan ko ulit siya ngunit parang may kakaiba. Ngayon ay hindi niya maalis ang titig sa akin kaya medyo nawirduhan ako.
"Chloe, give us an example. Kumanta ka sa harapan nila. Kayo, sumama rin kayo." sitsit ni Leader Cha sa mga kabanda ni Chloe.
"I don't sing.., my throat can't sing properly. Kailangan ko ng mahabang pahinga para makapagperform since next week na yung concert. Ayoko naman madisqualify sa pangalawang pagkakataon."
"But I try my best to sing kahit autotune."
"No, Chloe. Ipahinga mo nalang yung lalauman mo." Pinigilan siya ni Leader Cha na kumanta sa harap kahit na isang beses.
"Jianné, sumabay ka na sa akin. Ihahatid kita sa inyo."
"Hindi pwede, may dorm siya na tutulugan at hindi sa inyo. Tsaka kaya niya ng umuwi nang hindi ka kasabay." Napapikit ako sa ginawa ni Chloe at pinahanga niya ako sa pagpipigil kay Rodn.
"Tara, sumunod ka sa akin sa parking lot. Ako na ang maghahatid sa'yo. Umuulan tsaka delikado na sa daan."
"Ano ba, Chloe? I have feet and I can walk whenever I go. Tigilan mo na ako. Mas lalo mo lang akong pinahirapan! Isa lang ang hinihingi ko, yon ay yung sobre na kasama ng box sa cellphone ko!" Sa gigil ko ay pinaghahampas ko sa kanya ng shoulder bag ko.
"Umm.., here. I don't have choice so I will give this to you. Enjoy!" lumunok ako ng madiin at maraming beses na pinalipat-lipat ang tingin sa sobre at kay Chloe.
Unti-unti kong binuksan yung maliit na sobre at laking gulat ko na ito pala iyong resulta ng grades.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil matataas ang grades ko sa minors subject.
"Chloe! Chloe! Notice me!" hinabol ko siya.
"Chloe, thank you for this." kumaway-kaway ako sa salamin ng kotse niya.
"Chloe, thank you ulit," hanggang ngayon ay hindi parin niya ako kinikibo.
"Sorry Jianné but the game was over. You made me disappointed just because of your excitement. Thank you by the way! Huwag ka na pumunta sa practice bukas ng hapon, hahanap nalang ako ng magiging kapalit mo." umiling siya ng nakakadismaya.
"Chloe! Chloe!" hinahabol ko pa rin hanggang ngayon.
"Hindi ko naman talaga hilig yung musika e! Ayoko namang maalis ang star sa grades ko! G-gusto ko lang naman makatulong sa magulang ko in this way so please slowly drive."
"Ano ba talagang kailangan mo sa akin, huh?" Muntikan na ako masubsob sa daan nang tumigil siya sa pagmamaneho.
"Hindi kasi ako tinatantanan ng baklang freshman sa kabilang building! Tulungan mo naman akong makatakas sa kanya... ayaw niya akong tigilan!" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Bakit ako pa? Madaming lalaki dyan, Ms. Agustin! Huwag mo akong pagtripan kasi hindi ako nakikipagtrip sa'yo... Hindi ko kayang sakyan mga trip mong nakakatanga."
"Aalis na ako, wala na akong panahon makipagtalo sa kagaya mong makulit!"
YOU ARE READING
Together With You
HumorCharlotta Embeyr Rooseveltun is the one and only daughter who owned by the most famous and expensive private University in their country. She disliked asking even a bit amount of luxuries to her Dad because himself has lack of support and wants her...