TWY .3

19 0 0
                                    

13.3 The Day 6 concert

"Tsk... kagigising ko lang... hindi ako nakatulog ng maayos dahil nagaalala ako sa nangyari sa'yo! Alam mo ba yon, huh?! I'm so worried about you! Sana man lang nagpasama kana sa akin kagabi!" agad akong lumapit sa E.R para kamustahin siya.

"Huwag ka ng magalala, Jianné. Okay na ako... kailangan ko muna magpaggaling kasi next week na yong concert namin. Lahat ng magagaling na kasapi sa banda ay magpeperform next week." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Ayokong ginugulo yung buhok ko ng ganyan kasi madali itong gumulo.

"Ikaw yata yung tanga e! Hindi ka pa pwedeng maglakad. Do you think you can perform while you writhing in pain? Magisip ka, Chloe... nagpalamon ka na talaga sa kasikatan... ako palang ang hindi nastar struck sa'yo! Never in my life... hmm..."

"You, too.. Mapipilay ang banda 'pag walang lead vocalist at ako yon! Sa tingin mo ba pababayaan ko silang iset-up ng sila-sila lang yung ipeperform nila para bukas?! Kasama ang Day 6 doon at kapag pumalpak ang stage performance nila... ako ang mapapahamak... ako ang mapapagalitan... magisip ka, magisip!"

"Haist... kumalma ka nga! Hindi naman ako kumokontra... tsaka ikaw bahala... hindi naman kita pinipilit na magpaggaling e... malay mo may isang himala... kinabukasan ay magaling kana. Ganon..."

"Kaya ka ba nagmamalasakit ay gusto mo ako? Hindi ka naman ganyan dati, a? Nagugustuhan mo na ba ako, Jianné? Isang oo o hindi man ang isagot mo, parehas lang yong masakit."

"Anong ibig sabihin non?" kumunot ang aking noo.

"Kapag oo ang sinagot mo sa akin, pwedeng nahulog ka sa akin pero hindi totoo ang feelings na yon, just kind of infatuated feelings o kung hindi naman ay pwedeng nahulog ka sa akin pero takot kang subukan. Pareho lang naman na masakit yan, kasi may mga pagpipilian na hindi mo agad mapipili."

"Haist... pareho tayong babae, Chloe... labag ito sa batas ng Panginoon at ng tao. Natatakot akong mahusgahan at yung Papa mo, hindi siya agree sa magiging relasyon natin.

"Pero mahal kita! Mahal kita, Jianné... kaya kong lumuhod sa langit para lang patawarin ng Diyos at hilingin ko sa kanya na sana ikaw na ang para sa akin. Hindi ako paladasaling tao, Jianné pero araw-araw kitang pinagdasal sa kanya na sana maging akin kana."

Natahimik ang kabuuan ng E.R nang tinignan ako ni Chloe na may panghihinayang sa sarili.

"Just claim it, Jianné... suportahan mo ang Day 6 mamaya. Alam kong pagkakataon mo na ito para makita sila. Magpapahinga nalang muna ako gaya ng inutos mo sa akin."

"Hindi magiging masaya ang concert kung hindi kita makikita doon!"

"Jianné, listen... kailangan kong makabawi... hindi ko hahayaan na maging malungkot ka sa araw na 'to. Okay? I promised to you that I will make up with it."nawala ang inis at galit ko sa kanya nang hawakan niya ang pisngi ko.

————

Naglakad lang akong bumalik sa campus kasi malapit lang naman ang distansya niyon sa ospital.

"Hey, Jianné!" masayang bati sa akin ni Devyn at mahigpit ko siyang niyakap.

"Oh my Lord! When did you came back? Nagulat ako sa biglang pagdating mo! Mahigit isang buwan ka ring nawala!"

Hindi maipaliwanag ang sayang naramdaman ko nang makita kong muli si Devyn na nagbabalik sa aming buhay.

"Syempre... tinago ko sa inyo ang pagbabalik ko." masayang binalita ni Devyn ang kanyang pagbabalik.

"Mas masaya sana kung hindi ka nalang bumalik pa." napatingin ako sa nagsalita. Tabitha is murmuring in corner.

"Ano ka ba naman, Tabitha! Namiss mo na naman ako and which pasalubong do you want? May mga dala ako rito!"

Together With YouWhere stories live. Discover now