TWY VII

16 1 0
                                    

7. Don't please everyone

"Ms, Agustin! Ano ba? Bakit lumilipad na naman ang isip mo?" Galit na hinampas ni Mrs, Manalatao ang desk ko at sinamaan siya ng tingin.

"I'll be quit as a top notcher." tumayo ako at kinuha ko ang mga gamit ko.

"I'm sorry." umalis ako sa room ko.

Napansin ako nila Tabitha at Liza. Ramdam kong nakasunod sila sa akin at napailing lang ako sa ginawa nila.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Jianné?!" pinigilan ako ni Liza sa paglalakad.

"Bakit hindi n'yo alam ang nangyayari sa akin? Akala ko ba naman mga tunay kayo... pero kayo din naman ang nanghila sa akin pababa..."

"Simula nang nakilala mo si Chloe, wala ka ng ibang ginawa kung hindi ang lumapit at makipagusap sa kanya. Nawawalan ka na ng time sa amin dapat sana naisip mo yon."

"Sana naisip mo rin na hindi ko ginusto ang nangyari! Ano bang ambag n'yo sa buhay ko? At kung makapagsalita kayo ng ganyan sa akin akala n'yo.., may ipinagmamalaki kayo! And what do you all think, I had a huge time for myself? Hindi n'yo ba alam na hirap na hirap na rin akong magaral at umintindi sa lahat ng bagay!?"

"Haist... tama na iyan... nagkakainitan na kayong dalawa dyan." Agad kaming inawat ni Undro at binitawan ko ang pagkakahawak niya sa laylayan ng damit ko.

"Lumayo na kayo sa akin."masama ang tingin ko sa kanilang apat.

———

"Hindi mo naman kailangang uminom para matanggal yung sakit na nararamdaman mo ngayon. Tandaan mo, hindi alak ang solusyon sa napakaraming problema."

"Paano mo nasabing hindi solusyon ang alak? Tsaka kaya ko ito ginagawa ay dahil gusto kong tulungan ang sarili kong makagaan."

"Tama na iyan..., hindi alak ang solusyon sa problemang iyan." Isang babae ang umagaw ng atensyon ko at doon ay bumagal ang pagikot ng mundo ko.

Nang makita ko siya ay tila nawala ang pangamba at galit sa puso ko. Biglang bumabait ang pagkatao ko. Isa lang ang nakakapagpagaan ng loob ko kung hindi siya...

"O, Chloe? Sinamahan ko lang siya kasi mukhang wala siyang makampihan." tumango lang siya at umalis na rin si Undro nang pagsabihan niya ito.

"Bakit ginagawa mong katatawanan ang sarili mo, huh? Tignan mo itsura mo! Hindi na ikaw yung dating Jianné na nakilala ko! And when did you start teaching yourself by drinking liquors? Sa tingin mo gawain ng mabuting estyudante iyan? Ng honor iyan, huh?" Sa galit niya ay naibato niya sa pader yung wine glass na hawak-hawak ko kanina lang.

"Hindi kita maintindihan, Jianné... bakit kailangan mong maglasing nang dahil lang sa akin? Wala namang problema sa grades mo pero dyan..." tinuro-turo niya ang dibdib ko nang madiin. "Meron!" naiiyak niyang saad.

"Kung mahal mo nga talaga yung sarili mo, hindi mo hahayaang maging miserable ang buhay mo! Para sa magulang mong naghihirap...," binato niya ang Cuervo na iinumin ko pa lang.

"At sa mga taong sinira mo ang kanilang tiwala!" hinagis niya sa pader lahat ng boteng naubos ko. Ngumisi ako at napayuko, hindi ko ninais na magkaroon ng luha sa mga mata ko ngunit kusa itong bumagsak.

"Are you happy?" ngumiti ako at tumango-tango.

"Ngayon ko napagtanto ang lahat. Ang lahat ng kakulangan sa akin at mga miscontentment ko sa buhay... alam mo kung naging kuntento lang ako sa buhay na mayroon ako, hindi sana ako naguguluhan ng ganito..."

"Kahit ilang beses kong ipukpok ang
boteng ito sa ulo ko ay hindi na magbabago ang tingin mo sa akin, Chloe. Mananatili parin akong mangagamit sa utak mo. But always remember even I did something wrong to you, I would be stay humble and genius... like what I promised to you... hindi ko pinapabayaan ang pagaaral ko."

"Alam mo sa tuwing kasama ko yung mga kaibigan ko, hindi ko maiwasang hindi magtanong at magkwento ng tungkol sa'yo. Ikaw ang palaging bukambibig ko."

"Walang araw na hindi kita iniisip, iniintindi at higit sa lahat, kinakausap sa bawat panaginip na nagdaan."

Suminghal ako at pinigilan ang luhang hindi kayang magtago."Ikaw? Ganon ka rin ba sa akin?"

"Tama na iyan... iuuwi na kita kay Devyn... kailangan mong ipahinga ang utak mo dahil kung anu-ano ang naiisip mo." hinihila niya ako ngunit hindi ako sumasama.

"Paano kung ikaw lang ang laman ng isip ko? Pipigilan mo pa ba akong isipin ka?" pareho kaming natahimik. Ni isa sa amin ay walang gustong dumugtong sa huling usap.

"Jianné... you need to rest... kung ayaw mo kay Devyn makitulog... kahit galit ako sa'yo ay sasamahan kitang matulog sa beerhouse na 'to.. I want to protect someone who most important in my life..." hinawakan niya ang mukha ko at kinurot.

"Aray!" ngumiti ako imbes na magalit sa kanya.

"Ito lang ang laging mong tatandaan... kahit hindi tayo magkabati ay palagi kang nandito." hinawakan at nilapit niya ang kamay ko malapit sa parte ng puso niya.

"Promise?"

"Kahit ilang beses mo akong itaboy at saktan ay hindi ko magagawang lumayo sa'yo... palagi kitang susundan... poprotektahan at aalagaan. I will do my best just to making you happy again..."

"Isa lang sana ang hiling ko, Jianné. Can you change yourself better than now? Kung malala na ang problema, dadamayan kita... sasamahan kita sa lahat. Basta magbago ka para sa akin, please?"

"I am sorry but I can't change it."

"But you can... I am here. I'm here to help you and I will risking my life just for you.. I want you to change, just do it for me, please, Jiannè?"

"Ikaw na nakaubos ng tagay ko."

"Ano naman? Tsaka hindi mo naman na kayang uminom ng matatapang na alak kaya ako na ang umubos." At tumingin ako ulit sa kanyang namumulang mukha at mapupungay na mata.

"Support me tommorow?" She raising her eyebrows.

"Madami akong gagawin bukas tsaka hindi kita masasamahan sa library bukas. Sorry..."

"Ano bang mga gagawin mo bukas? Handa akong tumulong.., kung nahihirapan ka, magpatulong ka sa akin. I can do all of it.., trust me."

"Pero kapag sinabi kong layuan mo na ako then you are willing to do it for me? ngumiti siya at pumikit-pikit.

"No, I won't do that. Hindi ko na hahayaang pang mawala yung taong pinakawalan ko sa sarili kong bitag."

"Ganito nalang, magiging stranger na lang ako sa paligid mo para hindi ka mailang sa akin. Tsaka mo na ulit ako sabihan kung ready ka ng kausapin ako. I'm not biting people, just feel to approach me if you can't do something. Okay?"

Inalalayan niya akong maglakad patungong parking lot.

"May sama ka pa ng loob kay Devyn?" umiling lang ako.

Katabi ko ngayon si Chloe sa front seat. Kahit lasing na ako ay pinipilit ko parin magpanggap na normal. I don't want anyone to see my weakness. Iyon ang kahinaan ko...

"Try to make-up with them but somehow you still their friends. Huwag mong ipagpalit ang mga kaibigan mo sa ibang bagay dahil lang sa nagkaroon ka ng problema. Aware naman siguro si Undro dyan dahil siya lang ang kilala kong understanding sa inyong lahat..."

"Ayoko munang makipagbati sa kanila. I want to be alone.., I want to make these things better. I will take off now to rest well." bumaba ako sa kotse ni Chloe.

"Haist... I would try to make you guys truly fine—"

"Huwag na." hinawakan ko ang balikat niya at pumikit.

Together With YouWhere stories live. Discover now