Chapter 32

71 5 3
                                    

Reminders!!!

I want to remind you, if you'll reading this, please come to this first part, para po hindi kayo malito dahil nasa kalagitnaan na po ito ng aking storya. You can check it to my first account @ateSimoun balak kong ituloy dito ang aking nasimulan kaya naman nanghihinayang ako ng nahacked ang account na 'yan uulit na naman po ako sa umpisa dahil lahat draft ko ay hindi ko mareremind sa utak ko.

And I' m just making a way to finish my second book at ito lang ang naiisip ko. And hope you'll support it! Lovelots<3

=======

Sa isang selda ay tanging sinag lang ng buwan ang nagpapaliwanag sa kadiliman, napangisi si Kimsoo ng naramdaman niyang may pumasok sa kaniyang pagkakakulong, ito ay isang uwak na tumagos mula sa bintana ng kaniyang selda.

"Ano ang nais ipabalita ng iyong reyna? Itim na uwak."

"Bukas ng gabi *cawing* tiniyak ng reyna na makakatakas ka mula rito *cawing* at humahanga siya sa taglay mong katalinuhan dahil mabilis ka agad na nakakaisip ng plano *cawing*."

Natawa na lang si Kimsoo sa kaniyang isipan, alam niyang dapat lang siyang pagkatiwalaan ng hangal na reyna at lahat ng mga pinaplano niya ay naayon sa kagustuhan niya.

Siya lang ang pwedeng kumuha ng trono. Siya lang ang magiging hari, hindi ang prinsipe, hindi ang prinsesa. Siya lang ang dapat ang mag-suot ng korona at wala ng iba.

Sa kagustuhan niyang makuha ang korona 'yon ay tama lang na manipulahin niya ang lahat. At sa tulong na rin ni Erlina na naging kasangkapan niya para malaman ang mga pasikot-sikot sa palasyo at' dun niya nalaman kung nasaan rin ang librong maari niyang magamit.

Ang lihim ng palasyo.

Madali rin naisagawa ang plano niyang gawing pain ito para matuon ang pansin ng mga mandirigma rito ng sa gayon ay maayos siyang nakakakilos ng hindi siya pinaghihinalaan.

Naalala niya kung paano sisihin ni Erlina ang hari sa pagkamatay ng ina nito, kung alam lang nito ang mga nangyari ay malamang hindi niya ito mapapaikot sa kaniyang mga kamay.

Matagal na panahon na rin ang lumipas ng kitilin niya ang buhay ng ina nito. At sariwa pa sa kaniyang alala ang nangyari noon ng isang gabi.

"Hulihin niyo ang babaeng 'yon at kitilin na agad ang kaniyang buhay." saad ni Kimsoo mula sa kawal.

Narito sila sa chamber kung saan ang nagsisilbing opisina niya.

Nagkatinginan ang kawal, "Pero, ginoo... Ang utos ng hari ay hulihin lang siya at hindi papaslangin."

Napatitig siya sa mga kawal, "Hahayaan niyo bang makuha sa mabuti nating hari ang korona? Hahayaan niyo pa bang mabuhay ang mga katulad nilang manghamak sa hari?!"

Umiling ang mga kawal.

"Kung ganoon. Ako na ang bahalang mag-sabi sa hari ng tungkol rito, may tiwala sa akin ang hari kaya naman maiintindihan niya ang mga desisyon ko."

"Ginoo... Ang hari na nagsabi na hulihin lang ito. Gusto niyang makita ang babaeng nagtangka sa korona."

Masamang siyang tumingin sa kawal.

"Ayaw niyo bang sundin ang utos ko? Ang hari na ang nagsabi sa akin na patayin ang kailangang patayin. Gusto niyo bang isuplong ko kayo para mapatalsik kayo sa gawain ninyo."

Agad naman natigilan ang kawal at mabilis na umiling.

"Patawad, ginoo. Susundin namin ang utos mo ngayon din."

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon