Unang Kagat - Unang Sipsip

2.3K 132 139
                                    

Uy, si Bambu 'to.

Simple lang naman ang gusto ko...

Iyon ay ang makahuli ng pokemong at hindi ang ubusin ang oras ko sa paghahagilap sa packing packer na babae na bumungal sa 'king pangil.

At ngayong nakita ko na siya, humanda talaga siya sa 'kin dahil 'pag ako nagalit, Daedelus niya lang ang walang latay!

Pero paano ba ako humantong sa gan'to, dare diary? Alam mo ba dare diary kung bakit? Syempre hindi, pangod ka, e!

OG-OG-OG-OG-OG---OG! *gan'yan ang tawa naming mga bampira*

Gan'to kasi, 'yan...

Naglalaro kami ng bareback ko ng Pokemonggo, games 'yon sa cellphone tapos manghuhuli ka ng Pokemong. Mas maraming mahuli, mas happy.

E, akong si tanga, nawile ako masyado. Gan'to nangyare...

"Bareback," sabi kong gan'yan. Nando'n kami no'n sa pamilihan, doon kami no'n. Inutusan kasi si Bareback ng Anal niya na mamalengke. Edi kaming dalawa, tuwang-tuwa kasi makakagala kami and at the same time makakapaghagilap ng Pokemonggo.

Eto na ngayon, dare diary, ang packing packer kong kaibigan... umarya ang kagaguhan... namin pala.

Napakaraming tao sa pamilihang gan'yan . . . lakad . . . shopping . . . tamang piga sa mga gulay hanggang malamog . . . may nakikita pa ako tamang dukwit lang ng kamatis sabay silid sa bayong . . . ampucking Alma OGOGOGOG.

"Bareback," tawag niya sa 'kin pero hindi nagsasalita.

Nag-uusap lang kami sa isip but with facial expressions.

"O, bakit, bareback?" ika kong gan'yan, napataas-baba ang kilay ko.

Alam mo kasi Dare Diary, kung nagtataka ka kung bakit hindi kami nagsasalita is because iyon ang nakasanayan namin. Dito sa pamilihan or also known as Marketity, may batas.

BAWAL MAG-INGAY O BAWAL MAG-INGAY . . . PERO 'PAG SINABING 'PAG . . . NAG-COMPLY KA . . . NA BAWAL MAG-INGAY . . . AT MAY GINAWA KA . . . SA IPINAGBABAWAL NILA . . . *dugs* *tugs* bugsh* . . . INAYOS MO . . . 'YONG LAW NG KAHARIAN N'YO . . . AT ISINUBMIT MO ULIT . . .

AY, 'DI PA RIN PALA PWEDENG MAG-INGAY?

OGOG 'di ba? Basta bawal, mag-ingay kapag namamalengke. Hindi katulad sa mundo ng people,

"Ang haba ng pila... baka maubusan tayo ng karne, a... nag-ke-crave pa naman si Alpha sa tocino," sabing gan'yan ni Kapon.

Medyo nagbagal pa 'yong process sa brain ko kasi medyo na-delay 'yong pag-transfer at may dumaang bangaw sa harapan namin ni Kapon.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, s'yempre ampucking Alma, naguguluhan din ako sa sinabi niya.

"Ang ibig kong sabihin, ikaw ang pumila at maghahanap ako ng Pokemong sa Umbok." Nanlaki 'yong mata ko dare diary. Pa'no 'yong laki? Nakalimutan ko na basta mas malaki pa sa COCKroach ko.

Shookt ako, e! Umalis siya sa pila. Hala, bawal na siya bumalik 'pag gano'n! Ampucking Alma, ano na naman 'tong binabalak niya?

"Ano? Iiwanan mo na naman ako rito sa Marketity?" tanong ko. Lagi niya kasing ginagawa 'yan at ito na naman si packing packer, gagawin na naman.

"Oo, pumila ka muna riyan... kung dalawa tayong aalis, mauubos ang tocino. Kung nakapila ka riyan, hindi. O, 'di ba? Isipin mo 'yon?" At ako naman napaisip talaga nang sabihin n'ya sa 'kin 'yon.

"Ang daya mo naman, Kapon! Sabi mo sabay tayo manghuhuli ng Pokemong!" sabi ko nang maisahan niya na naman ako. Wala na, e... nakapila na ako.

Napatakip pa siya sa tainga, nabingi yata. Napalakas kasi 'yong sigaw ng utak ko. Gan'to ang hirap kapag sa isip lang nag-uusap, kung sino ang ang mahina ang pag-iisip, siya ang sasakit ang isip.

Kahit isip sa isip nag-uusap, tainga pa rin ang nakakarinig. Mas malakas kasi utak ko kaya, mas malakas ang boses ng utak ko kaysa sa kanya.

Hindi pa niya kayang pasigawin ang utak niya, hindi kasi uma-attend ng pagsasanay si packing packer. Mas inaatupag pa niyang mag-Cockroaching sa kubeta!

Pero pa'no na 'to? Umalis siya sa pila.

Kung sa classroom may batas, sa Kastilyo may batas din. Kung sino ang nasa pila, siya ang bibili. E, parehas kaming nasa pila tapos biglang umalis si Kampon, ako naiwan sa pila.

"'Wag kang mag-alala, 'pag nakabili ka... chat mo 'ko, babalikan kita... marami ka na naman nang nahuli na Pokemong, 'di ba?" sabi niya pa at giging-gigi nang umalis.

"Bigyan mo 'ko, Pokemong ha? Bigyan mo 'ko, packing packer ka!" sabi ko tapos ngumiti ako nang labas ang pangil.

"Sure, Bambu! Gano'n naman dapat talaga ang magkaibigan, nagbibigayan." Ngumiti rin siya at nakita ko ang pangil niya, packing packer may malunggay!

"Yes, bareback!" sabi ko at hindi ko maiwasang ma-bother sa nakita kong tinga sa ngipin niya. Dugyot, ampucking Alma!

"Sige, bareback. Galingan mo pumila d'yan, a!"

So, ayon naiwan ako sa pila hanggang sa makabili na ako ng tocino. Nakakaawa lang kasi lamog-lamog na 'yong na napunta sa 'kin. Packing packer na mga bampira 'yan, nilalamog 'yong paninda! Bakit kasi sa dulo pa ako napunta no'n.

Hindi naman ako maoobliga kung hindi lang kami mapaparusahan, e. Kapag hindi kami nakabili kasi lagot kami sa Alpha ni Kapon. Ang papa ni Kapon kasi ang Kapitan naming mga Bagsak. May karapatan siyang magparusa sa mga nasasakupan niya at kami ang madalas niyang pag-initan dahil sakit kami sa ulo sa Barangay Bagsak.

Kaya rin kami inutusan ngayon dahil may nagawa na naman kaming kasalanan. Nailaglag namin ang sagradong batingaw. Kami kasi ni Kapon ang nakatoka sa paghampas sa Sagradong Batingaw, e, nag-inuman kami ni Kapon kagabi. Grabe, walwal kami hige . . . tapos a 'yon . . .

Alas syete nang umaga nagising ang mga Bagsak na Bampira.

Alas syete na rin kasi kami nagising ni Carlos, may hang-over pa kami no'n sa The Bar Pink kaya imbis na ang batingaw ang mahampas naming dalawa, dalawa kasi dapat hahampas do'n, sa harap at likod para umalingawngaw talaga . . . so 'yon nga hano.

Bumilang pa kami ni Ampucking Almang Kapon, e, parang pangod OGOGOGOG.

"Hana-Dalawa, Sam-Four, Cinco-Muttsu!" Nagbilang kaming gan'yan...

Gan'to pronunciation n'yan, (Han'Dalwa, Sam'for, Cinco'Muttsu!) 'Yong accent naman, 'yong mga stretch marks, syllabus, pitch-toner, 'yong mga falling-racing intonations, demonitions and connotations, kaming bampira lang nakakagawa no'n. Kami lang, okay?

Edi ayon nagbilang kami hano? No'ng pangatlo na ampucking Alma, iyong panghampas ay tumama sa sabitan ng Sagradong Batingaw.

Napigtas 'yong kadenang tali na kinakalawang na rin naman.

Sadyang marupok na talaga gaya ng nagbabasa.

Bumagsak ang batingaw at umugong...

"GUNG . . . GONG . . . GUNG . . . GONG . . ." ikang gan'yan ng batingaw. Ang galing ano? Bumagsak kasi OGOGOG kaya tumunog. Lumagapak sa lupa.

Edi pagkabigla'y nagising ang mga natutulog na bagsak na Bampira.

Ay, e, roon na nila nalamang alas syete nang umaga na pala, pagkatingin nila sa cellphone nilang gano'n...

'Yong mga mukha nila, parang ano . . . gan'to . . . "puckingpakeningpapapakshet na-late ako ng gising ampucking Alma bakit nangyari ito? Kasalanan 'to ng nakatalaga sa batingaw"

Ayan, gan'yan . . .

May mga cellphone naman kasi ang mga hangal, bakit hindi na lang mag-alarm? Sobrang wirdo!

A, iyon, doon na rin pumasok sa eksena ang Kapitan ng Barangay Bagsak, ang tatay ni Kapon . . .

Pinarusahan kami ngayon matapos ang sangkaterbang panenermon at masasakit na mga wordings . . .

Ang masaklap . . .

Ang parusa ay . . .

(Oops, naubusan ng tinta! Lipat na sa sunod na pahina! 'Wag mo nang patagalin, ampucking Alma ka!)

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon