Ikasampung Kagat - Ikatlong Sipsip

107 21 38
                                    

"Hindi wala, kundi nawala…" sagot ni Kapon, may kasiguraduhan, "Hindi wala tayong nararamdaman na galit dahil naramdaman natin 'yon kanina pero . . . kaagad ring nawala."

Napaisip ako't napatigil hanggang sa mahanap ko ang pagsang-ayon ko."Sa palagay ko tama ka… may mali talaga sa mga nangyayari…"

Hindi siya umimik at naramdaman ko lang na tumingin siya sa 'kin.

"Pero lalaban pa rin tayo hanggang kamatayan," dagdag ko pa.

"Hanggang kamatayan," aniya.

"Tara na…" Pagkasabi'y inunahan ko na siyang maglakad. Makalipas ang ilang saglit na hindi na inabot pa ng katagalan ay nakabalik na kami sa labas ng Porshugality pero nang akmang papasok na kami ay mayroon akong naalala.

"Ay, saglit… teka lang…" habol sa 'kin ni Kapon sa biglaan kong pagtalikod at paglalakad pabalik.

Tiningnan ko lang siya at nang kikibuin ay nagsalita siyang muli. "O, bakit sa'n ka pupunta? Akala ko ba lalaban tayo hanggang kamatayan?"

"Ano kasi…" sabi ko at bago ko pa matapos ay sumapna na naman siya ulit.

"Ano, naduwag ka? Bambu naman, e…" sabi niya't napapadyak pa sa lupa.

"Dito ka lang, Kapon… may pupuntahan lang ako saglit…" saad ko kasunod nang pag-alis ng kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko.

"Hay, maghihintay na naman… lagi na lang akong naghihintay." Makikita sa kanyang mukha ang kawalan nang pagpayag sa sinabi ko.

"'Wag ka nga!" Bahagya ko siyang tinulak sa balikat, "Nakukuha mo pang guman'yan, nasa kapahamakan na nga ang kaharian."

"Sige na, umalis ka na. Iwan mo na 'ko." Tumango na siya na para bang pinapaalis na ako.

"Babalik ako, Kapon…" sabi ko at hinaplos siya sa ulo.

"K."

Attitude ampota. Tumalikod na ako at tumakbo nang mabilis pa sa nagmamadaling tipaklong.

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa hindi ko namalayang narating ko na pala ang lugar na pupuntahan ko. Naglakad ako hanggang sa makarating sa harapan ng bakod at doon ay natanaw ko siya.

"Whooh!" sigaw ni Ivana Marawi nang itaas niya ang baso na puno ng alak at yelo habang ako naman ay nanatili lang sa kinatatayuan ko.

"Cheers!" sambit nilang tatlo at nagkanya-kanya na silang lagok sa mga alak sa baso nila. Natatandaan ko ang dalawang kasama niyang iyon dahil iyon ang nakita kong kasama niya noon nang makita ko sila sa MOA.

"Potaena, sige tagay pa!" sabing muli ni Ivanang mukhang may tama na, "Taena, inom lang! Sige, potaenang puso 'to! Sana suso ko na lang ang tumibok, hindi ang puso ko!"

"Ano 'yon?" angal ni Haponita, "Kung suso mo ang tumibok, hindi love ang naramdaman mo no'n!"

"Ano pala?" tanong ni Ivana bago isumpak ang sinalok na pulutan sa mangkok.

"UTOG!" sigaw ni Haponita kaya naman ang nginunguyang pulutan ni Ivana ay naibuga nito sa kanyang mukha at doon ko napagtantong papaitang kambing pala ang kanilang pulutan. Mukhang kinatay ni Ivana ang alaga niyang kambing na kinakausap noong paalis ako at iyon ang pinanghanda saka ginawang pulutan sa kaarawan ng Alma Kalma niya.

Matagal ko ring inisip kung bakit maraming palamuting nakasabit sa bahay nila. Mayroong mga lobo at tarpaulin pa kung saan nakapaskil ang mukha ni Kalma and then may nakasulat doon na "Happy Birthday" saka ko lang naalala na dalawang araw na pala ang nakalilipas muna nang umalis ako't bumalik sa aming kaharian.

"Whooh! Taena, inom pa! Taena, Haponita lumalabas totoong kulay mo 'pag lasing ka!" sigaw ni Ivana at muntik na 'kong matawa sa panlalait niya sa kaibigan.

"Whooh! Nandidilim ang paningin ko sa 'yo, Haponita!" sigaw pa ni Pipoy hanggang sa napikon na si Haponita't binanatan ang katabi.

"Whooh! Naninikip ang ilong ko sa 'yo, Pipoy!" sabing gan'yan ni Haponita sabay tingin kay Ivana.

"BWAHAHAHAHAHA!" Nagtawanan silang dalawa at si Pipoy ay natahimik lang. Ibig kong makitawa pero pinigilan ko ang sarili ko.

So, I just laughed mentally.

After the legitimate laughters, biglang natulala si Ivana at napaawit sa kawalan.

"Sa lahat ng iba, bakit siya pa . . . ?" himig niya at medyo may tono naman.

"Ooh!" gulat na ani Haponita, "Bigla ka namang napakanta?"

"Bigla mo namang inawit ang theme song sa Ikaanim Na Utos?" sabing gan'yan naman ni Pipoy, napatingin kay Haponita at ibinalik nila ang tingin kay Ivana saka tinawanan ang hitsura nito.

"Sino ka d'yan, 'te? Si Georgia, na iniwan ni Rome?" tanong ni Haponita'ng hindi pa humuhupa sa paghalakhak.

Sumagot si Ivana, "Ako si Emma na first love niya pero ipinagpalit kay Georgia . . . sa bago niya."

"Awww!" sabay na sabi nina Haponita at Pipoy na parang naaawa sa kaibigan.

Parang lang, ha? 'Di ako sure.

"Sinong Emma?" tanong ni Haponita. Ampucking Alma, akala ko naman kilala niya. Well, ako kasi kilala ko 'yon… sinusubaybayan ko 'yon sa YouTube kasi.

"Watson?" sagot ni Pipoy na patanong din sapagkat hindi rin sure. Mga Kapamilya ba itong dalawa na 'to?

"Emma… Moreno?" sabi pa ni Haponita at nagpipigil nang tawa.

"Emma na anak ni Aling Unsyang na bente-kwatro ang anak, 'yong taga-kabilang purok na wala pang isang taon, e may bagong anak na naman. HAPPY?" sabing gan'yan ni Ivana, mabilis na nagsasatsat saka tiningnan ang dalawang kaharap sa inuman.

"Whooh! Yes . . . ! Happy . . . ! Happy kami, e, ikaw?" pang-aasar ni Pipoy.

"Teka, nasa'n pala si Bai?" biglang singit ni Haponita sa usapan na malayo sa kanilang paksa.

"Ay, naku! Hindi ko ininvite 'yong impakta na 'yon… plastikada…" sabing gan'yan ni Ivana. Plastik pala si Bai. Napatango ako sa nalaman.

"Sus! Nakikipagplastikan ka naman?" sabi ni Haponita saka tumawa.

"S'yempre, may pwesto siya sa palengke, e… kailangan ko 'yon para makapagbenta ng paninda…" sagot ni Ivana Marawi. A, kaya pala sila friends dahil do'n.

"Alam mo manggagamit ka, kaya ka iniiwan, e!" pang-aasar ni Pipoy kaya naman binalibag siya ni Ivana Marawi ng tipak ng yelo sa mukha.

At sa pagkakataong iyon ay doon na ako nakapagdesisyon. Ang mga tanong ko sa sarili kong dapat na ba akong lumapit at kausapin siya ay nagkaroon nang kasagutang tapos.

Naglakad ako't pumasok sa kanilang bakuran at nagtungo ako sa lamesa kung saan sila nag-iinuman. Nakaupo pa sila sa upuang kahoy at ipinagpapatuloy ang pag-ikot ng tagay.

Umubo ako para kuhanin ang atensyon nila.

"UBO! UBO! UBO!" sabi kong gan'yan.

"Oh my gosh!" bulalas ni Ivana Marawi nang mapalingon sa 'kin.

"Oh my gosh! (2)," sabi naman ni Haponita na hinigitan pa ang reaksyon ni Ivana.

"Oh my gosh! (3)," sabi ni Pipoy na nakigaya na lang din sa uso.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon