Unang Kagat - Ikatlong Sipsip

637 68 66
                                    

Oo nga, 'eto na nga! Bugak, 'eto may tinta na ulit ang pakpak ng uwak.

So, a 'yon . . .

Ipapakain kasi namin ito sa mga baboy ramo. Well, kaming mga bampira, I mean, naghahayupan kaming mga good vampires, kaming mga Kastila ay hindi kumakain ng mga tao. Hindi kami katulad ng mga bad vampires, ng mga Basura, kumakain sila ng mga taong inosente.

Inosente tulad nitong nagbabasa.

Kaming mga Kastila, naghahayupan kami; nag-aalaga ng mga kambing, baka, baboy at iba pa. Ito namang bampirang piranha na ito ang mabisa naming pampataba sa mga baboy ramo. Paborito nila itong kainin para bilis laki, nipis taba, BP! Bilis kita!

BP not BLACKPINK. BP as in Bampirang Piranha.

After manghuli ng mga panahong 'yon, inipon namin ang mga nahuli naming isda at umuwi na kami pabalik sa Barangay Bagsak kasama no'ng tatlong bampira na mga tanod at si Kapitan na Alpha ni Kapon.

Pinakain namin ang mga alagang biik na baboy ramo sa kanilang kulungan nitong mga nahuli naming piranha. Wala pang sampung minuto ay nadagdagan ang timbang nila, lumaki at tumaba na.

Natuwa ang Kapitan at sa sobrang tuwa niya ay ito, kami ay kanyang inutusan pa. Bumili raw kami ng tocino sa Marketity na iuulam daw niya.

At ito nga nakabili na ako.

Ang pinoproblema ko lang ay kung nasaan na ba ang Bampirang 'yon?

Noong mga panahon na 'yon ay paulit-ulit ko siyang tinatawagan pero hindi niya pini-pick-up ang calls.

“Nasa'n kaya napadpad ang Kapon na 'yon?” tanong ko sa sarili ko at nagsimula na akong umalis sa Marketity.

“Nalintikan na ampucking Alma!” sigaw ko.

Pa'no, e, nakarating na ako sa gubat, wala pa siya. 'Di ko na alam kung saang lupalop pa siya hahanapin. Naglaro muna ako ng Pokemong Go habang hinahanap siya, para sulit ang paghahanap, 'di ba? It's a win-win situation. Wow na wow, win na win, daig pa si Kuya Wel.

“Hmm . . . wala pa ring Pokemong . . ."

Patuloy ako sa paghahanap ng Pokemong sa cellphone ko hanggang sa . . .

"Pokemong Malaki!" bulalas ko nang makita ang isang babaeng umaakyat sa punong Yakal.

Nang sumigaw ako ay napabitiw siya sa pagkakakapit sa trunk ng tree and she fell, so bad.

"Yeeha!" Napatakbo 'ko papunta sa Pokemong Malaki, kailangan kong samantalahin ang panghihina niya at pagkuromba sa lupa. Nasaktan siya sa pagbagsak niya, nakakaawa naman.

"Pokemong Ball Ball!" sigaw ko nang makahanap ng tamang pwesto kung saan nakapwesto siya sa gitnang-gitna ng screen ng phone ko para sure na daleng-dale.

Lumabas na ang Pokemong Ball Ball.

"Pokemonggo!" sigaw kong gan'yan edi ire ngayong bola ay dapat huhuliin ang Pokemong, ano?

Wala . . . hindi nag-work parang kayo ng jowa mo.

Ano, Dare Diary? Ang ginawa ko sumigaw ako ulit . . .

"Pokemonggo!" Pero hindi pa rin gumana.

Naisip ko no'n,  bakit kaya? Hindi kaya siya Pokémong?

"Aray…" daing niyang gan'yan at nang bumiling siya ay nakita ko ang mukha niyang nasasaktan.

Naawa ako sa Pokémong Malaki, ibinulsa ko ang cellphone at lumuhod sa lupa para tulungan siya.

"Ayos ka lang ba, Pokémong Malaki?" tanong ko pero sinampal niya ako.

"Bastos!" ika niyang gan'yan, galet na galet kung manaket.

"Hala! Nananampal pala ang Pokémong?" I said while naka-face palms.

"Oo at nanununtok din!" sabi niya pang gan'yan tapos sinakyan niya 'ko sa balikat, edi naipit 'yong mukha ko sa pagitan ng kanyang mga hita.

Ooh, I can smell her Pepperoni!

Nakatikim ako ng isang malakas na "Wapak" sa 'king bunganga, "Waboogsh" sa 'king panga at isang malakas na hambalos "Blagsh!" eka sa aking batok na ikinasanhi ng aking pagkatulog.

Nandilim ang paligid.

Nawalan ako ng malay.

Nawalan ako ng pangil.

"AAAAH!" sigaw kong gan'yan nang magising. Pagtingin ko kasi sa cellphone ko, facial gesture kasi ang password no'n. Hindi niya ma-recognize ang mukha ko dahil walang pangil.

Hindi ko na nabuksan ang cellphone ko.

Iyon lang ang ginawa kong password, e . . . nakita ko sa reflection ng cellphone ko wala na ang dalawang pangil ko na naging sanhi ng pagkawala ng ibang lakas ko.

Ano bang nangyari?

Bakit? Dapit-hapon ako nagpunta sa gubat para hanapin si Kapon kaso . . . naalala ko na! Ang babaeng iyon ang salarin pero,

"AAAAH!" sigaw ko dahil pasikat na ang araw. "HOMYGHAD, BAKA MASUNOG AKO! KAILANGAN KO MAG-SUNBLOCK!"

Nagtatakbo ako hanggang makapasok sa Porshugality.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong angilan ng Bantay ng Porshugality . . .

"RAWR!" sabi niyang gan'yan at parang gusto niya akong lapain.

"Luh? Parang pangod! Ako lang 'to…" sabi ko habang dumidistansiya dahil anumang oras ay maaari niya 'kong dukwangin at sakmalin.

"RAWR! RAWR!" sabi sa 'kin ulit ng Bantay ng Porshugality at may pagkalmot-kalmot pa, buti na lang nakaiwas ako sa nails niya na super sharp.

"Huy! Ako lang 'to, ano ka ba?" sabi kong gan'yan tapos napailing pa ako at napahawi sa ere.

"RAWR! RAWR! RAWR! Sino ka?" sabi niyang gan'yan. Ang bilis niya, e! Nahuli niya agad ako sa dalawang kamay niya.

"Si Bambu, ampucking Alma ka! Ba't ka ba nangangagat?" sabi ko habang umiiwas sa pangil niya. "Tanga ka ba? Bampira rin ako, hindi mo 'ko makakagat! When you bite my neck, magkakaroon ka lang ng sudden jolt because of pangingilo!"

"Hindi ako naniniwala! Wala kang pangil! Rawr!" sabi niyang gan'yan tapos kakagatin niya talaga ako sa leeg.

"Ano ba? May mahalagang okasyon pa akong pupuntahan! Bitiwan mo 'ko!" sabi ko habang tinutulak ang mukha ng maantot na bantay na 'to! Abot ang hinga, amoy pepperoni ng baboy naman 'yong hininga. Kaines!

"Hindi ka bampira! Wala kang pangil!"

"Ay, boomerang ka gorl? Paulit-ulit? O, sige kagat. KAGAT! KAGATIN MO 'KO SABI AMPUCKING ALMA KA!"

"Ouch!" sigaw niya nang hindi tumalab ang kagat niya sa leeg ko.

"O, ano? Nangilo ka, 'di ba? Sabi ko bampira ako, e!" sabi ko sa Bantay na ngayon ay nabitiwan na ako, nakahawak ang dalawang kamay sa panga, nanginginig ang panga sa pangingilo.

"Ngayon you feel na parang may mali . . . na your friends kept asking you na what was wrong? Tanga ka, e . . . so you endure the pain and damdamin mo 'yang pain na nag-iinterrupt!"

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa 'kin ni Kapon kahapon noong nanghuhuli kami ng mga Bampirang Piranha.

“'Wag ka ngang pangod, Bambu! Pa-drama-drama ka pa, e! Bukas lang hindi ka na Bagsak. Bukas, magiging isa ka na sa mga Pasado!”

Tumakbo ako pabalik sa Kastilyo, bwisit na Bantay na Bampira sa Porshugality. Mabuti na lang hindi niya pinugot ang ulo ko at kagat lang ang tinangka niya, kundi dedo ako.

(Oops, naubusan ng tinta! Lipat na sa sunod na pahina! 'Wag mo nang patagalin, ampucking Alma ka!)

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon