Ikapitong Kagat - Ikatlong Sipsip

133 26 22
                                    

"Tanggap ko na hindi kami para sa isa't isa…"

Nagpasya na akong maglakad palayo nang maramdaman ko ang mga paa niyang naglalakad papalapit sa bahay; pabalik na siya.

Baka mahuli niya ako kaya naman binilisan ko ang hakbang ng mga paa ko pero napahinto ako nang tawagin niya ang pangalan ko.

Nagulat ako pero nangyaring…

Lumingon ako at hinarap siya.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi. Salamat sa lahat."

Tumango lang ako sa kanya at tumalikod na muli. Bago ako tumagilid ay nahagip pa ng mata ko si Kalma na inaasikaso 'yong speaker. Mukhang ayaw pa yata tumugtog kasi hinahampas-hampas niya pa, e.

"The bluetooth device is connected now successfully."

Mukhang na-i-connect na ni Kalma ang speaker.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero muling napahinto nang marinig ko ang boses ni Ivana Marawi na tinatawag ang pangalan ko.

Nang lingonin ko siya ay tumatakbo na siya palapit sa akin. Nang tuluyan na siyang makalabas sa bahay at makalapit sa akin ay may inabot siyang bagay.

"Huling regalo ko sa 'yo…" sambit ni Ivana at nang tingnan kong mabuti ay iyon ang damit na guhit-guhit at iba-iba ang kulay.

"Rainbow shirt?" sabi kong gan'yan.

Matamlay siyang tumango, "Sa 'yo na 'yan… para kay Pipoy dapat 'yan, e, gift ko sa kanya tapos kasi ano… binilhan ko rin si Haponita ng sunflower shirt no'ng nakaraan pero hayaan mo na 'yon… sa 'yo na 'yan… ha?" sambit niya at halata kong pinipilit niya lang gawing normal ang boses niya.

"Salamat, Ivana…" sambit ko at tinitigan ko ang mga mata niya dahil nakaramdam ako ng awa.

"W-Wala 'yon . . . a-ano k-ka ba . . .? 'Wag mo nga akong tingnan ng gan'yan . . . sige na . . . umalis ka na . . ." Umiwas siya nang tingin, kinagat ang labi at napatingala na para bang pinipigilang pumatak ang luha.

"Bye." Tumalikod na ako nang sabihin ko ang huling salita dahil wala na rin akong rason para magtagal pa rito.

Saktong pagtalikod ko naman ay biglang tumunog ang speaker na kinakatikot ni Kalma kanina pa at tinugtog niyon ang kantang lalong nagpalungkot sa eksena.

Bakit nga ba mahal kita at kahit 'di pinapansin ang damdamin ko . . .

'Di mo man ako mahal, heto pa rin ako, nagmamahal ng tapat sa 'yo . . .

Bakit nga ba mahal kita kahit na may mahal ka nang iba . . .

Ba't baliw na baliw ako sa 'yo . . .

Hanggang kailan ako magtitiis . . .

O, bakit nga ba . . .

Mahal kita . . .

Nang makalayo ako ay tuluyan ko nang hindi narinig pa ang kanta at doon na ako nagsimulang mag-isip-isip.

Ano 'yong mga bagay na sinasabi kanina ni Ivana? Bakit may mga bagay siyang nasabi tungkol sa amin? Naalala ko lahat ng sinabi niya kanina pero… WALA AKONG MAALALA na mga pangyayaring gano'n sa buhay ko.

Bakit hindi ko maalala? Sabi niya naging magkaibigan kami at naging kami pero bakit hindi ko naman maalala?

Bakit hindi ko maalala ang mga alaala ko noong bata pa ako? Parang may mali pero hindi ko matukoy. Hindi ko alam kung nasa kanya o nasa akin ang mali.

Bakit niya nasabi ang mga bagay na 'yon? Totoo ba 'yon? Ugh, ang hirap! Hindi ko maintindihan. Kung totoo 'yon dapat alam ko, 'di ba? O, baka naman hindi talaga totoo? Maaari namang gumagawa lang siya ng kwento. Posible 'yon.

Nagawa niya akong lokohin noon kaya hindi imposibleng panibagong uri na naman ng panloloko iyong mga sinabi niya. Tama. Hindi 'yon totoo.

Sinabi niya lang 'yon para guluhin ang isip ko at para tuluyan akong mapasakanya.

Sinubukan kong isipin ang mga alaala ko sa kanya pero wala akong makita kahit ano… wala akong mabalikang mga sandali na nagpapaalala na dati kaming nagkasama.

Ang tanging naalala ko lang at ang paulit-ulit na naaalala ay ang alaala naming dalawa ng Omelon.

"Omelon… nasa'n ka na ba? Uy! Lumabas ka na… kanina pa kita hinahanap…!" sabi kong gan'yan.

Sabado ang araw noon at nandito kami sa malawak na kabukiran naming mga Bagsak. Sumilong kami sa kubo at nagpahinga matapos ko siyang ilibot dito sa amin dahil dito niya gusto.

Sabi niya manghuhuli lang daw siya ng mga paru-paro pero no'ng makalayo na siya ay sumigaw siya: "Magtatago ako, hanapin mo 'ko!"

Kaagad akong napatayo sa pagkakaupo at tumakbo palayo sa kubo. Hinanap ko siya pero nakita ko na lang na malayo na siya at patungo siya sa kakahuyan.

Hinahanap ko siya noon at mahigit isang oras na siyang hindi nagpapakita. Anong galing niya at naitago niya ang kanyang presensiya sa akin. Hindi masagap ng pang-amoy ko ang amoy niya. Natutunan niya kaya ang bagay na iyon sa akademya? Maaari.

Kaya pala nakatatakas siya sa mga alalay niya dahil may kakayahan siyang gano'n…

Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa kalalakad ako ay nalusot ang paa ko sa malaking butas ngunit nang mahulog ako at magpagulong-gulong ay napagtanto ko na iyon pala ay isang maliit na bangin.

Pagkabagsak ko ay hindi ako makabangon agad dahil medyo napasama ang tama ng katawan ko at nakahihilo ang magpagulong-gulong pababa.

Pinilit kong makatayo at pagtayo ko ay biglang…

"Huli ka!"

Sumulpot ang Omelon sa harapan ko nang hindi namamalayan.

"Huy! Grabe ka, sa'n ka ba nagtago?"

"Sikretong malupet…" sabi niya.

"Pwede pabulong?" sabi ko.

Siya: "Mapapamura ka ng pakshet malutong?"

Ako: "Makinis, maputi siya pero ba't gano'n?"

Napasinghap siya at humalukipkip paharap sa 'kin, "Hay… akala ko ba kahit saan ako magpunta ay mahahanap mo ako? Pinagyabang mo sa Alpha ko na hindi ako makakatakas sa 'yo kaso nakatakas pa rin ako?"

Pero hindi na ako nakipagtalo sa kanya sa halip ay nilapitan ko siya at inilapat ko ang dalawang palad ko sa magkabilang balikat niya.

Tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata, "'Wag mo nang ulit gagawin 'yon, ha? Pinag-alala mo ako, Omelon…"

"Opo, ehehehe, ang tigas pala ng kamay mo, ano? Ang sarap hawakan…" sambit niyang gan'yan.

"Ay, Omelon… ano…" sabi ko, nag-aalangan sa sasabihin.

"Ano?" sabi niyang gan'yan, nagtataka sa reaksyon ko.

"A, ano… hindi ko kamay 'yang hinahawakan mo, cockroach ko 'yang matigas." Naramdaman kong nag-init ang magkabilang pisngi ko nang sabihin ko iyon.

Napatingin siya sa ibaba at nakita niya ang kamay niyang nakahawak sa cockroach ko.

"OH MY!" bulalas niya at napatakip ang dalawang kamay sa bibig na namilog sa pagnganga.

"Hindi na ako virgin!" sigaw niya pa, "Mahabaging langit! Awit!"

Tiningnan niya ako sa aking mga mata, nangangamba ang mga titig niya kaya naman kaagad ko siyang pinakalma.

"Shh… pananagutan kita, Omelon… 'wag kang mag-alala."

Hihinga-hinga lang siya at nakatitig lang sa akin hanggang sa mahanap niya ang kanyang dila para muling makapagsalita.

"Kailangan ko itong ipaalam sa aking Anal…" saad niya.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon