Ikapitong Kagat - Ikaapat na Sipsip

129 25 34
                                    

"Kinakabahan ako sa maaaring sabihin ng iyong Alpha at Alma..." saad ko.

Ilang minuto na kaming nasa harapan ng pintuan ng palasyo ngunit hindi pa rin kami nagkakaroon ng lakas ng loob na pumasok. Natatakot kami sa maaaring maging reaksyon ng Omega at Omelet.

"Pero nandito na tayo, e... kailangan nating harapin ito..." sambit ng Omelon.

Tiningnan namin ang isa't isa at nagtanguan. Pagkatapos no'n ay nagpasya na kaming pasukin ang palasyo. Kaagad kaming dinala ng aming mga paa kung nasaan ang mahal na Omega at Omelet.

Nasa harapan namin sila noon at kahit kinakabahan ay si Omelon pa rin ang naglakas-loob na buksan ang usapan. Sinabi niyang mayroon siyang sasabihin na sana ay hindi ikagalit ng dalawa hanggang sa umabot na siya puntong pinupunto niya.

"Alpha... Alma... aksidenteng nahawakan po ng aking kamay ang cockroach ni Bambu..." saad niyang gan'yan bagaman may pag-aalinlangan.

Bago pa magsalita ang mga Anal niya ay sinundan niya kaagad ang nauna niyang pahayag,

"Patawarin mo ako sa aking kalapastanganan, Alpha... Alma... alam kong labag sa batas ang aking nagawa. Hindi dapat hawakan ng isang Binibining Bampira ang cockroach ng isang Ginoong Bampira nang hindi sila ikinakasal kung kaya't lulubusin ko na po ang aking kahangalan, aking mga Anal... nais kong ipakasal ninyo ako kay Bambu nang sa gayon ay mahawakan ko na ang kanyang cockroach nang hindi nagkakaroon ng kasalanan... CHAROT. Honestly, gusto ko pong maging kabiyak niya dahil ang totoo'y mahal ko na po siya... isang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang siya ay maging tagasubaybay at bantay ko pero nahulog na ang puso ko sa kanya. Sigurado na akong siya ang bampirang iibigin ko at makakasama ko habambuhay..."

Dahil sa batas na iyon... nauwi kami sa kasalan.

Kung bakit kasi cockroach ko ang hinawakan niya... iniisip ko noon kung sinadya niya ba iyon o hindi?

Ngunit nagwika ang mahal na Omega,

"Sinasabi ko na nga ba at sa ganito rin mauuwi ang lahat!" Walang bakas ng galit sa kanyang mukha.

Nagtaka kaming dalawa ng Omelon at nagkatinginan.

"Ibinibigay ko ang basbas ko sa inyong dalawa..." dagdag pa niya at napalingon kami pabalik sa kanya.

"Po?" takhang tugon ko. "Hala, ano 'to? Hindi man lang nagalit? I mean . . . hahayaan ninyo po na ang katulad kong Bagsak ay makasal sa inyong Alibata na isang Omelon?"

Sumagot naman ang Omelet imbis na ang Omega: "Ang pagmamahal ay hindi binabase sa katayuan ng isang tao sa kanyang buhay kundi sa kung paano niya ipaglalaban ang pagmamahal niya sa taong mahal niya anumang hadlang ang sa kanila'y humarang..."

Nang marinig namin ang sinabi ng Omelet ay nagkatinginan kami ni Omelon.

"Hala! Ikakasal na tayo?" sambit ko at parang batang nagulat sa nalaman.

"Oo, Bambu!" sagot naman ng Omelon na halatang nasasabik.

Hala, shet! Ikakasal na 'ko kay crush!

"Excited na 'ko sa honeymoon!" sabi kong gan'yan tapos napatingin ko sa dalawa sa harap namin na umubo, "CHAROT PO, charot lang po, Omega... Omelet..." Nginisihan ko sila.

"Ako rin!" sagot naman ng Omelon at napatakip sa bibig nang ma-realize ang sinabi, "Charot po, char char lang po 'yon, Alpha... Alma..."

Napabuntong-hininga na lang ang dalawa, nagkatinginan at nagkibit-balikat.

"O, sige..." sambit ng Omegang nakatingin sa 'kin, "umuwi ka na Bambu... baka kung saan pa mauwi ang usapang ito... masyado kayong malalandi! Ang kakati ninyo!" Ibinaling niya ang tingin sa Omelon, "Ikaw, ikaw! Babaeng Bampira ka pa man din! Iyang kamay mo, hay nako... haliparot ang aking Alibata..." sabi niyang gan'yan at tinuturo-turo ang ang Omelon.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon