Hindi naman namin maaaring ipambayad sa akademya ang alagang hayop o pananim namin para makapag-aral dahil ang batas ay batas. Kung wala kang handog sa Omega at Omelet na yamang hinihingi ay wala ka nang pag-asang makapag-aral ng pormal na ensayo ng pagpapaunlad ng pisikal at mental na lakas.
Nagkakaroon lang ng tiyansa ang mga Bagsak na bampira na makapasok sa akademya kung ang mga babaeng Bagsak ay may kakayahan o abilidad sa paghahabi o pananahi ng mga kasuotan. Karaniwang mananahi ay nagmula sa aming barangay. Nakatatawa lang isipin na ang mga kauri kong Bagsak ang nananahi ng mga damit ng Mejo at Pasado kung saan magagara at magagarbo ang disenyo subalit silang mismong nananahi ay walang karapatan makapagsuot ng gano'ng klaseng damit. Tanging payak ang disenyo, walang kulay at walang palamuti ang aming mga kasuotan sapagkat iyon ang itinalaga.
Ang mga lalaking Bagsak tulad namin ni Kapon ay hindi makapapasok sa akademya dahil hindi naman kami mga babae na may kasanayan sa pananahi. Kami, mga lalaking Kastila, ay katuwang ng aming creampie sa paghahayupan at paghahalaman.
Mayroon mang pagkakahati o hindi pagkakapantay-pantay ay mahal pa rin namin ang Omega at Omelet. Hindi namin sila magawang kasuklaman o kagalitan kahit na hindi pantay ang tratong ibinibigay nila sa Mejo at Pasado. Ang dalawang barangay ay hindi nakararanas ng pagod. Hindi pinagpapawisan o nagkakakalyo ang mga palad. Hindi sila mapapagod dahil kami ang mga nagpapakapagod para sa kanila.
Silang mga may kakayahan sa pangunguha ng mga yaman ang mas pinahahalagahan ng Omega at Omelet dahil sila ang nagpapayaman sa Kastilyo. Minsan naiisip ko, naisip din kaya kami ng Omega at Omelet na pahalagahan man lang kahit minsan. Sumagi kaya sa isipan nila na mahalaga rin ang tungkuling aming ginagampanan? Na kung wala kami ay mahihirapan silang mabuhay?
Gayunpaman, hindi pa rin namin magawang kasuklaman ang Omega at Omelet . . . na habang tumatagal ay hindi ko naiintindihan kung bakit? Kahit na nagagalit minsan ay bigla na lamang mapapawi iyon at mas lumalamang ang pagiging maunawain namin at pagiging makapagpakumbaba . . .
Na aking ipinagtataka . . .
Bakit hindi kami umaalma o nag-aalsa?
Ang tanging sagot na alam ng aking isip ay: “Mahal namin ang Omelet at Omega.”
Sila lang ang pagsisilbihan hanggang mamatay. Susunod sa ipinag-uutos kahit anong mangyari. Mananatiling mapagpakumbaba at tatanggapin ang lahat ng sabihin.
Sa aking panaginip ay nagising daw ako at kinuwento kay Ivana Marawi ang mga iyon. Sa aking panaginip ay katabi ko siya sa papag na tinutulugan ko at sa panaginip kong iyon ay nakatulog akong muli . . .
Sa aking panaginip ay nagising akong muli ngunit paggising ko ay nakapatong na sa akin si Ivana. Nakaupo siya sa Cockroach ko at nakatali ang aking mga kamay sa ulunan ng papag.
At sa aking panaginip ay masayang-masaya siya habang nasa ibabaw ko at ang sumunod kong eksenang nakita ay tumatawa na siya habang hawak ang plais. Ibinubuka-buka niya pa ang plais na ipinapakita sa 'kin at masayang-masaya siyang hawak 'yon.
At ang plais na iyon ang ginamit niya upang bungalin sa aking gilagid ang dalawa kong pangil.
"Bambu!"
Nagising ako sa narinig kong boses.
"HOY! BAMBURAT!"
Boses ni Ivana 'yon, sigurado ako. Ayaw ko mang imulat ang mata ko ay mukhang maoobliga ako. Umaga na ba? Mukhang maliwanag na nga. Kahit kasi nakadilat ang isang mata ko, kung tulog pa ako, hindi ito makakakita unless magising ang diwa ko.
"HOY, BAMBUNGAL! GISING!" sigaw niya sa 'kin at doon na nga nagising ang kabuuan ng aking diwa.
Hindi ko kasi matatanggap na pagsabihan niya ako ng bungal gayong kumpleto naman na ang ngipin ko.
"Anong bungal ka riyan? Hindi na ako bungal, ha!" sabi kong gan'yan habang yakap-yakap ang kumot.
Ha? Paano akong nagkakumot? Kinumutan niya ba ako? Ang alam ko, Alma niya ang nakakumot kagabi.
"Bumaba ka na riyan, marami pang gagawin!" sigaw niya sa 'kin at hinatak niya ang kumot pero hinatak ko rin iyon kaya hindi niya nakuha.
"Halika na sabi!" sigaw niya ulit na gan'yan tapos hinatak na naman niya ang kumot na nakabalot sa katawan ko na ayaw ko pa ring ipahatak sa kanya.
"'Wag! 'Wag mong hatakin!" sabi kong gan'yan at nilalakasan ko ang paghatak sa kumot.
"Anong 'wag? Bakit? Ano bang itinatago mo, ha?" Hinatak na naman niya ang kumot at talagang nilakasan niya pero nakipag-agawan pa rin ako hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong bumagsak sa sahig.
Nalaglag ako sa papag sa lakas ng pagkakahatak niya sa kumot. Humampas nang masama ang balakang ko sa matigas na sahig.
"UGH!" malakas na anas ko nang masaktan.
Sinamantala niya iyong pag-inda ko sa sakit ng balakang at bigla niyang hinila ang kumot. Hindi na ako nakapalag pa at ang aking itinatago sa ibaba ay nakita na niya…
"AWIT! ANG HABA NG LAWIT!" bulalas ni Ivana, namilog ang mata, naka-face palms at kakasya ang sampung Cockroach sa bibig niyang sobrang laki nang pagkakanganga.
Ang Cockroach ko'y sadyang naninigas tuwing umaga at normal lamang ito. Ito ang itinatago ko, ayaw kong ibigay sa kanya ang kumot ko dahil makikita niya ang Cockroach kong dalawang dangkal ng kamay ang haba.
"Hindi ka ba tatalikod?" tanong ko kay Ivana Marawi nang hindi niya magawang alisin ang pagtingin sa Cockroach kong tigas na tigas sa salawal ko.
Tila naistatwa siya at walang kakurap-kurap ang mga mata kaya naman ako na ang nag-adjust. Tumagilid ako habang nakahiga sa sahig. Nakatalikod na ako sa kanya at hindi niya na nakikita ang hardness ko.
"Mauna ka nang lumabas palalambutin ko lang 'to, matatagalan sa pagkalma 'to 'pag nand'yan ka!" sabi kong gan'yan tapos pagkasabi ko no'n ay…
"WAAAH!" Tumili siya nang ubod ng lakas at nagtatakbo palabas. Na-realize niya siguro kung gaano nakakahiya ang ginawa niyang pagtitig sa bukol sa salawal ko.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi na matigas ang Cockroach ko. Dinukot ko siya at inayos ng pwesto sa aking salawal. Inipit ko siya sa ilalim ng salumbayag ko nang sa gano'n ay mapigilan ang pagtayo nito sa salawal ko.
Tumayo ako saka kinapa sa bulsa ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na pero hindi oras ang nakita ko kundi . . .
"AAAAAH!"
PANGIL KONG BUNGAL ANG NAKITA KO SA SCREEN NG CELLPHONE KO NANG MAANINAG KO ANG REFLECTION DOON.
BAKIT NAWAWALA NA NAMAN ANG MGA PANGIL KO?
Kinapa-kapa ko pa ang dalawang espasyo sa gilagid ko pero wala talaga roon ang pangil ko.
Ampucking Alma! Hindi na pala panaginip 'yong nasa ibabaw ko si Ivana habang nakatali ako at hawak niya ang plais.
Hindi na pala panaginip 'yon dahil totoo na! Binungal niya ang pangil ko gamit ang plais.
"GRRRR!" sabi kong gan'yan.
Galet na galet ako! Gusto kong manaket at paluin siya sa puwet!
Inis akong tumayo at padabog na nilisan ang kwarto para hanapin ang babaeng lapastangan.
BINABASA MO ANG
Diary ng Bampirang Bungal ang Pangil
VampirgeschichtenThe GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay sinakal. Binungal at iniwanan sa kakahuyang masukal. Umuwi ako sa 'min nang nawawala ang dalawang n...