Ikatlong Kagat - Ikalimang Sipsip

261 35 32
                                    

"Tara, bilisan na nating maglakad…" mungkahi ko sa aking creampie.

Nakipagsabayan na kami sa paglundag sa bubong ng mga bahay saka sa tuktok ng mga puno. Gamit ang aming kakaibang taglay na bilis at lakas sa pagtalon ng mataas ay nakarating kami kaagad sa maluwang na bulwagan ng Kastilyo kung saan nagaganap ang mahalagang pagdiriwang.

Ang bawat bampirang papasok sa maluwang ay tutusukan ng karayom ang middle finger at magpapatak ng dugo sa isang salamin na lalagyan. Marami-rami na ring dugo ang naroon, actually malapit nang mapuno ang lalagyan. Iyon kasi ang pinaka-ticket para makapasok-- patak ng dugo mula sa middle finger.

"Tingnan mo, Bambu… mapupuno na ang lalagyan ng dugo, ibig sabihin marami nang nandito!" sambit ng mareklamo kong Alma na kasalukuyang kinukuhanan ng dugo sa middle finger.

"Ang tagal-tagal mo kasi! 'Pag tayo walang naupuan! Hay naku!" segunda pa ni Alpha. Hay, palagi na lang talaga silang nagkakampihang dalawa.

"Mayro'n 'yan! Kayo naman, ang O.A. ninyo!" sabi ko naman at natapos na ang aking Anal. Sumunod na sina Alibaba at Alibangbang na kuhanan ng patak ng dugo.

Ako ang nasa hulihan kaya naman nakuhanan na silang apat ng dugo, ako hindi pa dahil ako ang panghuli at ako na ang sunod sa pila ngayon.

"Middle finger, please…" sabi ng bampirang nanunusok at nangunguha ng dugo.

"O, 'yan pakyu ka!" sabi kong gan'yan at pinakyuhan siya sa mukha.

"UGH!" sigaw ko nang masaktan. Halos isagad niya kasi ang karayom sa middle finger ko. "Ang harsh mo, ha!" Inambaan ko siya ng sampal pero binelatan niya lang ako.

"Maaari na kayong pumasok," sabi ng bampirang harsh after dutdutin ng cotton ball na may methane alcohol ang middle finger ko.

He's so heartless! UGUGUGUG--UG! Mah, middle fingah!

Pagkapasok namin ay sobrang daming bampira! Napakaganda ng bulwagan sa harapan ng kaharian. Napakaluwang at halos hindi mahulugang karayom ang dami ng mga panauhing Kastila. Nagkalat ang mga banderitas na kulay pula at puti. Ang mga kurtinang nagkikinangan na ang tema ay kulay pula at puti rin ay hindi mabilang sa daliri. Ang mga lamesa ay may tig-iisang plorerang puno ng mga bulaklak, makukulay na gumamela at mga upuang naggagandahan sa disenyo. May mga pulang rosas na nakakalat kahit saan ka mapatingin na siyang nagpapabango sa kapaligiran.

Mayroon din kaming DJ na siyang nakatalaga para sa party music na hindi pa magamit dahil mayroon namang mga live band na kasalukuyang nagpeperform at puro rock song ang kanilang binabanatan.

Aba't ang mga Bampirang Tarantado… este Talentado ay pagkahusay umawit! Awit!

Puro growl, e! OGOGOGOG--OG!

"Tara doon tayo maupo," sabing gan'yan ni Alpha nang makahanap nang mauupuan. Naghahanap na pala sila ng pwesto samantalang ako ay iba ang hinahanap ng mga mata ko.

"Nando'n ang mga kasamahan natin!" sambit ng aking Alma at umukyabit siya sa braso ng aking Alpha.

"O, Bambu? Ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Tara na!" sabi ng aking Alpha nang mapalingon. Nakakailang hakbang palayo na kasi silang apat sa akin nang maramdamang hindi sumusunod ang mga yapak ko sa mga yabag nila.

"You go ahead first po Alpha, I'll go there later." I said as I crept out a reassuring smile on my lips.

"K," sagot ni Alpha.

Tumalikod na siya at humarap sa direksyon papunta sa lugar kung saan naroon ang aming mga kasamahan.

"Bakit daw?" rinig kong tanong ni Alma.

"Ewan ko, 'di ko maintindihan… English, e!" sagot ng Alpha ko.

"Ay, nako! Pangod ka talaga! Baka naman ang sabi niya mauna na raw tayo, susunod na lang siya mamaya…" sabi ng aking Alma. Natuwa ako nang tumama ang sinabi niya sa sinabi ko mismo.

"Gano'n nga yata…" rinig ko pang sambit ni Alpha at hindi ko na naulinigan pa ang mga sumunod nilang pinag-usapan sa pagpapatuloy nila sa paglalakad palayo sa akin.

Inihatid ko sila ng tingin hanggang sa makita kong binati nila ang kanilang mga bareback at mayamaya ay natanaw kong nakaupo na sila.

Nakita ko pang masayang nagtatawanan ang creampie ko habang nakikipagkwentuhan sa mga bareback nilang Bagsak.

Gusto kong sumaya kagaya nila pero hindi ko pa nasisilayan ang magpapasaya sa 'kin . . .

Nang biglang…

"Huy!" May sumundot sa tagiliran ko, dahilan nang paglundag ko at paghanap sa kung sino ang gumawa no'n.

"Ay, Kapon!" sabi kong gan'yan nang siya ang makita ko sa likuran ko. Gulat ako sa ginawa niya.

Ngumiti siya at nagsalita, "Kanina pa 'ko nandito, iniwan ko ang Alpha! Katagal-tagal, e! Alam mo naman, hindi siya pwedeng pumunta rito nang hindi okay ang lahat sa barangay. May mga matitigas ang ulo kasi na ayaw pumunta rito," sabi niyang ganiyan.

"Ewan ko ba kung bakit tinatamad silang pumunta rito, e, kasaya-saya kaya!" sabi ko naman.

Sabi niya, "Kaya nga!"

Pagkatapos ay bigla niya akong hinatak sa isang gilid kung saan kakaunti ang maaaring makarinig sa sasabihin niya.

"Alam mo ba nakita ko siya kanina?" sabi ni Kapon.

"Sino?" sabi ko't nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.

"Ang Omelon!" aniya, ibig sumigaw ngunit hindi maaari.

"Talaga?" sabi kong gan'yan, hindi makapaniwala.

"Oo! Sinilip ko siya kanina habang nagbibihis sa silid niya!" sabi niyang gan'yan na natatawa pa kaya naman…

"Ay, ampucking Alma ka! Bakit mo ginawa 'yon?" Binatukan ko siya.

"OA, sobrang OA, Bambu! Nakadamit na siya no'ng sumilip ako okay? Nagsusuot na lang siya ng sapatos at mga alahas," paliwanag niya.

"A… akala ko, e…" sabi kong gan'yan tapos sumabat siya bigla.

"Saka 'di ko aagawin 'yon, p're! Alam ko namang napupusuan mo ang Omelon!" sabing gan'yan ni Kapon tapos tinapik-tapik niya ang balikat ko na para bang sinasabing dapat akong maniwala sa sinasabi niya.

"Nasa'n siya?" tanong kong bigla na lamang nasabi ng aking bibig.

"Hindi ko alam…" umiling siya, "mamaya pa 'yon siguro. Hindi ko pa sila nakikita, e! Maging ang Omega at Omelet, hindi pa rin lumalabas."

"Matagal pa ba bago magsimula?" tanong ko, nagpalinga-linga saka muling tumingin sa kausap.

"Malapit na 'yan… patapos na ang takipsilim, o! Sa oras na lumitaw ang buwan at mga bituin sa langit ay magsisimula na 'yan!" aniya at habang sinasabi niya iyon ay unti-unti nang nagpapakita ang mga bituin sa langit gaya ng aniya at ilang saglit pa ay nagliwanag na ang tatlong buwan.

Yes, tatlo ang buwan sa aming kaharian.

"OHH . . ." sabing ganiyan ng mga bampirang namamangha sa bilog na mga buwan. Nakatingala sa maliwanag na sinag nito, bagay na nagpapagaan ng aming pakiramdam.

"Magandang gabi! Bayan!" Kaming nakatingala ni Kapon ay nagkatinginan nang marinig ang nagsalita.

"Noli?" sabing gan'yan ni Kapon.

"De Castro?" sabi ko naman.

"Me Tangere!" sagot niyang gan'yan.

OGOGOGOG--OG! Illegitimate laughters. Waley kasi.

"Sabi ko sa 'yo, e! Tara do'n sa harapan… 'wag na tayong maupo, tumayo na lang tayo at magpalakad-lakad!" sabing gan'yan ni Kapon at nagpalakad-lakad na nga kami gaya ng sabi niya.

Dare Diary,
Kitakits sa susunod na kagat.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon