Ikalimang Kagat - Unang Sipsip

164 28 41
                                    

It's your boo, Bambuuu . . . ngal!

Nang ma-realize kong ubos na pala ang mga paninda naming manok ay kaagad ko 'yong ipinaalam kay Ivana.

Sa dina-rami ng bumili ay sa KAKAIBANG NILALANG pala na iyon napunta ang huling piraso ng manok.

"Okay na, sold out na po Boss Ivana Marawi."

"Homayghad! Ang galing mo! Paano mo nagawa 'yon?" sabi niyang gan'yan at binubulatlat pa ang banyerang wala nang laman.

"Ako lang 'to, Ivana. 'Wag kang humanga . . . PANGIL KO?" 'eka ko agad na gan'yan sabay lahad ng palad.

Napalayo siya ng kaunti at ang mukha'y tumabingi, "Ay, atat? Saglit lang! Akin na lahat ng kinita…"

Kinuha ko naman ang lahat ng kinita sa aking bulsa at inilapag ko lahat nang nadukot ko sa kamay niyang nakasahod na.

Hanggang sa nagpaalam na siya sa kaibigan niyang si Bai na hanggang ngayon ay wala pang naibebenta sa mga lamang loob na tinda niya.

Naglalakad na kami ngayon at malayo-layo na kami sa palengkeng iyon pero si Ivana ay hindi pa rin mapakali sa pagbibilang ng pera sa palad niya.

"Kanina mo pa binibilang 'yan, pangod ka ba? 'Di ka marunong magbilang? BOBO 'TE? BOBO?" sabi kong gan'yan. Nakaririndi na kasi ang bunganga niya.

"'Di lang ako makapaniwala na ganito kalaki ang kinita ko…" sabi niyang gan'yan. Kinita niya raw? Baka kinita ko! Ako kaya ang nagtinda!

"Bakit? Magkano ba dati?" tanong ko na lang na gan'yan sa kanya kaysa makipagtalo pa.

Sumagot siya Dare Diary, "Mga 500 mahigit lang."

"E, magkano ba ngayon?" tanong ko na naman.

"3000 mahigit, awit! Sana ganito araw-araw!" Masayang-masaya, napapatalon pa. Hay, umalog na naman.

Kaagad kong pinutol ang kaligayahan niya, "Sad… ngayon lang 'yan for sure kasi aalis na ako… pangil ko…?"

"Teka lang, ito naman excited masyado!" sabi niyang ganiyan tapos lumayo na naman.

"Ivana, sinasabi ko sa 'yo… niloloko mo na 'ko! Nakahahalata na 'ko. 'Pag ako nagalit talaga, Daedelus mo lang ang walang latay!" sabi kong gan'yan at sinigurong maiihi siya sa takot sa mga pagbabanta ko.

"Bakit wala? Iyon nga ang gusto kong latayan mo! CHAR! I'M SO BABAENG MARANGAL! HARHARHAR!" sabi niyang ganiyan at hindi man lang natakot sa 'kin.

"Nakatutuwa ka, ano?" sabi kong gan'yan ngunit sarkastiko; akala niya totoo.

"Naman! Halika, tara sa divisoria… bilhan natin ng pasalubong ang nanay!" sabi niyang gan'yan at hinawakan ako sa kamay.

Ginamit ko ang bilis ko this time at napuntahan namin ang divisoria gamit ang Google Map sa cellphone ni Ivana Marawi. Hindi ko na naman kasi mabuksan ang cellphone ko dahil wala na naman akong pangil. Face not recognized, 'eka.

"Ba't gan'to sa pamilihan ninyo? Ang ingay-ingay!" tanong kong gan'yan kay Ivana.

Nandito na kami ngayon sa Divisoria. Napakagulo. Ang ingay! Mas maingay pa ro'n sa palengke kanina.

"Gan'to talaga rito! Bakit, sa inyo ba?" sabing gan'yan ni Ivana, sanay na sanay sa ingay.

"Sa 'min, bawal mag-ingay. Tahimik lang dapat 'pag bumibili," paliwanag ko at pinagmamasdan ang magugulong tao.

"Meganon?" 'ika niyang gan'yan

"Oo nga kasi! Ayaw mo maniwala!" sabi kong gan'yan.

"Okay…" sagot niya at hindi na nakipagtalo.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon