Ikalawang Kagat - Ikalawang Sipsip

345 47 9
                                    

Uy, si Bambu 'to. Bugak, 'eto may tinta na ulit ang pakpak ng uwak.

"Bakit mo 'ko---"

Pinutol ko siya,

"O, 'wag ka nang magdiwara! Bumili ka na ng gamot sa imong Alma Kalma." Balak niya pa kasing pag-awayan namin ang ginawa ko. Kung bakit ko siya biglaang binuhat at itinakbo sa botika.

Bakit nga ba, Dare Diary? S'yempre, wala lang.

"Ate pabili ng gamot na pampawala ng tirik ng mata." Narinig ko ang sinabi ni Ivana sa tindera at makalipas lang ang ilang saglit ay naglalakad na siya papunta sa 'kin.

"Tara uwi na tayo…" sabi niya sa 'kin bitbit ang gamot.

"Papasan ka o bubuhatin kita?" tanong ko sa kanya.

Sumagot siya agad pero pabalang,

"Buhat na lang, lamog na lamog na dede ko sa pagpasan sa 'yong tarantado ka, hindi ka nag-i-slowdown sa mga humps at baku-bakong daan!"

OGOGOGOG--OG! Lamog, ampucking Alma! Ano 'yon, prutas?

Binuhat ko siya sa 'king arms and I ran again in a swift pacing. In a blink of an eye, nakarating na kami sa bahay nila. Nagtatakbo kami kaagad papunta sa kwarto at hinagilap ang kanyang ina na napagtanto naming wala na sa papag.

"Nasa'n ang imong Alma?" tanong ko kay Ivana.

"Pucha, nawawala ang ina sa kama!" Tumingin siya sa 'kin na parang alam na kung ano ang nangyari, "Baka nahulog na naman! Gano'n siya kapag nangingisay, e! Kung saan-saan nakakarating!"

"Tara hanapin natin!" sabi kong gan'yan na patalon-talon pa ang paa, na-e-excite sa gagawing paghahagilap.

"Arat!" ani Ivana at tinapik pa 'ko sa balikat.

Naghiwalay kami ng landas nang sa gayon ay madali naming mahanap ang kanyang Alma. Siya ay nasa loob ng bahay at ako ay naghahagilap sa labas.

Hinanap ko kung saan-saan.

Wala sa halamanan. Wala sa paso. Lumundag ako sa bubong pero wala siya ro'n. Lumabas ako sa bakod, wala rin do'n.

Wala rin sa itaas ng puno, ay packing packer! Bakit naman aakyat sa puno ang Alibabang iyon?

Nandito na ako ulit sa bakuran nila at papunta na sa likuran ng bahay nila kung saan hindi ko pa napupuntahan nang marinig ko ang sigaw ni Ivana.

"NAKITA MO NA?"

"Hindi pa!" hiyaw ko.

"Hanapin mo! Wala rito ang matanda!" sigaw niya na naman.

Nang bigla akong mapalingon sa tilaok ng mga manok,

"Ay, nakita ko na ang Alibaba!" sigaw ko nang makita ang Alma Kalma ni Ivana; nangingisay pa rin at malayo na ang narating.

"Nasa'n?" tanong ni Ivana at narinig ko na siyang palabas ng bahay dahil lumalakas lalo ang boses niya.

"Nandoon malapit sa labangan ng mga manok!" sigaw ko at ito na siya sa tabi ko, sapu-sapo ang Daedelus niyang mataba, hinihingal sa pagtakbo papunta sa kinaroroonan ko.

Kinausap ko siya,

"Halika, tulungan natin ang imong Alma. Sabay nating sabihin, 'Kalma Kalma!’ Okay? Bibilang ako, ha? “Hana-Dalawa, Sam-Four, Cinco-Muttsu!"

Sumang-ayon naman siya at sabay kaming sumigaw ng…

"Kalma, Kalma!"

"Lakasan pa natin!" sabi ko.

Sumigaw kami ulit nang mas malakas at sabay,

"KALMA, KALMA!" sabi namin tapos naka-stop sign pa ang kamay na parang pinipigilan sa pangingisay ang Alma niya.

Lumingon ako kay Ivana at muling kinausap,

"Hindi niya naririnig, dapat malakas na malakas!"

Sisigaw na sana ako kaso bigla niya akong binatukan, naantala tuloy ang buwelo ko.

"Ay, tarantado! Ano 'to? DORA?" ika niyang gan'yan, galit.

Nang mabalik siya sa ulirat, nang mapansin ang kalagayan ng ina at nang mapagtanto ang dapat naming gawin ay napabulalas ang Ivana Marawi.

"Ayay! Jusmiyo inay! Ang aking metallic high slit mini dress ay narurumihan!"

Lumingon siya sa 'kin,

"Hoy, Bungal! Halika, buhatin natin siya!"

Hinatak niya ako at sinugod ang maruming Alma na puro alikabok na kakasadsad sa lupa.

Binuhat namin ang nangingisay niyang Alma hanggang sa maibalik namin sa loob ng bahay at sa kanyang tulugan.

Naipainom na rin ni Ivana ang gamot na binili niya. Kumalma na si Kalma.

"Nawala nga ang pagtirik ng mata niya, pero baka mamaya mangisay na naman siya… ubos na ubos na ako… Bungal…" malungkot niyang saad.

Lumapit naman ako kaagad at hinaplos ang likuran niya para damayan. Ang smooth ng likod niya, wiw, walang gaspang.

"Teka… 'di ba, mga immortal kayong bampira?" Umiwas siya sa haplos ko at nilingon ako.

"Hm-mm." Tumango ako.

"Pwede mo bang gawing bampira ang nanay ko?" tanong niyang gan'yan at hindi ko inakala ang kanyang sasabihin ay gano'n.

"Hindi… o, teka, magsasalita ka na naman, e, hindi pa ko tapos!"

Nagpatuloy ako sa sasabihin ko bago pa siya magkukuda nang magkukuda,

"Hindi ko siya pwedeng gawing bampira … kasi ayoko, hindi bagay and ang creepy 'pag na-i-imagine ko. Ang second option is… kailangan mong makipagkasundo sa akin…"

Lumingon muna siya sa kanyang Alma nang matagal, ramdam ko ang pagkaawa sa mga mata niya, mahal na mahal niya ang Alma niyang may malubhang ubo.

Ibinaling niyang muli ang kanyang mga mata sa akin.

Tumayo siya at hinarap ako,

"Anong kasunduan naman?"

(Oops, naubusan ng tinta! Lipat na sa sunod na pahina! 'Wag mo nang patagalin, ampucking Alma ka!)

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon