Ikaanim na Kagat - Ikalimang Sipsip

135 26 18
                                    

Hindi mapawi ang pananabik sa akin habang tinatahak ko ang daan palabas ng bahay at patungo sa Kastilyo kaya naman hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa harap ng bakod nito.

Pinagbuksan ako ng bampirang nakatalaga sa bakod ng Kastilyo. Pumasok ako at hinatid ako ng isa hanggang sa makarating kami sa magarbong pinto.

Iyon naman ang bumukas at walang alinlangan kong inihakbang ang mga paa ko papasok. Nang makapasok ako ay kaagad rin iyong nagsara.

Doon ko na nasaksihan kung gaano kaganda ang kaharian ng Omega at Omelet. Mayroon itong magagarang ilaw na nakabitin sa taas, ang hagdanan ay may nakalatag na kulay pulang karpet at ang mga pader at haligi nito ay nakamamangha ang pagkakalikha.

Malaking ipinintang larawan ng Omega, Omelet at Omelon ay ang nakasabit sa pader na siyang pumukaw sa atensyon ko. Napakakinang sa loob ng palasyo at maya-maya ay ginabayan ako ng sa tingin ko ay alalay, itinuro niya sa akin ang hagdanan at ako naman ay nagkalakad na roon paakyat.

Nang makarating ako sa taas ay may nag-aantay na namang alalay at tinuro niya naman sa akin ang direksyon ng hapag-kainan ng mga pinuno namin.

Sa ilang hakbang na iginugol ko ay nakita ko na rin sa wakas ang mahabang lamesa ng aking mga pinuno.

Hindi ko masukat kung gaano ito kahaba at kung gaano karaming mga pagkain ang nakahain doon. Naroon sa kabilang dulo ang Omega, malapit naman sa kanya ang Omelet na nasa kanan at ang Omelon na nasa kaliwa niya.

"Maligayang pagdating, Bambu…" sambit ng Omega.

"Magandang gabi ho sa inyo. Salamat po sa pag-imbita sa amin." Napupuno nang paggalang ang aking pagbati sa kanila.

Ang Omelet naman ang sumambit, "Salamat sa pagpapaunlak sa imbitasyon namin."

Ngumiti lang ako at hinatak ang upuan na narito sa dulo ng mahabang lamesa nang biglang magsalita ang Omelet.

"Hindi riyan ang upuan mo," sambit niya, napakahinhin ng kaniyang boses, manang-mana sa kanya ang dilag na katapat niya.

Napatayo ako at tahimik lang; palunok-lunok at hindi makapagsalita.

"Dito ka sa tabi namin maupo," sambit pa ng mayuming Omelet at ako ay umalis na sa kinatatayuan ko.

Ikinilos ko ang aking mga paa patungo sa direksyon nila.

Naglakad ako palapit sa kanila at napansin kong mayroong upuang nakalaan para sa akin. Doon ako naupo, katabi ko ang magandang Omelet at katapat naman namin ang maganda ring Omelon na nasa kabilang gilid ng lamesa.

Nang magsimula'y siniyasat ako ng Omega at Omelet. Ikinuwento ko naman ang buhay ko sa kanila, ang mga Anal ko at ang kalagayan ng aking creampie--- kung ano-ano ang mga pinagkakabalahan nila sa buhay.

"Ang Alpha at Alma ko ho ay nagtatrabaho sa bukid. Ang Alibaba at Alibangbang ko ho ang madalas kong kasama sa bahay. Kapag may ipinag-uutos naman po ang Kapitan ay kaming dalawa ng bareback ko na anak niya ang inuutusan niya po."

"Kumusta naman ang pagiging Bagsak?" tanong ng Omega sa akin.

Nalunok ko agad ang pagkaing sa bibig na hindi ko pa nangunguyang maigi, "O-Okay naman po, m-masaya naman po…"

"Alam mo ba kung bakit ko tinanong ang mga bagay na pinagkakaabalahan mo sa araw-araw?" tanong pa niya.

"Hindi po…" sagot ko at binasa ang mukha niya pero wala akong nakuhang kahit ano.

"Ikaw na ang magsabi, aking Omelet." Napatingin ako sa katabi ko nang banggitin siya ng Omega.

"Kaya namin naitanong iyon ay dahil madadagdagan na ang pinagkakaabalahan mo…" sambit ng magandang Omelet.

"Po?" tugon ko at nakatingin lang sa kagandahan niya.

"Nais naming maging taga-tingin at bantay ka ng aming Omelon," sambit niya at ngumiti siya.

"Talaga po?" Namilog ang mga mata ko sa gulat.

Ang gwapong Omega ang sumagot kaya sa kanya ako napatingin, "Oo, Bambu… tuwing Sabado at Linggo ay nais kong makalabas siya sa palasyong ito ngunit nag-iisip kami kung sino ang maaari niyang makasama na maiingatan siya ng husto…"

"At ikaw 'yon…" sambit ng magandang Omelet kaya ibinalik ko sa kanya ang aking tingin, "nakuha mo agad ang tiwala namin kaya naman ipagkakatiwala namin sa iyo ang aming Omelon…"

"Hala, shet!" sabi kong gan'yan pero napatakip ako agad sa bibig, "Ay, sorry po sa bad words."

Pinalampas iyon ng poging Omega at siya'y muling nagwika: "May pagkapasaway nga lang ang aming Omelon, baka itulad ka niya sa ibang mga bantay at alalay niyang tinatakasan niya lang…"

Sumagot naman ako, "Hindi po siya makatatakas sa 'kin. Hindi ko hahayaang iwanan niya ako… layuan at pagtaguan dahil kahit saan man siya pumunta ay hahanapin ko siya at sigurado akong mahahanap ko siya."

"Pfft OG! Pfft OG!" Napatingin ako sa Omelon na narinig kong nagpipigil ng tawa.

"Bakit mo 'ko tinatawanan, Omelon? Naku, balak mo akong takasan, ano?" sabi kong gan'yan sa kanya at binigyan niya lang ako ng nang-aasar na tingin.

"Mukhang magkakasundo ang dalawa…" rinig kong sambit ng gwapong Omega.

"Sa tingin ko rin, aking Omega…" sambit naman ng magandang Omelet.

Hindi ko muna sila pinansin at ang Omelon ang kausap ko.

"A, pilya ka ha…" Itinutok ko sa kanya ang fried chicken na hawak ko na tinawanan niya lang.

Hindi ko na siya pinansin dahil may sasabihin ako sa Omega at Omelet niya, tiningnan ko muna ang Omelet na katabi ko at sumunod ang Omega.

"Sige po mahal na Omega at Omelet, pumapayag po akong maging bantay at tagasubaybay sa Omelon tuwing araw ng Sabado at Linggo."

Nagkatinginan muna sila bago tumingin sa 'kin.

"Mabuti kung gano'n…" masayang sambit ng Omelet samantalang ang Omega ay tinango-tanguan lang ako.

At ang hapunan na ang pag-uusap ay busog na busog sa tawanan ay natapos na.

Natapos na rin ako sa pagkakabit sa aking mga pangil.

Nilisan ko ang silid kasabay ng paglisan sa mga alaalang pumasok sa 'king isipan.

Lilisanin ko na rin ang lugar na ito…

Ang mundo ng mga tao…

At ako'y babalik na sa tunay na tahanan ko dahil sa wakas ay nabawi ko na ang mga pangil ko.

Dare Diary,
Kitakits sa susunod na kagat.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon