"Anong nakikita mo sa aking hinaharap?" tanong ni Ivana sa lalaking manghuhula na panandalian lang pumikit at ngayon ay nakadilat na.
"Malaki… malusog… mataba… malaman… siksik… nag-uumapaw!" sagot na gan'yan ng manghuhula, pahimas-himas pa rin sa palad ni Ivana.
"Na mga biyaya?" tanong ni Ivanang gan'yan.
"Nakikita ko ang iyong hinaharap ay talaga namang napakahitik at napakabundat! Kay sarap pitasin gamit ang mga kamay!" sabing gan'yan ng lalaking manghuhula.
"Um! Sige! Kahusay!" Tinampal ni Ivana ang noo ng manghuhula, "Bwisit ka, ibang hinaharap 'yang nakikita mo!"
OGOGOGOGOG--OG! Sabi na nga ba, e! Sa Daedelus ni Ivana siya nakatingin. Hinaharap amp!
"Tama na nga!" hiyaw na gan'yan ni Ivana at biglaang napatayo. Natabig pa ng hita niya ang kanto ng lamesa kaya naman umuuga ito pati na rin ang mga nakapatong doon na mga bote na may lamang kung ano-ano.
"Magkano?" iritang tanong ni Ivana sa manghuhula.
"Singkwenta…" sabing gan'yan sa kanya.
"Singkwenta? Bakit kamahal? Minanyak mo na nga ako tapos wala pang discount?" reklamong gan'yan ni Ivana tapos halatang nanggagalaiti pa rin talaga.
"Singkwenta ho talaga, miss… sagad na po," pag-uulit ng manghuhula.
"Sagad!" sigaw ni Ivana, "'Wag mo kong sagarin at sasampal-sampalin kita nang ubod sagad riyan! Manyakol na 'to!"
"Sorry ho, miss… magbayad ka na lang para hindi ka malasin sa iyong hinaharap," sabing gan'yan ng manghuhula na ikinangisi ko.
"Hmp! Swerte ko 'to, 'no! Lucky charm ko 'tong hinaharap ko!" sabing gan'yan ni Ivana at niyakap ang kanyang Daedelus, "Wait nga… bibilangin ko muna ang pera ko…" sabi niya pang at dinukot niya ang Daedelus niya, "bibilangin ko kung ilan pa natitira." Napatingin siya sa 'kin nang madukot niya roon ang mga pera, "Siguro mag-commute na lang tayo, Bambu ano 'pag pauwi…? Tricycle or jeep gano'n…"
Napatango naman ako.
Binasa niya muna ng laway ang hinlalaking daliri niya, itinaas ang pera na parang ipinagmamayabang pa saka niya isa-isang binilang, "One thousand… two thousand… five hundred… one hundred, two hundre---"
"AAAAAH!" Nagulat ako nang bigla siyang tumili.
"MAGNANAKAW!" sigaw niyang gan'yan at tinawag niya ako.
"Bambu, habulin mo 'yong magnanakaw!" sigaw niyang gan'yan sa 'kin.
Ngunit nang tingnan ko ang lalaking kasasakay lang sa humaharurot na motor na walang plaka ay biglang pumasok sa isip ko ang isang alaala ng nakaraan. May pagkakahalintulad ito sa pangyayaring nagaganap ngayon.
Nasa Marketity ako no'n dahil inutusan ako ng Alibaba na bumili ng hotdog para sa niluluto niyang sopas. Matagal niya na kasing pine-perfect ang putahe na iyon.
Ilang beses na siyang nanonood ng cooking tutorial sa YouTube channel ni Chang Amy pero palpak pa rin ang kinalalabasan ng luto niya.
Iyon pala . . . hindi niya nalalagyan ng hotdog! 'Yong lasa ng hotdog ang hanap-hanap niya kaya naman ngayon ay bibili na ako no'n para sa perpektong sopas niya.
Habang nakapila ako noon ay napansin ng aking mga mata ang isang magandang dilag. Tila may hinahanap siya dahil habang tinitingnan ko siya ay iginagala niya ang mga mata niya sa lugar na ito at mukhang naninibago pa nga siya.
"Ano 'yon?" Nagulat ako nang kausapin ako sa isip ng tinderong bampira. Ako na pala ang sunod sa pila.
"Hotdog…" sabi ko sa isip ko.
Pero mukhang hindi naintindihang maigi ang aking sinabi kaya ang sabi niya ay,
"HA?"
"HOTDOG!" sagot ko namang gan'yan.
Pinasigaw ko ang utak ko at sa wakas ay nakita ko ang kanyang pagtango.
Makalipas ang ilang sandali ay iniabot na sa akin ng tindero ang binili kong hotdog. Iniabot ko na rin ang bayad ko. Umalis na ako sa pila at nilalandas ko na ang daan patungo sa daang tinatahak ng babae.
Hindi ko ito sinadya, sadyang dito lang talaga ang daan pauwi sa amin kaya naman magkakasalubong kami.
At nagkasalubong na nga kami…
Ang mga mata niyang tila may hinahanap ay napatingin sa 'king mga mata…
"Are you lost, baby girl?" tanong kong gan'yan sa kanya.
Napalunok siya at natulala lang sa mga mata ko, "Hindi na ngayon dahil nahanap na kita."
Napangisi ako sa sinabi niya. "Bakit mo 'ko hinahanap?"
"Bakit naman hindi?" sagot niya. Naguluhan ako sa mga pinagsasabi niya.
"Tila ikaw ay nawawala, nasaan ang iyong alalay? Hindi ba't hindi dapat lumalabas ng basta-basta ang Omelon lalo pa't wala siyang kasamang alalay?" sabi kong gan'yan.
Yes, Dare Diary… siya ang Omelon. Ang anak ng Omega at Omelet.
"Tinakasan ko ang aking alalay," sagot niya at natawa siya. Mukhang proud pa siya sa ginawa niyang iyon.
"Ikaw pala ay batang pasaway," sabi ko't nahawa sa kanyang mga ngiti.
Nang biglang…
"AAAAH!"
Tumili siya nang ubod ng lakas dahil may Basura na biglang sumulpot sa aming pagitan at sumibat palayo.
Napansin kong nakahawak ang Omelon sa kanyang leeg matapos ang pangyayaring gumulantang sa kanya.
Hindi na ako nagtanong-tanong pa dahil alam kong kwintas ang nawawala sa kanya. Hinablot ng mandurugas na Basura ang kanyang kwintas at kasalukuyang itinatakas.
Gamit ang aking taglay na liksi at bilis, tumakbo ako't ginawa ang lahat ng aking makakaya maabutan lamang ang mandurugas na Basura.
Kung saan-saan siya nagsusuot at pinagpapabalibag niya ako ng kahit anong bagay na madampot niya gaya ng upuan, lamesa, gulay, karne, dram na kahoy, banga, palayok at kung ano-ano pa.
Wala namang kahit isa ang tumama sa 'kin dahil naiiwasan ko ang lahat ng mga iyon. Wala siyang magawa kundi ang tumakas at gusto niyang hindi ko siya habulin kaya kung ano-ano ang pinagbabato niya sa 'kin.
Gusto niyang tuluyang manakaw ang kwintas ng Omelon na hindi ko naman kailanman papayagan. Hindi ko hahayaang makuha niya iyon sa napakabuting babae.
Nag-concentrate akong maigi at nang maipon ko na ang kinakailangang pwersa ay pinakilos ko ang aking mga paa sa tripleng bilis hanggang sa malampasan ko ang Basurang magnanakaw.
Hindi niya iyon napansin sapagkat naikubli ko ang aking presensiya, siya naman ay nakapokus lang sa pagtakas at nang makalampas ako sa kanya ay siya namang takbo ko pabalik. Pinalabas ang mga kuko ko sa daliri at sinalubong ko siya sa bilis na hindi niya namamalayan.
Sinakyod ko siya ng saksak sa tiyan pataas sa puso gamit lamang ang kaliwang kamay ko hanggang sa maitaas ko siya at makuha ang kanyang puso.
Kahit na nahugot ko na ang puso niya ay may tiyansa pa rin siyang mabuhay dahil mamamatay lang ang bampira kapag pinugutan ito ng ulo.
Kaya naman gamit ang aking kanang kamay ay sinakal ko siya. Ibinuhos ko ang lahat ng galit at poot namin sa mga Basura, ang kaaway naming mga Kastila.
Pinugot ko ang kanyang ulo gamit lamang ang dalawang kamay ko at paulit-ulit na pagkalmot sa leeg niya gamit ang matutulis na kuko ko.
Hindi alintana kahit na matalsikan ako ng dugo sa mukha.
BINABASA MO ANG
Diary ng Bampirang Bungal ang Pangil
VampireThe GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay sinakal. Binungal at iniwanan sa kakahuyang masukal. Umuwi ako sa 'min nang nawawala ang dalawang n...