Uy, si Bambu 'to!
Nandito na ako sa Porshugality at bago ako makaraan, kailangan ko munang lampasan itong big boss.
"Aalis ako ulit," sabi kong gan'yan pero pinaningkitan niya lang ako ng mata.
"Ano? Kababalik mo lang, a? Aalis ka na naman?" sabi niyang gan'yan Dare Diary, paepal talaga ampucking Alma, daig pa 'yong guard sa school na ayaw magpalabas kahit bibili ka lang naman ng kwek-kwek.
Ayoko mang gawin 'to pero gusto ko rin.
Ginamit ko ang angking taglay na bilis na parang kidlat, pero mas mabagal ng kaunti ro'n, kaya wala pang tatlong segundo ay nasa harapan niya na ako.
Hawak ko ang Cockroach niya…
Pinapula ko ang aking mata…
At ginamit ang kapangyarihan,
"Sana payagan mo akong lumabas at sana wala kang pagsasabihan," 'eka kong gan'yan tapos gan'to sagot niya.
"Opo po. Daan na po. Ingat po. Balik ka po. Babye po!"
"YES! NAG-WORK!" sabi kong gan'yan sabay takbo at tumagos na ako kaagad sa porshugality.
Not to mention, Dare Diary ha? Ang aming Porshugality ay made up of shimmeringlyness glimmeristic tons coveringly and circlingly with brightness glowingful fuzzy in the middle of long living things on Earth that the Saccharum spontaneum mortality.
In short, gawa siya sa tumpok ng talahib.
Yah, tapos may maliit na butas 'yon sa gitna pero lumalaki din, 'don ako pumasok at tumagos ako sa labas ng porshugality and 'yon na! Nasa mundo na ako ng mga Earthlings out there.
"Sorry natagalan," sabi kong gan'yan at nanatiling nakaupo si Ivana sa tabi ng Poshugality.
"Ba't bumalik ka pa? Chance mo na 'yon para makabalik sa kaharian n'yo tapos bumalik ka pa?" sabi niya, nakaupo pa rin siya.
"Tumutupad ang mga bampira sa pangako nila," sabi kong gan'yan at doon na siya napalingon, napatingala sa akin.
Tumayo siya with confidence,
"I know right."
"Myra E?" tanong ko.
"No," umiling siya, "Ivana Marawi! Let's go, bhi!" sabi niya tapos ikinaway ang kamay at naunang maglakad.
"Hanep kang bungal ka, ang tagal-tagal kong naghihintay rito. Pinapak na ako ng mga lamok," sabi niyang gan'yan, siguro mga nakaka-anim na hakbang pa lang kami palayo sa Porshugality. "Mabuti na lang may Off Lotion akong baon sa dede ko."
"Oh," sabi ko nang maalala ang halamang gamot na hawak ko. Inabot ko sa kanya 'yon, kinuha niya naman agad.
"Ay, ito na 'yon, hano? Wait, kukuha ako ng flashlight," sabi niya, gabi na kasi kaya kailangan niya ng liwanag. Gaya ng inaasahan, sa Daedelus niya kinuha ang flashlight.
"Ano 'to?" Nanlaki ang mga mata niya, nagulat at mukhang iba ang tono ng boses.
Imbyerna siya pero sabi ko, "Lunas sa sakit ng nanay mo, 'di mo na alam?"
"Gago ampota! Malamang alam ko 'to," aniya't hindi nasisiyahan.
"Ano garod 'yan?" tanong ko.
"DAHON NG SALUYOT! SINASAHOG SA BINAGOONGANG GULAY NA MAY TALONG O LABONG!" sigaw niyang gan'yan, hawak ang halamang gamot. "TAPOS ITO NAMAN… MALUNGGAY! SA MONGGO NILALAGAY! PISTI YAWA GIATAY!"
"Tama!" sabi ko pa, smiling, proud dahil alam niya.
"Tarantado ka ba? Ano 'to lokohan? Porke't na sa 'yo na pangil mo gumagan'yan ka na? Ano? Hindi talaga 'to totoo, ano? Umamin ka na! Niloloko mo lang ako! 'Di to gamot! Inuulam lang namin 'to!" Halos mabingi ako sa boses niya.
"Bakit? Akin naman talaga 'tong pangil ko, a! Angkinerang 'to…" sabi kong gan'yan, "saka 'wag mong husgahan ang isang bagay kung hindi mo pa alam ang tunay nitong kahalagahan."
I rolled my eyes and ran as fast as I could.
"Hoy! Bambu! Hintayin mo 'ko! 'Wag kang tumakbo, hay naku, aalog na naman ang dede ko!" rinig kong aniya.
Kaya naman ako, huminto. Ayokong makita ang Daedelus niyang nahihirapan.
'Di kalaunan ay naawa ako, binalikan ko siya.
"Ang bagal mo," sabi ko sa kanya na kahihinto lang din dahil tumakbo siya't hinahabol ako.
Hinihingal din ang Daedelus niya.
"Malamang tao ako… judgmental 'to! Ikaw nga nagsabing 'wag manghusga, aysus!" sabi niyang gan'yan.
"AYSU . . . SO!" sabi ko naman sabay turo sa umaalon niyang Daedelus.
"Bastos!" sigaw niya at biglang tinuhod ang Cockroach ko.
"UGH!" taghoy ko. Mahabaging langit! Ang aking cockroach ay tila nabali. Namamalipit ako sa sakit.
Napaka-harsh niya talaga.
"Hoy… hindi riyan ang daan! Dito, pangod!" sigaw ko nang mapansing nagtatakbo siya sa madilim na bahagi ng kagubatan.
Pagbalik niya, tumitili na siya at may malaking Leon na humahabol sa kanya.
Ako naman ay biglang naalarma.
Kahit ang itlog ko ay namamanhid pa, hindi ko na iyon ininda.
Pinapula ko ang aking mga mata, pinalabas ang matutulis na kuko sa daliri at pinag-alab ang kapangyarihang taglay.
"AAAAH! PUKING INA, LEON! DAMBUHALA! NANAY! NANAY! AAAAH!"
Takot na takot si Ivana.
Oras na para iligtas ko siya.
"RORR! RORR!" sabi ko tapos tumakbo nang matulin papunta sa leon na kaunting-kaunti na lang ay mahuhuli na si Ivana.
"AAAAH!" Tili ni Ivana, sobrang taas, papunta na sa whistle ni Morrisette.
"RORR! RORR!" Sinakyod ko ang tiyan ng leon gamit ang aking kamay bago niya pa makuha si Ivana.
Umungol ang leon. Nasaktan. Tumumba.
Sa puntong iyon ay hinanap ko ang puso niya. Nilakbay ko ang kamay ko at nang matagpuan ay hinatak ko iyon.
Tumitibok pa ang puso ng leon pero wala na akong pake ro'n.
Nang humupa ang galit ay saka ko lang na-realize ang ginawa ko.
Napayuko ako, nawala ang galit sa 'king puso, nawala ang pagkapula ng mga mata, bumalik sa normal ang aking kuko. Ako ay napayuko, nawalan ng lakas ang kamay at nabitiwan ang puso ng leon.
"Patawad, kaibigan…" sabi ko sa kaawa-awang leon, pinulot at nilapag ko sa tabi niya ang kanyang puso.
"Astig! Ang galing mo, a!" sabi niya at saka lamang nabalik ang ulirat ko nang tinapik niya ako sa braso.
"Huy, 'di ba natin, iuuwi 'yan? P'wede nating ibenta 'yan, o! Saka iulam! Siguro mas mahal pa 'yan sa karne ng baka! Ano?" sabi niyang hinahawak-hawakan, iniikot-ikutan at sinusuri ang leon na walang buhay.
"Tara na sa inyo," sabi ko, walang kabuhay-buhay.
"Huy, sayang 'to…" sabi niya tapos nakita ko itinaas-taas niya pa ang buntot ng leon, binubuka-buka ang hita at hinahatak ang bigote ng leon, pinagdidiskitahan niya na naman ang pangil.
Kaya naman pinagsabihan ko siya,
"'Pag 'di tayo umalis baka patayin ka ng mga kasamahan niyan! 'Di ka ba nag-iisip? Tara na… panigurado namang kukunin ng mga mangangaso ang bangkay n'yan."
"Ay, sayang naman… ang swerte ng mga mangangasong makakakuha nito… gusto ko pa namang gawing jacket ang balat ng leon." Hinipo-hipo, hinimas-himas niya ang balahibo sa katawan ng leon.
"Tara na sabi, e!" Sinigawan ko siya't sobrang natulig ang tainga niya, "Maghuhugas pa 'ko, o! Dahil sa 'yo naduguan ako!"
"At dahil sa 'yo kaya buhay pa ako, salamat." Tumayo siya at nilapitan ako.
I was dumbfounded.
Speechless.
Flabbergasted.
(Oops, naubusan ng tinta! Lipat na sa sunod na pahina! 'Wag mo nang patagalin, ampucking Alma ka!)
BINABASA MO ANG
Diary ng Bampirang Bungal ang Pangil
VampireThe GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay sinakal. Binungal at iniwanan sa kakahuyang masukal. Umuwi ako sa 'min nang nawawala ang dalawang n...