Huling Kagat - Ikaapat na Sipsip

121 22 24
                                    

"Ang mga sinabi ko kanina ay naaayon lamang sa aking nalalaman at hindi galing sa aking kakayahan…" pagkasabi'y tiningnan niya kami isa-isa.

"Ha?" Muli naming reaksyon, nganga at gulat.

"Ang mga sinabi ko kanina ay naaayon lamang sa aking nalalaman at hindi galing sa aking kakayahan na makita ang nakaraan…" pag-uulit niya pa sa mas malinaw at mas malakas na boses.

"E, bakit alam mo ang lahat ng 'yon? Bakit alam mo ang mga alaalang hindi namin maaalala? Bakit alam mo ang mga nangyari makalipas ang mahigit limang taon? ANO 'YON? HULA LANG DIN?" sunod-sunod, patanong na saad ko't unti-unti nang napupuno ng pagdududa.

"Hindi…" mariing tanggi niya.

"Bakit nga…?" tanong kong hindi makuntento sa mga binabato niyang tugon.

"Dahil hindi ako nawalan ng alaala…" marahan niyang ani.

"Ha?" Halos malukot ang aking noo sa kalituhan.

"Hindi ako nawalan ng alaala dahil binalaan ako ng isang Bampirang Gabay…" aniya at nagkatinginan kami ni Kapon.

"Bampirang Gabay?" sabay naming sabi kahit hindi naman pinagplanuhang sabihin.

Sa kanyang pagkurap ay roon na siya nagsimulang magpaliwanag, "Isa ito sa hiwaga ng mga Kastilyo… ang mga Salamangkerong Bampira ay mayroong tinatawag na Gabay… ang Gabay ay may kakayahang taglay na kabaligtaran ng aming abilidad. Kung kaming mga Salamangkero ay nakikita ang nakaraan, ang Gabay naman ay nakikita ang hinaharap sa pamamagitan ng mga pangitain at panaginip."

Sa sinabi niyang iyon ay isang tanong lang ang aking naisip na banggitin: "Saan tayo makahahanap ng Gabay?"

Kaagad naman akong hinarangga ni Kapon, "Pero Bambu wala na tayong panahon pa para maghanap . . . bakit hindi mo na lang kaya i-try 'yong ginagawa mo no'n kapag may gusto kang gusto mong mangyari o makuha? 'Di ba, kapag nagsalita ka tapos may 'Sana' sa una, nagkakatotoo?"

"Oo nga, 'no?" Nagkaroon ako ng pag-asa sa sinabi niya.

"Bilis, gawin mo na…" sabi niya pa at mas lalo akong nasabik dahil maaari itong gumana.

Humarap ako sa rehas kung saan nakakulong ang mga kasamahan kong Bagsak. Umubo muna ako para linisin ang anumang nakabara sa lalamunan ko, "UBO! UBO!" sabi kong gan'yan at nakuha ko naman ang atensyon ng lahat.

Sa ilang segundong nakalipas ay nagsimula na ako, "SANA . . . sana bumalik na ang aming mga alaala."

Natahimik ang lahat. Nakabibinging katahimikan.

"Tadaaa!" Binasag iyon ni Kapon, "Ano, guys? Bumalik na ba ang mga alaala n'yo, guys? Huy, sagot guys! Guys, ano na?"

Ngunit umiling ang lahat--- tugon na malayo sa aming inaasahan.

"HINDI? Anong hindi?" sabi pa ni Kapon at maging ako'y naguguluhan din.

"Sinabi ko nang hindi gagana 'yan…" singit sa usapan ng lalaki kaya napatingin kaming muli ni Kapon sa kanya, "pero may isa pa akong ipinagtataka…" Humarap kaming mabuti sa kanya at tumalikod sa rehas, "Saan mo natutunan gumamit ng salamangka?" tanong niya.

"Salamangka? Ako? Gumagamit ng salamangka?" sunod-sunod kong tanong sa tanong niya dahil sa nagdulot na naman iyon ng kaguluhan sa 'king isipan.

"Oo, sapagkat ang salitang 'sana' ay ang isa sa mga elemento ng salamangka… isa sa pinakamakapangyarihang salita na kapag ginamit ng salamangkero ay maaari niyang makontrol ang sinuman…" mahabang turan niya na nagbigay ng kaliwanagan sa 'king isipan.

"Oo rin… alam mo ba?" sabat ni Kapon, "Si Bambu lang ang mahilig magsalita ng 'sana' rito… sana all nga nang sana all 'yan no'n, e…"

Hindi niya pinansin si Kapon at ako ang inusisa, "Totoo bang kapag gumagamit ka nang salitang 'Sana' sa iyong bigkas ay nangyayari ang gusto mong mangyari?"

"Oo . . . bakit?" sagot ko't hinintay siyang sumagot.

Nakatingin lang siya sa 'kin at ayaw magsalita. Taenang, Salamangkero na 'to! Napakalagkit tumingin! Siguro crush n'ya 'ko. May gusto siguro sa 'kin 'to. Siguro na-love at first sight siya sa 'kin.

"Wala . . . wala, ano . . . n-natanong ko lang." Nag-iwas siya ng tingin.

"Wait, wait, wait…" Biglang sumabat si Ivana Marawi, "ano ba 'yang salamangka-salamangka na 'yan? Tapos ano 'yong sabi mo kay Bambu? Kapag nag-sana ka, e, magkakatotoo? Gunggong ka ba? Edi sana nagka-jowa na ako! Palagi kong sinasabi, 'SANA ALL MAY JOWA' pero ano? Wala pa rin! Alam n'yo, hindi 'yan totoo… aasa lang kayo, masasaktan lang kayo…" sabi niya pa kay Kapon at sa salamangkero.

"Alam mo, Ivana? Itikom mo na lang 'yang bibig mo!" iritang sabi ni Kapon.

"Aba! Ikaw, ha! Kanina ko pa napapansin, ha! Ang init-init ng dugo mo sa 'kin! Inaano ba kita, ha?" angal ni Ivana at mas sinapawan pa ang pagtataray ng bareback ko.

"Kapon…" saway ko kay Kapon at pinandilatan ng mata.

"'Yan pagsabihan mo 'yang kaibigan mo na 'yan… suplado masyado! 'Di naman inaano!" gatong pa sa 'kin ni Ivana na nawawalan nang pasensiya.

"Ivana tama na… hindi ka nakakatulong…" sabi ko sa kanya na ikinanganga niya pa.

"Wow! Ako pa? Ako pa talaga, Bambu? Wow, ha!" Paulit-ulit siyang napailing.

"Okay, salamat sa pagpatay sa Omelet. HAPPY?" sabi kong gan'yan sa kanya at tiningnan ko si Kapon para kumalma ito. Tinanguan ko siya para sabihing 'wag na lang pansinin si Ivana at hinaplos ko ang balikat niya.

"Bambu… ang akin lang naman… e, hindi totoo 'yong sana-sana na 'yan… walang gano'n!" sabi pa ni Ivana kaya naman napatingin ako ulit sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayaw mo, maniwala?" sabi niya at napahalukipkip, "Tingnan mo, ha…"

Lumapit siya sa rehas at hinarap ang mga bilanggo kong kasamahan.

"SANA . . ." umpisa niya.

"SANA ALL . . . BUMALIK ANG ALAALA!" sigaw niya with feelings.

"O, 'di ba? Hindi gumana, sabi ko sa 'yo, e!" sabi niya pa paglingon niya sa 'min.

"O, ba't gan'yan ang mga reaksyon ng mukha n'yo?" tanong niya pa sa lahat.

Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng kakaiba… pakiramdam ko ay wala nang kulang at kumpleto na ako ulit--- ang pakiramdam na matagal ko nang gustong maramdaman.

Hanggang sa . . .

Umalingawngaw ang isang boses sa loob ng rehas.

Boses ng isa sa mga kasamahan kong Bagsak…

Sumigaw siya…

"MGA KASAMA, NAKAKAALALA NA 'KO!"

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon