Ikasiyam na Kagat - Unang Sipsip

124 23 21
                                    

Dare Diary,
Ako pa rin 'to, si Bambu!

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko at sa tingin ko ay galing iyon sa takip sa taas. Hindi ito buwan kundi araw dahil nakasisilaw masyado ang liwanag na ibinibigay nito sa ilalim ng hukay at nang luminaw ang paningin ay nakita ko si Kapon na natutulog pa.

Nakatulog na pala ako kagabi at hindi ko namalayan iyon dulot na rin siguro nang labis na kapaguran.

Tumagilid ako't tinalikuran si Kapon. Babangon na sana ako kaso bigla niya akong dinantayan. Mabigat ang mga hita niyang nakadantay sa 'kin kaya naman inalis ko kaagad 'yon pero nang magawa'y braso niya naman ang pumulupot sa 'kin.

Walanghiyang bampirang 'to! Ginawa pa akong unan na dantayan.

Hanggang sa tinawag ko siya sa pangalan niya dahil may naramdaman akong kakaiba.

"Kapon . . ."

"Umm," sagot niya at mas hinigpitan ang yakap na para bang giniginaw na kailangang mainitan ng kanyang katawan.

"Kapon, nararamdaman mo rin ba?" tanong ko sa kanya.

"Ang alin?" aniya na medyo malabo pa dahil halos pahugong ang kanyang boses.

"'Yong matigas?" sabi ko't ngayon ay talagang nararamdaman ko na'ng pagkislot niyon sa aking likuran.

"Ha?" 'ikang gan'yan ni Kapon at napaangat ang ulo para tingnan ako.

"Pwede bitiwan mo na 'ko, ampucking Alma ka 'yong Cockroach mo tumutusok sa likod ko!" sigaw ko sa mukha niyang nilingon ko kahit ako'y nakatalikod.

"Ay..." sabi niya't biglang bitiw sa pagkakayakap sa 'kin tapos bumiling siya sa kabilang direksyon nang walang pasubali.

"Kumusta naman ang pag-aaral mo sa aklat ng Omelet?" tanong niya habang nakatalikod sa 'kin, nakahiga pa rin.

"Wala... nakatulog din ako. Ikaw kasi, e!" sising ani ko habang nakaupo't nakabangon na.

"Anong ako? Ako pa sisisihin mo!" aniya sabay biling paharap sa 'kin.

"Shh... kaingay mo." Pinatahimik ko siya gamit ang titig at nakuha naman siya sa tingin.

"Bambu, nagugutom ako..." sambit niya pagkabangon sa isang kisapmata.

"O, ano ngayon?" lingong sabi ko't pupungas-pungas pa siya.

"Bambu, hanapan mo ako ng pagkain." Dumikit siya sa 'kin at parang batang umukyabit sa braso ko.

"Seriously, Kapon? Ngayon talaga?" sabi ko't tinampal siya sa noo bago niya pa magawang ipatong ang baba niya sa balikat ko.

"Um-mm." Tumango-tango siya't hindi ko mabilang kung gaano karami dahil sa sobrang bilis.

"Ano ba naman 'yan?" reklamo ko't dagling tumayo kaya naman napatalsik siya't nawalan nang hawak sa 'kin.

"Sige na kasi... kahit prutas lang..." pangungulit niya't nakaukyabit naman ngayon sa pantalon ko.

"Ay, wow? Nag-request pa nga." Umiiling kong sabi sa kawalan at 'di makapaniwala sa inaasal niya.

"Bambu . . ." sabi niya't niliglig nang niliglig ang binti ko.

"OHH!" sabi kong gan'yan at inambaan pa siya ng tadyak.

"Please . . .?" sabi niya, tumingala sa 'kin at pinagdaop ang mga palad. Hay, nagpapaawa na naman siya.

"Oo na! Sige na!" Hindi na ako nakatanggi pa't sanay na ako na ganito ang nangyayari palagi. Magmamatigas ako sa una pero sa bandang huli ay mapapapayag niya rin ako. Can't say no to this prick vampire.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon