Ano 'yong kinukuha ni Ivana Marawi sa maleta niya? Hala, nabuksan niya na gamit lang ang isang kamay. Hala, ano 'yong hawak niya? Garapon? Garapon na kulay lumot? Anong laman no'n? 'Di ako sure.
Sumigaw siya at nagliliyad hanggang sa maalis niya ang Omelet na nakaupo sa tiyan niya. Si Ivana na ngayon ang top at si Omelet ang bottom. Ayiiee~ ship!
Pero bago pa makagawa ng kahit anong hakbang si Ivana ay bumangon kaagad ang Omelet at inumpog ang ulo niya kay Ivana. Knocked out si Ivana. Tulog.
Tumayo ang Omelet at iniwan ang walang malay na dalaga. Papalapit siya sa 'min ngayon ni Kapon kaya naman nabitiwan ko na ang hawak na popcorn at nilunok na kaagad ang isinumpak sa bibig kahit hindi pa nangunguya.
"Kumusta naman, Bambu at Kapon? Ano, may napala ba kayo sa pagsasaliksik n'yo? Akala n'yo ba mapapabagsak n'yo 'ko? Ang taas naman yata ng tingin n'yo sa sarili n'yo…" mayabang na turan ng Omelet.
"Napakasama mo, Omelet!" galit na pakli ko.
"Salamat, Bambu…" tinawanan niya lang ako, "hay, akala n'yo ba hindi ko alam na gumagawa kayo ng hakbang para pabagsakin ako? Hinahanap nga kita no'n, e… kaso hindi ka kaagad nagpakita kaya 'yon… na-bored ako, pinatay ko ang creampie mo."
"HAYOP KA!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi ako, hayop… pangod! Bampira 'ko!" bwelta pa ng Omelet.
"Bakit mo 'ko hinahanap?" tanong ko sa kanya, nanginginig ang mga kamao ko't nagngingitngit ang mga ngipin.
"Wala lang… gusto ko lang ipaalam sa 'yo na hindi ka magtatagumpay sa mga plano mo dahil---"
Hindi na naituloy ng Omelet ang sasabihin niya nang kalabitin siya ni Ivana Marawi. Kanina ko pa na-notice na nagkunwari lang si Ivana na nawalan ng malay at nagawa niyang makalapit sa Omelet nang hindi siya nito namamalayan which is nakaka-amaze.
Humarap ang Omelet kay Ivana at shookt siya nang ang hawak na garapon ni Ivana ay kaagad nitong binuksan at tinalpak sa bibig niya bago pa makapagsalita. Doon na nawalan ng malay ang Omelet at bumagsak sa sahig.
"Uhm, 'yan… utot 'yan ng nanay ko, ikinulong ko sa garapon! Utot n'ya 'yan noong may sakit pa siya. Mabaho, hano? Parang isinumpa? 'Yan, sige lunukin mo…" sabi niya pa't pinagduduldulan sa nguso ng Omelet ang garapon na ang laman pala ay kinulong na utot.
And then, knocked out na ngayon ang Omelet.
Pagkatapos niyon ay nagtatakbo si Ivana sa maleta niya at kinalkal ang mga gamit. Nagkatinginan kami ni Kapon at hindi makapaniwala sa mga nangyayari hanggang sa nang ibaling namin muli ang tingin kay Ivana ay nakita na namin itong may hawak na dalawang kutsilyong pangtipak ng karne.
Natatandaan ko iyon… iyon ang gamit namin noong kinatay namin ang mga manok niya at itininda namin sa pwesto ni Bai sa palengke.
Sumigaw siya at sinakyan ang Omelet. Nanlaki ang mga mata namin ni Kapon at nagtatakbo papunta kay Ivana pero huli na ang lahat. Pinagtataga niya sa leeg ang Omelet gamit ang dalawang kutsilyo hanggang sa maputol ang leeg nito.
"Phew!" Napabuntong hininga siya. "Naaliw kang masyado sa pagbugbog sa 'kin, ha! 'Yan dapat sa 'yo!"
"Pwe! Ano ba 'to? Yuck! Eww! Dugo ng bampira! Nalunok ko pa, shit!" sabi pa niya nang mapuno ng talsik ng dugo ang mukha niya pati na rin ang bibig.
Nalunok niya ang dugo ng Omelet. Eww. Gross.
"Bambu… napatay niya ang Omelet…" ani Kapon at saka ko lang tunay na napagtanto ang mga nangyari.
"Grabe ka, Ivana Marawi… gano'n mo lang kadaling napatay ang Omelet?" sambit ko at namangha sa kanyang ginawa.
"Bambu Bambu, mamaya na kayo mag-usap! Kailangan natin palayain ang mga kasamahan nating Bagsak!" pigil ni Kapon sa 'kin at tumakbo na kami.
Naramdaman naman naming tumatakbo na rin si Ivana at sinusundan kami hanggang sa nasa harap na kami ng sangkatutak na Ninja Basura na kailangan naming magapi.
Ilang minutong pagsusuntukan, sipa at balibagan ang ginugol namin sa pakikipaglaban sa mga nakaharang na mga Ninja Basura samantalang si Ivana ay huminto, gumilid sa isang tabi at pinupunasan ng baby wipes ang mukha niya. After mawala ng mga bloodshed sa faces and arms niya ay nag-retouch siya, nag-liptipt siya pero sa pisngi niya nilagay saka pinahid.
"'Yan! Bongga na!" sabi niya pa habang itinitiklop ang mga pampaganda niyang gamit at nang mapalingon siya sa amin ay nagulat pa siya, "Hala? Tapos na ang fight scene?" dagdag pa ng pulang-pula ang pisngi na si Ivana.
Nagtanguan lang kami ni Kapon at hindi na siya pinansin pa. Napailing na lang ako habang tumatakbo kami papasok sa palasyo. Sinundan naman kami ni Ivana hanggang sa marating namin ang piitan ng mga kasamahan naming Bagsak.
"Alma!" Kaagad kong tawag sa natitira kong creampie sa oras na mahawakan ko ang mga bakal ng rehas.
"Bambu!" Laking ginhawa sa aking pakiramdam nang marinig ko ang kanyang boses at ngayo'y papalapit na siya sa 'min.
"Wala na ang Omelet! Naipaghiganti ko na ang Alibaba, Alibangbang at Alpha!" masayang sabi ko habang kinakausap ang aking Alma.
"Wow? Ako po ang pumatay sa Omelet…" singit ni Ivana na inaako ang tagumpay at tama naman siya, siya talaga ang pumaslang sa Omelet.
"Ngunit Alma… nabigo ako… nabigo akong hanapin ang kasagutan sa mga alaalang hindi natin maalala…" sambit ko at hindi ko maiwasang hindi malungkot.
"Uy, ito na 'yong momshie mo?" ani Ivana at kaagad lumapit sa rehas para tanungin ako. Tiningnan niya ang aking Alma at pinagmasdan nang maigi sa mukha saka bumaling sa 'kin nang nakangiti.
"Shh, Ivana… mamaya ka na sumabat, okay? Nag-uusap sila, nakikita mo naman, 'di ba?" Hinatak siya ni Kapon na nagsusungit.
"Ang inaakala naming makatutulong sa 'min ay hindi ang siyang natagpuan namin…" pagpapatuloy ko pa at hindi ko maiwasang hindi isipin ang naging pag-uusap namin sa lalaking iyon na inakala naming isa sa mga Salamangkerong Bampirang hinahanap namin.
Nang biglang . . .
"Mali ka… hindi ka nabigo…" Isang pamilyar na boses mula sa likuran. Pagkalingon ko ay nakalingon na sina Ivana at Kapon. Hinihintay makita ang mga yabag na naririnig namin hanggang sa isang pamilyar na lalaki ang nabigyang-linaw ang bulto ng kaniyang katawan.
"Ikaw . . . ? Pa'no ka nakapunta rito?" tanong ko sa kanya. Siya 'yon… hindi ako maaaring magkamali.
ANG LALAKING MANGHUHULA SA QUIAPO.
"Dati akong taga-rito kaya paano ko ito hindi mapupuntahan?" tugon niya at mahinang napatawa.
"So, ikaw nga?" tanong ko sa kanya at hindi na napigilan ang mga paang humakbang palapit sa kanya habang hinihintay ang kanyang tugon.
Nakipagtitigan na naman siya sa 'kin gaya ng ginawa niya sa 'kin kanina ro'n sa Quiapo at nang makuntento sa pagtitig sa mukha ko ay nagsalita na siya,
"Ako ang ikadalawampu't isang Salamangkerong Bampira…"
Lahat kami ay nabigla sa kanyang sinabi. Nagkatinginan kami ni Kapon na siyang may alam sa mga nangyayari samantalang ang mga bilanggong Bagsak ay isa-isa nang nagsisilapitan sa rehas at nakikiusyoso.
"…at ang kahuli-hulihan sapagkat ako lang ang tanging nakaligtas…"
BINABASA MO ANG
Diary ng Bampirang Bungal ang Pangil
VampireThe GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay sinakal. Binungal at iniwanan sa kakahuyang masukal. Umuwi ako sa 'min nang nawawala ang dalawang n...