Ikalawang Kagat - Unang Sipsip

367 49 20
                                    

Uy, si Bambu 'to.

"Anong gagawin natin sa kanya? Tititigan na lang?" tanong ko kay Ivana habang tinititigan namin ang nagkikikisay niyang Alma, parang sumasayaw ng Gimme Gimme Gimmee~

"Samahan mo 'ko sa botika," ikang gan'yan ni Ivana dare diary tapos hinatak niya ako palabas ng bahay at iniwanan namin ang mama niyang umaangat na ang laylayan ng damit habang nangingisay.

Ay, shet! Walang panty! Nakalimutan yata suotan ni Ivana.

Hinayaan ko na lang 'yon, secret ko na lang ang mga nakita ko at nagpahatak na lang ako kay Ivana palabas ng bahay nilang paubos na ang laman.

"Akala ko ba sa botika tayo pupunta?" tanong ko kay Ivana nang mapagtantong papalapit kami sa isang bahay. Hindi gaanong pangit, hindi rin maganda--- sakto lang.

"Oo nga, pero wala akong pera, mangungutang muna ako kay Haponita."

Hindi ako umimik.

"O, nandito na tayo… tumawag ka, sabihin mo Haponita!" Kinurot niya pa 'ko sa tagiliran.

"Ba't ako? Ikaw may kilala ro'n, e!" Siniko ko siya.

"Bwisit kang bungal ka!" Piningot niya ang tenga ko, "Wala ka talagang silbi!"

Kinalampag niya ang bakod na kahoy na malalay na rin at malapit-lapit na ring bumigay.

"Haponita!" sigaw niya, akala mong nanay na tinatawag ang anak para pagsaingin ng kanin.

"Wala akong pera!" sagot ni Haponita pero hindi namin siya nakikita.

"Ay, punyeta ka mamamatay na ang nanay ko, pautangin mo na 'ko!"

"Ay, punyeta ka rin bes with respect, kabibili ko lang ng gluta!"

"Ga'no ba karaming gluta binili mo?" sigaw ni Ivana, pasigaw silang nag-uusap.

"Isang sako!"

"Ba't ba ayaw mo lumabas? Aakalain ng mga kapitbahay nag-aaway tayo!" ikang ganyan ni Ivana. Paano kasi nandito kami sa labas ng bakuran nina Haponita tapos siya hindi namin nakikita.

"Bawal ako maarawan, bes!" sigaw ni Haponita.

"Uy, Marawi…" Kinalabit ko siya at napitlag siyang napatingin sa 'kin, "Bakit ba? Nangungutang ako, 'wag kang magulo!"

"Itanong mo nga kung may sunblock siya," sabi kong gan'yan sa kanya. Nabanggit niya kasi ang gluta kaya naisip ko na baka mayro'n din siyang sunblock lotion.

"Bakit? Para saan?" tanong niya sa 'kin, aburidong-aburido ang mukha.

"Basta kasi!" sabi ko't pinalatakan siya.

Tinanong niya ang kaibigan,

"Haponita! May sunblock ka ba?" Napiyok pa siya. OGOGOGOG--OG!

"Bakit?" Ayaw pa rin lumabas ni Haponita.

"May nagpapatanong lang . . .!” ika ni Ivana, napatingin pa sa 'kin.

"Ay, buset akala ko pick up line!" Humagalpak sa katatawa si Haponita.

"Ano ba? Dumungaw ka naman sa bintana!" sigaw ni Ivana.

"Mayro'n akong sunblock bes, 'wag mo lang akong padungawin!" ikang gan'yan ni Haponita.

"O, mayro'n daw!" Napalingon sa 'kin si Ivana.

"Tanong mo kung SPF 150!" Tinango-tanguan ko si Ivana at nauto ko naman siya.

Humugot siya nang maraming hangin, hinigop para bumwelo saka humiyaw.

"BesT! SPF Wampipte ba iyan?"

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon