WARNING: SPG
Drinking holy water is advised!XxXxXxX
May isang buwan na ang nakalilipas Dare Diary mula nang maganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at Basura ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari noong gabing iyon.
Nagbubunyi ang lahat sa aming pagkawagi at naglakad ako papunta kay Ivana Marawi. Lumuhod ako at humingi ng kapatawaran.
"Patawarin mo ako, Ivana---"
Hindi ko pa man din natatapos ang aking sinasabi ay isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha ko.
Sa sobrang lakas no'n ay natahimik ang mga Kastila at naagaw naming lahat ang atensyon nila.
"Niloko mo 'ko, Bambu! Ginago mo ako! Akala ko, ipapakilala mo ako sa mga magulang mo pero ano? Ipapakilala mo pala ako sa mga kaaway mo at ilalagay lang sa panganib ang buhay ko? Hahayaan mo lang akong mapatay? Bakit? Para saan? Naghihiganti ka? Dahil pinaslang ng Omelet ang pamilya mo? Bakit? Ako ba ang pumatay sa kanila? Ginusto ko bang mangyari 'yon?" pagkatapos niyang sabihin 'yan ay nagtatakbo siya palayo.
Hinabol ko siya Dare Diary… hanggang makarating kaming dalawa sa ilog.
"Magpapakamatay na 'ko!" sigaw niya. "'Wag mo na 'kong pigilan dahil magpapakalunod na ako! 'Wag mo na 'kong sagipin!"
"Ivana, 'wag!" sigaw ko at nakatulak ang kamay gaya no'ng babae sa commercial ng Breeze na sabon.
"Bakit, 'wag? Hindi mo naman ako talaga mahal, 'di ba?" sagot niya.
"Hindi mo naiintindihan!" sigaw ko at tumakbo ako palapit sa kanya.
"Wala kang pake!" sigaw niya at huli na ang lahat dahil lumundag na siya sa ilog.
"IVANAAAA!" sigaw ko.
Wala pang tatlong segundo ay sumagot siya, "Aray ko po! Inay! Huhuhu! Aray! Bambu, tulong! Tulungan mo 'ko!" taghoy niya at nagkakakawag sa tubig.
Ang ginawa ko nag-dive ako at sinagip ko siya agad.
"Sabi ko sa 'yo, 'wag, 'di ba?" sabi ko nang maiahon ko siya. "Ilog 'yan ng mga Bampirang Piranha! Hay naku!"
"Pero iniligtas mo 'ko…" aniya at napangiti. "Ibig sabihin, mahal mo talaga ako!"
"Mahal naman talaga kita, e… nakakaalala na 'ko, 'di ba?" sabi ko sa kanya habang buhat ko siya, "Ikaw lang ang mahal ko, Ivana!"
"Bambu… naiiyak ako…" aniya at naging teary eyes na siya.
"Bakit?" tanong ko. "Dahil hindi ka makapaniwalang mangyayari 'to ulit?"
"Hindi…" naiiyak niyang tugon, "ang sakit ng pwet ko, e… kinagat ng piranha!"
"Ay, halika gamutin natin 'yan!" gulat kong sabi, "Halika, do'n muna tayo sa kubo…"
Dinala ko siya sa kubo na tinatambayan namin ni Kapon.
"Dito ka lang, ha? Kukuha lang ako ng saluyot panggamot d'yan sa sugat mo sa pwet…" sabi ko sa kanya and then no'ng makahanap na ako ng saluyot sa tabi-tabi ay binalikan ko na siya.
Pinaghubo ko siya at pinatuwad para magamot ko ang sugat niya sa pisngi ng pwet.
"'Wag kang uutot, ha… basta tumuwad ka lang d'yan…" sabi kong gan'yan.
"Sige lang, nagpipigil ako." Hinayaan niyang gamutin ko ang sugat niya.
"Ang laki ng pwet mo, Ivana… nakakagigil!" sabi sabay tampal sa pwet niyang hindi kinagat ng pirana.
BINABASA MO ANG
Diary ng Bampirang Bungal ang Pangil
VampireThe GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay sinakal. Binungal at iniwanan sa kakahuyang masukal. Umuwi ako sa 'min nang nawawala ang dalawang n...