"Napakatagal mo, Bambu! Nasa'n na?" sigaw niyang gan'yan at saka lamang ako napabalik sa ulirat. Kanina pa pala ako natulala sa ginagawa niya.
Kumaripas ako ng takbo sa loob ng maliit na bahay at hinanap ko ang pinakamalaking lutuan kung saan kakasya ang maraming manok na kinatay niya.
Lumabas na ulit ako ng bahay. Tumama pa nga sa kanto ng lamesang kahoy ang bayag ko, e. Tiniis ko na lang din ang sakit, Dare Diary kasi walang-wala itong panama sa kagat ng isang bampirang piranha.
"Ito na! Ampucking Alma!" hiyaw ko habang dala-dala ang hinihinalang talyasing sabi niya. Puro palayok kasi ang lutuan namin sa Barangay Bagsak kaya 'di ako sure kung ito 'yon pero feeling ko naman ito nga.
Tumakbo ako papunta sa kanya na kasalukuyang ginagatungan ng kahoy para magpatuloy ang apoy sa kanyang pinaparikitan. Ang galing niya magparingas, malakas na agad ang apoy.
"OH!" sabi kong gan'yan at napatayo siya kaagad.
"Halika, lalagyan natin ng tubig 'yan sa poso," sabi niya nang lingonin ako't harapin.
Nauna siyang maglakad at sinusundan ko siya bitbit pa rin ang talyasi. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa poso sa likod ng bahay nila.
"Nasa'n pala 'yong Alma mo?" tanong kong gan'yan habang tinitikwas ko ang tubo ng poso.
Sumagot siya habang nakaupo, hinihintay na mapuno ang nakatutok na talyasi sa bibig ng poso, "Nagpaalam sa 'kin kanina, maglilibot-libot lang daw siya. Alam mo na? For sure, ginagawa na no'n ang mga bagay na hindi niya ginagawa noong may sakit siya."
"Gaya ng?" tanong ko, patuloy pa rin sa pagtitimba.
"Pag-akyat sa Sierra Madre para kumuha ng kamote, panghuhuli ng galunggong at tulingan sa Pacific Ocean . . . gano'n." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Pinulot ko rin naman sabay sabing, "Meganon?"
"Kaya ba 'yon ng nanay mo?" pag-aangas na tanong niya.
"Hindi, e… KALMA LANG MALAKAS, AHU!" sabi kong gan'yan saka pineke ang tawa. "Fake OG! Fake OG!" tawa kong gan'yan.
"Tara na, isalang na natin 'to . . ." sabi niyang gan'yan at napansin kong sapat na ang tubig na naroon sa talyasi.
Pinagtigisahan namin ang magkabilang tainga ng talyasi at binuhat namin 'yon. Nang marating namin ang kinaroroonan ng improvised lutuan niya ay ipinatong namin ang talyasing mayroong tubig doon, sa ibabaw ng tatlong malalaking bato na nagliliyab na ang mga kahoy na nakagatong.
Sunod naming pinuntahan ang mga walang buhay na manok.
"Anong gagawin natin dito sa mga breathless red rooster?" tanong ko kay Ivana, nakatitig lang din sa ibaba kagaya ko.
"Ay, sosyal! Breathless red rooster talaga?" sabi niyang gan'yan tapos nagsimula na niyang kuhanin ang isa at ang isa rin. Dalawa ang hawak ng mga kamay niya; isa sa kaliwa at isa sa kanan. Itinaas niya iyon at sinabing, "Ibebenta natin 'to sa palengke."
"Tapos ibabalik mo na ang pangil ko?" tanong ko sa kanyang gan'yan kara-karaka.
"'Pag nabenta natin 'to lahat," sabi niyang gan'yan na ikinasama ng timpla ng mukha ko.
"Sure na 'yan talaga?" sagot kong may halong pagdududa.
"Aalilain pa sana kita ng dalawang linggo kaso sige na nga! 'Pag nabenta natin 'to lahat, ibabalik ko na ang pangil mo." Kinindatan niya ako.
"Nagsisinungaling ka, wala kang balak ibalik." Hindi ko pinatakas ang mga mata niya.
"Ibabalik ko," sabi niyang gan'yan, diretso ang tingin sa mga mata ko pero hindi pa rin ako kumbinsido. Hindi ko maramdaman ang sinseridad at pagkatotoo sa kanyang pangako.
Umiwas siya nang tingin at iniwanan akong nakatayo.
Sinundan ko siya nang mapagtantong natulala na naman ako hanggang sa hinintay naming kumulo ang tubig.
Habang naghihintay naman kami ay kinukwentuhan ko si Ivana Marawi tungkol sa buhay ko sa Kastilyo. Ikinuwento ko rin ang napanaginipan ko kagabi kung saan iyon din naman ay totoong nangyari sa buhay ko.
Kinuwento ko rin na akala ko nananaginip pa ako noong binubungi niya ako gamit ang plais, 'yon pala totoo na.
Nang kumukulo na ang tubig ay isinalok niya roon ang kinuha niyang tabo at binanlian niya ang mga manok. Mayamaya ay tinatanggalan na namin ng balahibo ang mga manok.
Nang matapos kami ay inilagay namin iyon sa banyerang bakal na may alon-alon pang disenyo ang kanto. Sinunong ko iyon sa ulo ko, medyo mabigat lang kasi mga nasa benteng manok na nabalahibuan ang nandoon.
Mayamaya nakarating na kami sa palengke gamit ang natural at normal na bilis. Hindi ko na ginamit ang bilis ko at maiiwan lang din naman si Ivana saka baka manghina ako.
"Huy, Ivana! Sino 'yang kasama mong pogi?" sabi ng babaeng sumalubong sa amin. Ito na siguro ang pwesto na kanina pa kinukwento ni Ivana. Pwesto ng kaibigan niya na nagtitinda ng mga kinatay na hayop.
Nakatingin pa rin sa akin ang babaeng may sinabi rin ang mukha at katawan.
"Pogi ba 'yan? E, bungal nga!" sabi ni Ivana at tumawa pero siya lang ang natawa. Bida-bida ampucking!
"Ang pogi kaya! Sa'n mo nabingwit 'yan?" sabing gan'yan ng binibini at nagpa-blink-blink nang mabilis ang mga mata. Umiwas naman ako ng tingin.
Ayaw ko nang dagdagan pa ang kasalanan ko.
"Sa gubat," sabing gan'yan ni Ivana.
"AH! THE JUNGLE PRINCE?" sabing gan'yan naman no'ng babae.
"The Jingle Prince siya," sabi naman ni Ivana. Waley na naman, siya lang ang natawa. Kawawa.
"Loka-loka!" sabing gan'yan ng babae at sinampal siya sa mukha. Hindi nakailag si Ivana. "May lamok, pinatay ko lang!" sabing gan'yan ng kaibigan niya at ipinakita ang palad, mayro'n ngang lamok, "Nagsasalita ba 'yan? Baka naman parang si Tarzan 'yan? Puro ungol lang?" Nakatingin na siya sa 'kin at abot ang hagod ng mga mata niya pababa't pataas.
Nakaaasiwa.
"Ay, kung ungol lang naman, Bai… 'di mo na 'yan tuturuan," sabing gan'yan ni Ivana at napatingin sa 'kin.
"Weh? Parinig nga…" sabing gan'yan ng babae na naghihintay na marinig ang ungol ko.
"Bambu, umungol ka." Inutusan ako ni Ivana at pinandilatan pa ng mga mata. Ay, wow! Ang galing makautos, a! Sarap hampasin ng banyera sa mukha!
"Ayaw," sagot ko, umiiling-iling nang matulin.
"Ay, papilit pa? Bahala ka 'di ko ibabalik 'tong pangil mo," sabi niyang gan'yan tapos ipinakita pa sa akin ang kwintas niyang may maliit na bote kung saan nandoon ang mga pangil ko.
"Nahihiya ako iihh…" sabi kong gan'yan tapos napayuko.
"Umungol ka…!" sigaw niyang gan'yan, namimilit at nagagalit nang biglang…
"UGH!"
Napaungol ako nang biglaan nang hindi ko namalayang kinurot niya ang aking utong.
"Hala! Oo nga!" sabi ng babae.
Sinamaan ko naman ng tingin si Ivana na nginisihan lang ako at iniwas ang tingin para ituloy ang pakikipag-usap sa kaibigan.
"'Di ba . . .? Umuungol sila… I mean, siya… kapag nasasaktan," sabing gan'yan ni Ivana Marawi. Aba't proud na proud pa siyang nakurot at napaungol niya ako.
Badness, my pinkish nipples! It's so fucking damn hurtful!
Kung hindi ko lang tangan-tangan sa ulo ko ang banyera na ito ay baka nahuli ko ang kamay niya at napigilan kaso hindi, dahil nakahawak at nakaalalay sa banyera ang dalawang kamay ko para hindi iyon mahulog kaya no'ng kinurot niya ako ay wala akong nagawa. Siguro kung mas pinili kong 'wag makurot ay baka nalaglag na 'tong banyerang nasa ulo ko.
"Parang ang sarap niya namang saktan nang saktan!" rinig kong sabi ng babaeng kaibigan ni Ivana pero ako ay nag-iiwas lang ng tingin.
"Alam mo gorl? Ikaw ang sasaktan ko pamaya-maya! Magbenta na tayo, inuuna mo pa kakerengkengan mo," sabing gan'yan ni Ivana kay Bai at mukhang sa sinabi niyang iyon ay lulubay na ang dalahirang babai.
BINABASA MO ANG
Diary ng Bampirang Bungal ang Pangil
VampireThe GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay sinakal. Binungal at iniwanan sa kakahuyang masukal. Umuwi ako sa 'min nang nawawala ang dalawang n...