Ikaanim na Kagat - Unang Sipsip

144 27 28
                                    

Uy, si Bambu 'to… mahapdi pa rin pisngi ko… ugugugug!

Hindi na nagsalita pa si Ivana matapos niya akong sampalin. Umiiyak siyang tumakbo palayo sa 'kin.

Luh! 'Yong pangil ko nasa kanya pa nga pala! So, hinabol ko siya Dare Diary.

"HOY! 'YONG BAYAD N'YO!" rinig ko pang sigaw ng manghuhula pero hindi ko na pinansin pa saka ano'ng ipambabayad namin, e, ninakaw nga pera ni Ivana?

Binilisan ko pa ang pagkilos ng aking mga paa at nang maabutan ko siya ay kaagad ko siyang binuhat. Itinakbo ko siya pauwi sa kanilang bahay.

Nandito na kami ngayon sa harapan ng bahay nila makalipas ang isang minuto at medyo nanghihina na ako dahil halos maubos ko na ang natitirang lakas ko.

"Patawarin mo ako, Ivana… hindi ko nakuha ang iyong pera sa mandurugas," saad kong gan'yan at humakbang siya ng isa palapit sa 'kin.

"Para ka na naman kasing gago! Sa dinami-rami ng time para mag-isip-isip at mag-alaala sa kung ano-ano, doon mo pa napili sa alanganing sitwasyon!" aniya at hindi pa rin nawawala sa boses niya ang galit though katatapos niya lang sa pag-iyak.

"Sorry, may naalala lang talaga ako…" sabi kong gan'yan dahil totoo naman ang sinasabi ko.

Pero nagulat ako sa sinabi niya, "Malay ko ba kung sinadya mo lang talaga na pabayaan 'yong magnanakaw…"

"Ano?" Napanganga ako sa sinambit niya.

"O, ba't gan'yan reaksyon mo?" tanong niya sa 'kin, napapamaywang siya matapos umismid, "Ano, tama ako? Nagpapanggap ka lang kunwari na may naalala ka, ano? Natulala ka lang kunwari tapos nagtanga-tangahan? Ano, ang galing, ano?"

Hindi ko hahayaan na sabihin niya lang sa 'kin 'yon kaya naman sinagot ko siya, "Sa tingin mo magpapakahirap akong magtinda kung balak ko lang din ipanakaw ang pera? O baka naman nagagalit ka lang dahil gumagawa ka na naman ng dahilan para hindi mo ibalik sa 'kin ang pangil ko!"

"Gago ka ba!" Tinulak niya ako't napaatras ako sa kinatatayuan ko, "'Yong perang 'yon! Para 'yon sa kaarawan ng inay sa makalawa!"

Sumabog na ako at hindi na nakapagtimpi dahil talagang sumusobra na siya at nakapag-iinit ng dugo, "WALA AKONG PAKIALAM! KASALANAN MO 'YON! 'WAG MONG ISISI SA 'KIN LAGI! 'WAG MONG ISISI SA 'KIN ANG SARILI MONG KAPABAYAAN! NA PARA BANG KAPAG NAGKAMALI KA AY KASALANAN KO PA! AKO ANG LAGI MONG TINUTURO KAPAG KASALANAN MO!"

"O, edi sige! Kasalanan ko na! Kasalanan ko!" Sinuntok-suntok niya ang Daedelus niya.

"Kasalanan mo talaga, Ivana 'wag kang mapilitan na aminin," sabi ko't pinahupa ang alab sa aking puso, "akin na…"

Tinitigan niya lang ako nang matiim.

"Akin na sabi…" sabi kong gan'yan at iginalaw ang nakalahad na palad ko.

Hindi siya kumibo kagaya ng ginawa niya sa unang pagkakataong sabihin ko 'yon.

"AKIN NA ANG PANGIL KO!" Walang hina ang lakas ng boses ko at hindi mahanap ang kalumanayan roon. Galit na talaga ako, punong-puno at hindi na hahayaang maisahan pa niyang muli.

"Bakit ba kailangang-kailangan mo 'to?" aniya at talagang nagkaroon pa siya ng lakas ng loob na itanong 'yon.

"Mahalaga sa 'kin 'yan, 'yun lang…" mariin kong tugon.

"'Yon lang? Kung 'yon lang… hindi ko pa rin ito sa 'yo ibibigay…" pagmamatigas niya.

"DAHIL SA 'KIN 'YAN AT HINDI SA 'YO!" singhal ko at ibig ko nang gumawa nang hakbang pero pinigilan ko ang sarili.

"Kung sa 'yo 'to… bakit hindi mo iningatan? Hindi ko ibibigay!" Lumayo siya't umatras ng ilang hakbang.

"Kung hindi sa 'yo 'yan, bakit mo kinuha?" saad ko pero bago pa siya makaimik ay sunabat akong muli, "Gusto mo talagang malaman kung bakit?" Naglakad ako paabante.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon