"Ano ang mga 'yan?" tanong ko sa kanya may iangat siyang mga papel.
"Ebidensiya nga, paulit-ulit? Suso ka gorl? Snail? Pagong ka? Turtle connection?" pamimilosopo niya at sinagot ko lang naman ng mahinang tampal ang noo niya.
"Anong klaseng mga ebidensiya 'yan?" medyo inis kong tanong sa kanya.
"Mga liham 'to basta…" sabi niyang gan'yan, medyo nagtitimpi rin. Balak makipag-away sa 'kin pero 'di niya magawa.
"Anong liham?" tanong kong muli habang pinagmamasdan ang mga hawak niyang papel na nakasobre.
Inis siyang napakamot sa ulo't nagpapadyak, "'Di ko alam, Bambu! Hay, kaya nga kita hinihintay, e! Kasi balewala ang lahat ng ito kung wala ka! HINDI AKO MARUNONG MAGBASA!"
"Bakit?" tanong ko.
"Ewan ko . . . basta ikaw marunong kang magbasa!" iritable niyang tugon.
"Sinong nagturo sa 'kin magbasa? E, hindi naman tayo parehas nakapasok sa akademya, a!" usisa ko pa sa kanya dahil mas binubusog ko ang aking mga kuryosidad.
"Ewan ko basta marunong kang magbasa ng lengguwahe ng mga tao at marunong kang magbasa ng lengguwahe ng mga bampira na ginagamit lang sa pagsulat at sa akademya…" ani Kapon at kahit na nagpapaliwanag siya ay hindi maalis sa boses niya ang pagkaaburido sa mga tanong ko.
At bago pa ako makapagsalita ay iniabot niya na sa 'kin ang mga papel na hawak niya.
"'Yan, tingnan mo 'yang mga 'yan…" aniya at halatang nakukulitan na sa 'kin.
Matapos kong tingnan ang reaksyon ng lukot niyang mukha ay inabala ko na ang aking sarili sa pagbubukas nitong mga sobre.
Pagbukas ay nahugot ko sa loob niyon ang isang papel na ayon kay Kapon ay liham at tama nga siya.
"Baybayin…" saad ko nang mabuklat ko ang papel at makita ang mga titik na nakasulat doon.
"Tama! 'Yon! Baybayin nga… hindi ako marunong magbasa niyan… ikaw, ikaw marunong ka…" sabi niyang gan'yan at na-e-excite na siya sa tono pa lang ng salita niya.
"Anong sabi sa sulat?" sabi niyang gan'yan at ginulo niya na agad ako, kasisimula ko pa lang basahin ang pamuhatan.
"Teka lang… binabasa ko pa, 'wag kang excited!" saway ko sa kanya at pinatahimik siya. Itinuloy ko ang pagbabasa.
"Ano raw sabi?" singit niya naman at pasilip-silip sa papel na binabasa ko.
"Teka… 'di pa tapos… binabasa ko pa…" inis kong sabi at itinulak ang ulo niyang paharang-harang. Ang dilim-dilim na nga rito, hinaharangan niya pa 'yong flashlight na tanging ilaw namin. Ang kulit talaga niya.
Tinitigan ko siya at nakuha ko naman siya sa tingin. Tumahimik na siya at hinayaan niya akong tapusin ko ang pagbabasa ko. Hindi nagtagal ay narating ko na ang huling titik ng liham at nang matapos ko iyon ay kaagad akong napatingin kay bareback Kapon.
"Tama ka, Kapon…" sabi ko't namimilog ang mga mata.
Pinagbubuksan ko pa ang ibang mga sobre at mabilisan kong binasa ang mga laman niyon hanggang sa makarating ako sa huling sobre. Nabasa ko na lahat at hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko.
"Tama ako?" sambit ni Kapon at napatingin ako ulit sa kanya.
"May tama ka sa 'kin?" sabi ko.
"Tinamaan ako sa 'yo?" sagot niya.
"AYIIEEEEE!" sabi naming dalawa tapos kumembot-kembot at nag-booty bumps,
"BACK . . . BACK . . . BACKLANG TOE!"
"Okay, seryoso na… tama ka, Kapon…" sabi kong gan'yan Dare Diary tapos umayos na kaming dalawa.
"Paano?" tanong niya.
"Pero mali ka rin…" sambit ko at muling tumingin sa mga papel na hawak ko.
"Ha? Anong tama ako pero mali rin?" tugon niya, naguguluhan. "Nalilito ako, Bambu! Bakit gan'to? Ipaintidi mo naman sa 'kin, o!"
"Ampucking Alma, marseryoso ka na sabi, e!" sabi ko sa kanya dahil nag-da-drama na naman.
"Seryoso naman ako, a!" angal niya tapos tiningnan ako nang seryoso, "SA 'YO!"
"AYIIEEE!" sabi niya pagkatapos bumanat tapos kinikiliti pa 'ko pero hindi ako kinilig. Hindi ako natawa. Waley. Walang kwenta.
"Tama na! OA na!" Binatukan ko siya.
"Ay, OA na ba?" sabi niya tapos tumigil na sa kautuan niya.
"Tama ka, na may kinalaman ang Omelet sa mga nangyayaring kaguluhan sa Kastilyo pero mali ka sa part na sinabi mong may kalaguyo ang Omega…" marahang sabi ko't agad naman siyang tumugon.
"Oo, mali nga ako kasi wala naman silang relasyon ng Alma mo…" paglilinaw niya.
"Bukod pa ro'n… mali ka dahil hindi ang Omega ang may kalaguyo…" saad ko at sa kanya ko na ibinunton ang mga mata ko.
"Ha?" gulat niyang ani.
"Kundi ang Omelet!" saad ko na lalong ikinagulat niya.
"Ang Omelet ay may kabet?" saad niya at napatakip sa bibig niyang napanganga sa pagkabigla.
"Oo, ang kabet niya ay ang Pinuno ng mga Basura," tahasang wika ko.
"Ito ang patunay ng pagpapalitan nila ng mensahe ni Biodegradable." Itinaas ko ang mga papel at iwinagwag sa mukha niya.
Hinawi niya ang mga papel na nakaharang sa mga mata niya para makita ako, "Ang baduy naman! Bakit sulat pa? Bakit hindi na lang text, chat or through Gmail, 'di ba?"
"Pangod!" Itinapal ko sa mukha niya ang mga papel pero inalis niya rin agad. "Walang internet at gadgets ang mga Basura!"
"Ay, oo nga pala…" aniya't tumango-tango pa.
Napasinghap ako nang hangin at halos lumupaypay ang aking mga balikat habang iniisip ang mga nalaman, "Matagal na pala nilang pinagpaplanuhan ito… magkasabwat ang Biodegradable at ang Omelet sa kaguluhang ito. Akala ko pa naman mabuti ang Omelet pero hindi pala!" saad ko habang nakatulala sa kawalan.
"Hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay totoo… hindi rin lahat ng nararamdaman ng puso ay totoo. Kung ano pa 'yong hindi mo inaasahan, 'yon pa ang nararanasan kadalasan." Napatingin ako kay Kapon nang marinig ang mga sinabi niyang iyon.
"Napakasama ng Omelet… alam ko na kung bakit nila ibinilanggo ang mga Bagsak!" sambit ko at kailangan kong ipabatid sa bareback ko ang mga nalaman ko.
"Bakit?" tanong niya't hinihintay lang ang sagot ko.
"Nais nilang ialay ang mga ulo ng Bagsak sa mga Basura bilang pagpapatibay sa pagsasanib pwersa ng Omelet sa Biodegradable at mangyayari iyon makalipas ang ikalawang gabi magmula ngayon…" saad ko habang binabasang muli ang pinaka-updated na liham ng Omelet at Biodegradable.
BINABASA MO ANG
Diary ng Bampirang Bungal ang Pangil
VampireThe GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay sinakal. Binungal at iniwanan sa kakahuyang masukal. Umuwi ako sa 'min nang nawawala ang dalawang n...